Hindi malaman ni Adonis kung magsasaya o maiinis sa nalaman, paano ba naman kasi ay nadamay ay inosenteng sanggol sa masamang balakin ng ina nito sa kanya. Mabuti na lang talaga at nakakapit siya agad sa baldosa ng hagdan kung hindi ay patay na siya ngayon. Nakuyom ni Adonis ang kamao habang ramdam sa balikat ang kamay ni Camilla. "How about Zara, how is she?" bulalas na tanong sa doktor ang kondisyon nito. Malungkot na tumitig ang doktor sa kanya. "As of now, ang masasabi ko lang ay na-stablize na namin ang kanyang vitals, we are hoping against hope na magkamalay siya within 24 hours, if not, she'll be in the state of comatose," ani ng doktor. Napasinghap si Adonis, masama siya pagdating sa negosyo dahil kaya niyang isugal lahat para makuha ang nais, gusto rin niyang maghiganti sa d

