Patakbong lumabas ng silid ni Adonis si Ate Myrna dahil sa narinig na kalabog. May kabang umahon sa dibdib na baka si Adonis na 'yon ngunit laking gulat niya nang makitang nakatayo si Adonis sa may hagdan na kapit na kapit sa baldosa. "Zaraaa!" malakas na sigaw ni Brent na siyang pasok sa bahay mula sa may pool area, malabit ay narinig din ang malakas na kalabog na hindi na alam kung nahaluan ng pagsigaw ni Zara bago ito nahulog sa hagdan. Halos hindi malaman ni Brent kung ano ang gagawin dahil kita niya ang pagtagas ng dugo mula sa babaeng nakahandusay. "Hayop ka! Kasalanan mo ito!" galit na asik ni Brent kay Adonis na noon ay nakatayo pa rin sa kinaroroonan kung saan ay binalak siyang itulak ng babae. Mabuti na lang talaga at nakakalit agad siya sa baldosa ng hagdan. Samantalang si Za

