chapter seventeen

1663 Words
"And I'm here to claim my precious jewel and that is my wife." Napikit ako ng mariin dahil biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko mapigilang dumapo ang aking kamay doon. Parang pinipiga ang utak ko sa hindi ko malaman na dahilan. s**t, sa loob ng sampung taon, ngayon ko lang ulit naramdaman ito. Biglang nagflash back ang isang eksena sa bahagi ng aking isipan. "Let me help you to take off your shoes, my kitty." I let him. Pinapanood ko siya pero ang akala ko ay huhubarin na talaga niya ang aking sapatos pero hindi. May inilabas siyang red velvet box mula sa kaniyang blazer. Parihaba ang kahon na iyon. Binukan niya iyon at tinanggal niya doon ang bagay at isinuot niya iyon sa aking paa. But the thing is, hindi ko masyado maaninag ang mukha ng lalaki. A diamond stone anklet and it's a heart shape! Doon ay tuluyan na niyang hinubad ang aking sapatos at pumasok kami sa tent. "Dito ka muna, my kitty. Kukunin ko lang 'yung mga niluto ko sa Kitchen—" "B-bakit nilagyan mo ako ng anklet?" Hindi ko mapigilang itanong iyon sa kaniya. Bago man niya ako sagutin ay nakatitig siya sa akin ng ilang segundo. Muli siyang ngumiti. He touched my chin. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko! "Because I oath my commitment to you from now on, Laraya." Marahan niyang sambit. "You may not notice, but I'm totally inlove with you." Napasinghap ako't napadilat. Pero patuloy pa rin ang sumasakit ang ulo ko. Napadausdos ang aking likod sa pader upang makaupo ako. "A-are you alright?" Nag-aalalang tanong sa akin ng guest. "M-may nagawa ba akong masama? Should I call the doctor?" Hindi ko siya magawang sagutin. Pumikit ulit ako ng mariin. Daing lang ang kaya kong gawin. Ramdam ko na bigla niya akong binuhat at hiniga niya ako sa kama. I curl myself in the bed. Parang hindi ko na kaya ang sakit. "Hello, I need your manager here. This is emergency... The room under named Suther Ho. Please, be quick. Thanks." Rinig ko mula sa kaniya. S-Suther Ho...? B-bakit parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyan? Lalo sumakit ang ulo ko. "Laraya, please tell me, please stay with me..." Natataranta niyang sabi. He suddenly hold my hand and he clenched it. I can hear within his voice the pain and hurt. W-why? Ako ang nasasaktan pero bakit parang siya ang sumasalo ng mga iyon? "Sir?!" Rinig ko ang boses ng boss. "Diyos ko, Laraya!" "May doctor ba kayo dito? She need a medical attention right now!" Mariin na saad ng guest. "T-tatawagin ko na po ang doctor ni Laraya. Sa-sandali lang po." Kahit siya ay natataranta na. "Laraya?" Nanghihina niyang tawag sa akin. Papaano niya nalaman ang pangalan ko? Ngayon lang kami nagkita... Ngayon ko lang siya naencounter sa buong buhay ko... Imposibleng narito siya kahapon... Hindi ko na namalayan ang sarili kong nakatulog na dahil pakiramdam ko ay nahugot ng sakit ang buong lakas ko... *** Nagising ako ay gabi na. Pumapasok sa kuwartong ito ang malamig at sariwang hangin. Nagtataka ako kung bakit narito pa rin ako sa kuwarto ng guest? "Yes, Kal. Nakarating na ako dito sa Batanes. Yes, yes..." I heard a familiar voice, I think that was from in the balcony of this room. Hindi nga ako nagkamali. Kita ko ang likod ng isang lalaki. Nakadikit ang hawak nitong cellphone sa tainga. "I've already found her, cous. I think she didn't remember me." Iyon ang dahilan para kumunot ang noo ko. Sinong tinutukoy niya na nahanap na niya? What? "I will call you once I come back there... With her." Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Pinapanood ko lang siya. Gumalaw na siya't pumasok na dito sa kuwarto. Natigilan siya nang makita niya ako. "Finally, you woke up..." He said and he draw a relief smile in his face. Lumapit pa siya sa akin hanggang sa tagumpay siyang nakaupo sa gilid ng kama. "I'm sorry for what happend a while ago. Hindi ko malalaman kung ano ang sitwasyon mo kung hindi sinabi sa akin ng manager at ng doctor mo." Hindi ko magawang magsalita o sumagot man lang. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Bumaba ang tingin ko nang marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Did you know I miss holding you like this?" His voice almost broke. Nagtama ang tingin namin. "S-sino ka ba talaga?" I finally said it! "H-how did you know my name? Anong parte mo sa buhay ko?" Nababasa ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan na parang dinadala-dala niya iyon sa haba ng panahon. Para siyang nasasaktan pero bakit? Para saan? "I can't tell you, Laraya. Your doctor said, you are suffering in retrograde amnesia. He explain everything and I won't force you to remember me." Sagot niya na nilalaro-laro niya ang suot kong singsing. Ako ang unang bumawi ng tingin. Nahagip ng aking mga mata ang wall clock. Napasinghap ako nang makita ko kung anong oras na. It's already eight! Mabilis akong umalis sa kama. Papunta na ako sa pinto para lumabas na pero nahuli niya ang isang kamay ko. "Gabi na, saan ka pupunta?" He asked worriedly. "I... I have to go home." "Ihahatid na kita." "H-huwag na... Kaya ko naman ang mag-isa umuwi." He shooked his head. "No, let me go with you. Hindi ako kampante na mag-isa kang lalabas ng bahay. Please?" May halong pagsusumao niyang sabi lalo na sa huling salita na kaniyang binitawan. Lumunok ako't tumango. "K-kayo po ang bahala..." Napangiti siya dahil sa sinabi ko. "Thank you." Dinaluhan niya ang mesa. He grab his leather coat and wear it infront of me. Dinaluhan niya ako pagkatapos hanggang sa tuluyan na kaming nalabas ng silid. "Where are you going?" Tanong niya sa akin nang nasa labas na kami ng Fundacion Pacita. "Kukunin ko ang bike ko." Sabi ko habang nilalapitan ko ang biskleta ko. "What? Bike lang ang gamit mong transpo?" Bumalik ako sa kaniya na hawak ko na ang bisikleta ko. "Oo. Bakit?" Bago man ako sagutin ay parang nag-iisip siya na ewan. "May motorsiklo ba ang hotel na ito?" Ngumuso ako at tumango. "Hm, meron, nagpaparenta din sila ng motorbike. If you like, we can lend you some." He snapped his finger suddenly. "Iyon na ang gamitin natin." "Pero—" Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Napaatras ako ng isang hakbang. Pakurap-kurap akong nakatingin sa kaniya. Kulang nalang ay maduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Hinding hindi na ako makakapayag na nasa peligro ka na naman, hm?" Lumunok ako. I could feel my heart beats with a strong and steady rhythm! Ramdam ko din ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko buhat nang makilala ko ang lalaking ito?! He's just a stranger! Kung ikokompara ko kay Bryant, never ko naramdaman ito sa kaniya. Sa lalaki lang ito! Sa kaniya ko naramdaman ito! "Don't try to argue with me, Laraya. Ihahatid kita gamit ang motor, sa ayaw o sa gusto mo." "How... H-how about this bike?" Ang tangi kong nasabi. "You can leave that there. Just to be sure I will see you again." "Papaano ako papasok bukas kung wala akong bike?" "I'll pick you up." There. I won't able to say any words. Bakit parang kabisado niya ako? Talaga bang may kinalaman siya sa pagkatao ko noon. Ganito ba talaga niya ako kilala? Hinatid nga niya ako gamit ang motorsiklo. Mabuti nalang ay pinahiram siya. Nakapulupot lang ang mga braso ko sa kaniyang bewang habang umaandar ang motor. Maraming katanungan na bumubuo sa isipan ko. Nagawa kong hayaan ang isang estranghero na ito na ihatid ako sa bahay. Pansin ko, bakit ba masyado siyang over protective sa akin? Bakit ba takot na takot siyang mawala ako sa paningin niya? Marahan akong pumikit at mas humigpit ang pagkayakap ko sa kaniya. Wala akong ideya kung naramdaman niya iyon o concentrated siya sa pagmamaneho. I don't mind. Kusang humilig ang ulo ko sa likod niya... Tumigil ang motorsiklo sa harap ng bahay. Agad akong umalis mula sa likuran niya. Hinubad ko ang helmet at binigay sa kaniya. Tinanggap niya iyon at isinabit sa handle bar ng motorbike. "Salamat sa paghatid, sir." Sabi ko na nakaharap sa kaniya. "Mag-iingat ka sa pagbalik mo sa hotel." Nanatili lang siyang nakatitig sa akin na parang pinag-aaralan niya ang ako. "Sir?" I call him. He slightly shook his head at looked down. "I can't still believe this..." Mahina niyang usal. He released a sigh and looke me back. "I hope I can see you tomorrow, Laraya." Tipid akong ngumiti. Tinalikuran ko na siya at papunta na ako sa bahay. Subalit, bawat hakbang na pinakawalan ako ay nakakaramdam ako ng bigat sa aking kaloohan. Bakit parang sinusuntok ang dibdib ko? Para akong pinaparusahan dahil tinalikuran ko ang taong iyon... Tumigil ako at nilingon ko siya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Pero wala na siya sa motor. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin na parang inaabangan niya na lumingon ako sa kaniya. Wala na din ang helmet na suot niya. Muli akong humarap sa kaniya. "S-sir..." Lumapit siya sa akin at bigla niya akong sinunggaban ng yakap. Nagulat ako sa kaniyang ginawa. Ramdam ko na sinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking leeg at balikat. "Sa loob ng sampung taon, ilang beses ko na pinagtangkaan na sumuko na, Laraya..." Sambit niya na basag ang boses, mas hinigpitan pa niya ang pagkayakap niya sa akin. "At last, I finally found you... But it kills me everytime I think about how you'll never remember what I'll never forget..." Nanatili lang akong nakatayo. Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi niya. Ramdam ko ang pangungulila niya. May mga namumuo nang luha sa aking mga mata. Nanginginig ang labi ko. Hanggang sa tumulo na ang luha ko at hindi ko na alam kung saan iyon pumatak. "I miss you, Laraya..." Humihikbi niyang sabi. "I miss you, my kitty." Kinagat ko ang labi ko. Pumikit ako ng mariin. Bakit nasasaktan ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kusang gumalaw ang mga kamay ko. Dumapo iyon sa kaniyang likod... Niyakap ko siya pabalik. "Can you tell me what's your name?" Tanong ko na nanginginig ang boses. "Suther... Suther Travis Ho..." "Can you help me? Can you grant my wish?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha iyon. Dahan-dahan siyang kumalas ng yakap mula sa akin. Ikinulong mga palad niya ang mukha ko. Nagtama ang mga tingin namin. "What is it, my kitty?" "You know I don't know you... I don't know why I need to trust you... Y-you said, you finally found me..." Marahan akong pumikit. "I wish to be... who I used to be, Suther..." Ramdam ko ang pagdikit niya ng noo niya sa aking noo. "Yes, my kitty. I will. Maybe you forget everything about me, but I'm willing to remind you how much I love you.." He said. "Kahit hindi pa bumabalik ang alaala mo, patuloy pa rin kitang liligawan, Laraya. Mahal na mahal kita..." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD