CHAP 9. WEAKNESS

1429 Words
NANG tumunog ang cellphone ni Baba dahil sa email notification, mabilis na sinilip niya agad ang mensahe. Para bang naging normal na reaksyon niya na iyon sa loob ng mahabang panahon. Pinagalitan niya agad ang sarili. Halata na iba talaga ang epekto ni Smiley sa pagkatao niya. Nanghihingi ng tawad sa kanya ang lalaki. Binasa niya lang iyon at hindi sinagot. Gusto niyang isipin na kalilimutan niya na ito. Marami naman siyang iba pa na manliligaw. Hindi niya alam kung bakit sa iisang tao siya umasa. She was really hurt lalo na at sa loob ng tatlong linggo ay hindi ito nagparamdam sa kanya. Halos nawalan na nga siya ng gana na magtrabaho. Hindi niya na hahayaan pa na magkaroon ng ugnayan dito. Hinihintay niyang sabihin nito ang rason kung bakit hindi ito sumipot ngunit tanging 'Sorry' lang ang nabasa niya sa mensahe nito. Malungkot na nagsulat siya sa kanyang music sheet ng mga nota. Expressing the sadness she felt at that moment. ..... MAHIGIT isang taon muli ang lumipas. Isang malaking balita ang umikot sa pamilya ni Baba. Namatay ang asawa ni Cally dahil nahulog ang babae sa bangin sa laban nito sa descendant ng Peter na si Gon. Para makiramay, sumabay siya kay Christen na nag-aaral sa Paris bilang pharmaceutical doctor patungong Kent Mansion para dalawin ang kinakapatid niya na si Cally. Iilang oras lang naman ang biyahe mula sa Paris kung saan din siya nakatira sa kasalukuyan patungong UK. Sa loob ng mahigit isang taon, patuloy sa pagpapadala ng bulaklak sa kanya si Smiley tuwing may pupuntahan siyang okasyon. Patuloy rin sa pag-email sa kanya ang lalaki ngunit hindi niya na ito sinasagot hanggang sa humingi siya ng tulong sa pinsan na si Mat-mat. Nanghingi na siya ng tulong dito na gawan ng paraan na hindi na makatanggap ng mensahe mula sa email address ni Smiley dahil sinaktan talaga nito ang damdamin niya. Hindi ba nito alam na hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend sa nakalipas? hmp! Hangga't maaari ay ayaw niya nang magkaroon pa ng ugnayan sa lalaki at gusto niya na mag-look forward sa personal niyang buhay. "Ate Baba, nauna pa na mag-asawa sa iyo si Cally. Wala ka bang plano na mag-asawa?" tanong ni Christen habang kumakain sila ng agahan nito sa Kent Mansion. "Wala pa akong napupusuan," simpleng sagot niya. "Hindi mo ba trip si Kuya Dylan?" Halos masamid siya sa sinabi nito. "Nah. he's a friend. Isa pa, may girlfriend siya," sagot niya bago sinubo ang isang slice ng tinapay. "Mukhang sa 'yo may gusto ang bestfriend mo. Sa tingin ko, na-friendzone siya sa iyo," tudyo ni Christen. Tiningnan niya ito ng masama. Kahit papaano ay siya pa rin ang pinakamatanda sa lahat sa henerasyon nila. "He's a brother to me," sagot niya sa panunudyo nito. Kung tutuusin, hindi niya talaga makita ang sarili kay Dylan Tumango na lang si Christen. Wala itong magagawa kung hindi talaga trip ni Baba ang matalik na kaibigan na si Dylan. "Marami akong kilala na doctor. Gusto mo ba na ireto kita sa blind date?" tanging nasabi ni Christen. Baba "..." Malamang na napag-utusan din ito ng magulang niya. Halos pitong taon na nga siya na umasa sa kanyang imaginary boyfriend na si Smiley. Papayag pa ba siya muli sa suhestyon nito sa panibagong blind-date? "Huwag kang mag-alala, darating din si Mr. right," nakangiti na sagot niya dito. Matalino si Christen kaya hindi na siya nito kinulit pa. ..... TATLONG araw lang siya na nagstay sa Kent Mansion para makipag-bonding kay Madam Lira at aliwin si Cally. Bumalik rin siya sa Paris kasabay ni Christen matapos ang tatlong araw. Fashion week sa kasalukuyan kaya busy siya sa mga susunod na araw. Bukod sa pagiging piyanista, nag-eenjoy din siya sa iba pa niyang ginagawa tulad ng designing. Recently nag-eenjoy siya bilang stylist ng kung sinong celebrities at sa mga modelo para sa fashion magazines. Nag-eenjoy din siya bilang designer ng jewelries. Talagang nagpaka-busy siya sa buhay sa loob ng isang taon. Samantala, sa lugar ni Prince Hanz. nakatanggap siya ng email mula kay Captain H. Alam niya na siya ang puntirya nito dahil siya ang utak sa mga kilos ng depensa ng tatlong bansa na gusto rin nitong paghimagsikan. Ang Sweden, Norway at Denmark. [Don't let me know your weakness Prince Hanz -Captain H] Kinilabutan siya sa banta nito. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Iisa lang naman ang weakness na mayroon siya sa kasalukuyan at iyon ay si Penelope. He just hope na sana ay hindi nito malaman ang tungkol sa dalaga. ..... ILANG buwan pa at isang balita ang natanggap ni Baba. Nawawala si Christen at si Doc Mikko na kasama nito sa pag-aaral ng paggawa ng gamot sa Paris.  She was also in Paris para sa isang event kaya naman nag-alala siya sa dalaga.  Nagkaroon lang ng kaginhawaan ang lahat nang mailigtas ang dalawa ng Dark Guards sa sindikato matapos ang isang linggo mula nang mawala ang mga ito.  The person behind her missing doesn't know Christen and Doc Mikko's real identity.  Palibhasa ay kapwa down-to-earth ang dalawa at nabubuhay ng simple. Walang nakakaalam kahit sa eskwelahan nito na prinsesa ng Dark Lords si Christen Park at anak ng isang bilyonaryo si Mikko Jang sa Asya.  Someone dared to mess with their life.  Hindi naman nabigo ang grupo ni Cally na malaman kung sino ang salarin. Inggit ang dahilan kung bakit nawala ang dalawa.  Then, Cloud Han made an action for his dear daughter. Hayun at nasa secret basement sa Kent Mansion ang salarin sa ngayon kasama ni Bantay. Dinalaw niya ang kinakapatid sa tahanan ni Mikko Jang na nasa kalapit na probinsiya ng Paris.  Kahit papaano ay nasubaybayan din niya ang paglaki ng lahat ng anak ng Tita Ginny niya.  Dinalaw niya rin ito para na rin tulungan ang sarili.  Hindi na nagparamdam sa kanya si Smiley. Hindi na siya nakakatanggap ng bulaklak mula dito. It's as if kinalimutan na rin siya nito.  She felt stupid para hintayin ang isang tao na walang intensyon sa kanya. Pakiramdam niya ay nauto siya nito ng sobra.  Elegante at malawak ang villa ni Doc Mikko. She could tell na mayaman talaga ito. Malaki ang kinikita nito sa kumpanya at malaki rin ang kita nito bilang doktor kaya hindi na siya nagtaka na may Villa ito sa bansang iyon. Ilan ang bodyguards na nadatnan niyang nagbabantay sa dalawa sa Villa ni Doc Mikko. Nagdagdag pa ang mga Han para mabantayan ang prinsesa ni Cloud Han.  Niyakap niya si Christen nang makita niya ito. Hindi halata sa anyo nito na dumanas ito ng hirap sa loob ng isang linggo. Naglalaro ito ng online game sa cellphone habang naka-indian sit sa sofa nang datnan niya.  "How are you?" Tanong niya agad.  "I'm good, Ate Baba. May boyfriend ka na?"  Baba "..."  Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-usisa niya sa lagay nito.  "What really happened?"  Pinutol muna ni Christen ang paglalaro at nagsimulang magkwento kay Baba.  Pinasok ng isang hindi kilalang organisasyon ang school kung saan naroon si Christen at si Doc Mikko. Dinala ang dalawa sa kalapit na probinsya sa loob ng bansang France para gumawa ng gamot.  "What kind of drug?" usisa niya kay Christen habang nakakunot ang noo.  Hinarap siya ni Christen saka nito sinagot ang tanong niya.  "A Love Drug."  Lalong kumunot ang noo ni Baba.  "They kidn*pped us to create a Love Drug, Ate Baba."  Base sa expression ni Christen sa seryosong awra nito, sa tingin ni Baba ay hindi maganda ang gamot na Love Drug.  Nilawakan nito ang pagbigay ng detalye. Ayon kay Christen, isang aphrodisiac ang Love Drug. Kapag nakainom ng gamot na ito ang kung sino man, there was no way to escape having s*x to his partner.  "Mikko and I completed the task in three days. Nagawa namin ang gamot and we see the actual result sa mga sumunod na araw."  "Makakaramdam ng sakit sa kasarian ang kung sino man na iinom nito hangga't walang contact na mangyayari. The victim will feel hot inside his body. Mararamdaman ang pagkahilo. He will not think anything but to have s*x with his partner. Kapag lumagpas ng anim na oras nang walang contact… he will die." seryoso na paliwanag ni Christen.  "We see the Guinea Pig died after six hours. But... he is a human." May namuong luha sa mata nito. "You mean, there was no way but having s*x once you took it?"  Tumango si Christen. She has a guilty look on her face.  "Unfortunately, we created hundreds of thousand drugs, Ate Baba and it was already in the Black Market bago pa kami maligtas," nakayuko na saad nito.  "Kung hindi lang sana namin ginalingan. But one of us will die kapag hindi namin sila sinunod." Niyakap niya si Christen. Kita niya ang tapang sa mukha ng dalaga pero ramdam niya ang kalungkutan at pinaghirapan nito. She created a bad drug na hindi nito gusto. In order to survive, kinailangan nitong gumawa ng gamot para sa kasamaan.  Nakipaglaro na lang siya ng online games sa dalaga para ma-divert ang atensyon nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD