TEN YEARS LATER.
Itinigil ko ang bisikleta sa gilid ng Fundacion Pacita. Isa sa mga sikat na hotel dito sa Basco, Batanes. Actually, dito ako nagtatrabaho bilang chamber maid. Buti nga lang ay nabigyan ako ng trabaho dito dahil nakakainip sa bahay. Surprisingly, may kakilala daw si Bryant na dito din nagtatrabaho kaya nirefer niya ako. Limang taon na akong nagtatrabaho dito.
Pumasok ako sa loob ay nakasalubong ko Daisy, katrabaho ko. Makulit ang isang ito, makati ang dila na parang akala mo eh hindi nauubusan ng kwento. Para tuloy akong naalala sa kaniya pero hindi ko matandaan kung sino.
"Tamang-tama ang dating mo, Laraya!" Bati niya sa akin. "Sabi ni boss, pahanda daw ng isa pang kuwarto dahil may magchecheck in daw."
Oh, bagong guest! "Okay, sige!" Masigla kong tugon saka nilagpasan ko na siya.
Nagpalit ako ng damit. May uniporme kasi dito sa pinagtatrabahuhan ko. Pagkatapos kong magbihis ay agad ko pinuntahan ang boss namin para tanungin kung anong kuwarto ang aayusin ko para sa bagong guest.
"Pangaditan na kuwarto ang aayusin mo, Laraya." Sabi sa akin ng boss ko. "Bukas na kasi ang dating guest na nagpareserve sa kuwarto na iyon."
"Sige po, ma'm. Babalik na po ako sa trabaho." Hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko nang bigla ulit siya nagsalita. May mga ibinilin pa siya na mahahalagang bagay.
Tumango siya saka ngumiti.
Tinalikuran ko na siya at dumiretso na ako sa pangaditan para ihanda ko na ang kuwarto. May spare keys naman ako kaya madali sa akin na makapasok sa kuwarto.
Una kong inayos ang mga kagamitan. Pinalitan ko din ng mga pillow case at bed sheets ang kama. Nagpunas ako ng pawis sa noo nang natapos kong mag-ayos ng kuwarto. Natigilan ako nang may pumukaw ng aking atensyon. Lumapit ako sa balkonahe. Humawak ako sa railings. Hinahayaan ko lang na dumapo ang malamig at sariwang hangin sa aking balat.
Ang sabi, mula dito ay matatanaw ang pacific ocean.
Sayang...
Ten years ago, I got retrograde amnesia. Ayon sa doctor na nakausap ni Bryant, hindi ko daw maalala kung anong nangyari bago ako nagkaroon ng ganitong sakit. Nakalimutan ko na daw ang mga tao (pangalan man o mukha), mga lugar, at iba pa noon. Pero magagawa ko pa rin daw ang mga bahay na kadalasan na ginagawa ko noong wala pa akong amnesia. Dahilan din daw kaya ako nagkaroon ng ganoon ay dahilan na natamaan ako ng matigas na bagay sa ulo kaya naapektuhan ang aking memorya upang mangyari daw iyon ay kailangan ay may magtitrigger iyon. Bagay man o tao...
Bumaba ang tingin ko sa aking kamay. Suot-suot ko pa rin ang singsing. Ilang beses na ako nagtatanong kay Bryant kung papaano kami nagkakilala at paano kami humatong sa kasal.
Ang sabi niya, nagkakilala daw kami sa isang university. Magkaklase daw kami sa isang subject noon hanggang sa nagkadevelopan na kaming dalawa at ikinasal na.
Pero ipinagtataka ko lang kung bakit ang aga naman namin magpakasal? Ang sabi sa akin ni Bryant ay magkaedaran kaming dalawa, kung hindi ako nagkakamali ay sabi niya ay nineteen years old kami nagpakasal. Ngayong twenty nine na ako, wala talaga ako nantatandaan...
Mariin akong pumikit. Ang bilin sa akin ng doktor ay huwag ko daw pwersahin ang aking sarili na alalahanin ang lahat dahil baka lumala pa daw. Hayaan ko lang daw at bigla daw sasagi sa isipan ko ang parte ng mga alaala ko.
Masyadong mabilis ang oras. Hindi ko namalayan na gabi na. Nagcheck out na ako at nagpalit na ng damit. Nagpaalam na ako sa mga katrabaho bago ako tuluyan na nakaalis.
Hawak-hawak ko ang body bag ko habang palapit ako sa bike kung saan ko iyon pinark. Sumakay din ako di kalaunan. Inabante ko iyon at uuwi na ako. Buti nalang may ilaw itong bisikleta na ito. Sanay na ang katawan ko sa lamig ng hangin.
Kailangan ko na yatang magmadali. Paniguradong nakauwi na si Bryant sa bahay!
At hindi nga ako nagkamali, nauna nga siya sa akin sa pag-uwi. Kasalukuyan siyang nagluluto ngayon ng hapunan.
"Narito na ako!" Masigla kong bati sa kaniya.
"Welcome home," Ngumiti siya sa akin.
"Hm, anong ulam natin ngayon?"
"Chicken adobo. Patapos na din ito."
Lumapad ang ngiti ko. "Ako na maghahanda sa mesa." Prisita ko pa. Agad akong kumuha ng tig-dalawang plato, kutsara at tinidor. Naset ko iyon sa mesa.
Ilang saglit pa ay nag-umpisa na kaming kumain. Panay kwento ko sa kaniya kung ano ang kaganapan ko ngayong araw, ganoon din siya, nagkukwento siya tungkol sa ginawa niya buong araw. Sa ngayon kasi kasali siya sa pangingisda lalo na't buwan ngayon ng Mayo. Minsan ay sa pagsasaka siya sumasabak.
"Nga pala, Laraya..." Bigla niyang sabi na dahilan para makuha ang aking atensyon. Tumingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata. "Luluwas ako ng Maynila. May aasikasuhin lang ako. Okay lang ba na dito ka muna? I mean, maiiwan kita dito."
Ngumuso ako saka tumango. "Ayos lang naman sa akin." Ngumiti ako. "Hindi ko rin pwedeng iwan ang trabaho ko dito."
Napangiti din siya. "Bukas ng umaga ang alis ko."
Muli akong tumango. "Sige."
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin. Hindi na siya nakipagtalo pa. Naligo din ako pagkatapos kong gawin ang mga gawain.
Sa loob ng sampung taon na pagsasama namin ni Bryant ay maraming nagtataka na sa mga kakilala at kapitbahay namin dito kung bakit wala pa kaming anak. Hindi ko naman magawang itanong sa kaniya iyon. Ang tanging sagot niya sa akin, "Kapag deserve na talaga kita, Laraya."
Ni minsan ay wala din nangyayari sa amin. Hindi ko malaman kung bakit parang takot siyang hawakan ako. Kung minsan ay nasasagi niya ako ay palagi siyang humihingi ng pasensya.
Nakatitig lang ako sa kisame. Nakapatong lang ang aking mga kamay sa aking sikmura. Hindi ako dinadalaw ng antok. Sumulyap ako kay Bryant na ngayon ay natutulog sa sofa na yari sa kawayan. Isa pa sa napapansin ko, bakit hindi man lang siya tumatabi sa akin sa pagtulog? Hindi naman ako mahabo o wala naman akong sakit.
Nilipat ko ang aking tingin sa may side table. Natigilan ako nang may napansin ko na wala doon ang pinakaiingatan kong bagay-ang anklet!
Napapikit ako ng mariin. Bigla ako ginapangan ng kaba. Bukod sa singsing na suot ko, hindi rin pwedeng mawala ang anklet na iyon!
Iniisip ko kung saan nahulog iyon. Imposibleng hubarin ko iyon sa labas ng bahay. Hindi kaya lumuwag ang lock n'on? Pero imposible talaga! Maybe I dropped it somewhere.
Bukas na bukas, hahanapin ko siya kahit anuman ang mangyari!
Kinabukasan din iyon ay maaga ako pumasok sa Fundacion Pacita para hanapin ang anklet. Umalis na din kaninang madaling araw si Bryant bago man ako nakaalis sa bahay. Saktong alas siete ako nakarating dito. Usually eight pa ang umpisa ng trabaho ko.
"Oh, Laraya, ang aga mo yata?" Puna sa akin ng boss ko. Nakabihis na din ako ng uniporme dito sa hotel.
"Uh, may hahanapin lang po ako, ma'm. Nawawala po kasi ang anklet, eh." Sagot ko. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita. Tumigil ako't tumingin sa kaniya.
"Teka lang, Laraya, may pinapabigay ang guest sa iyo. 'Yung hinanda mo kahapon." Iniwan ako saglit at may kinuha siya sa counter. Bumalik din siya agad at inabot niya sa akin ang bagay na iyon. "Pinapasabi niya na salamat." Saka ngumiti siya.
Taka kong tinanggap ang rosas. Hilaw akong ngumiti. "Sige po, ma'm."
"Laraya!" Tawag sa akin ni Daisy. May hawak siyang tray. "Breakfast ito ng bagong guest. Sa may Pangaditan room. Pahatid naman ito, ihahatid ko lang ito sa kabila. Pasuyo sana..."
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Tinanggap ko ang tray at pinuntahan ko ang kuwarto kung saan ako naglinis kahapon. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumagot o buksan man ang pinto. No choice ako, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Maingat akong pumasok sa kuwarto. Baka wala dito ang guest. Pinatong ko ang tray sa mababang mesa.
Natigilan ako. Hindi kaya, dito nahulog ang anklet?
Tama! Baka narito nga iyon.
I crawl myself on the floor. Baka nahulog iyon sa parte ng kuwarto o di kaya nasipa iyon ng guest at kung sana napadpad!
"Magpakita ka na..." Mahina kong sabi habang patuloy pa rin ang paghahanap ko.
Hindi ko na namamalayan kung san na din ako nakakarating hanggang sa tumabad sa akin ang isang pares ng paa. Natigilan ako. Kumunot ang noo ko.
Dahan-dahan akong tumingala. Unti-unti nanlaki ang mga mata ko at umaawang ang bibig ko nang makita ko ang isang lalaki na nakatapis lang ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan habang nakapameywang ito.
"Oh s**t!" Malakas kong bigkas. Nagmamadali akong tumayo at lumayo ng dalawang hakbang. "Sorry, sir!"
"What are you... doing here?" Tanong niya sa akin. Dumapo ang tingin niya sa rosas na hawak ko.
"M-may hinahanap po ako." Sinubukan kong tumingin sa kaniyang mga mata. Bigla ako nakaramdam ng kaba nang magtama ang mga mata namin. Napalunok ako. Nababasa ko na hindi siya makapaniwala na nasa harap na niya ako. "S-sorry, sir... H-huwag mo lang akong ireport sa manager ko..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko na bigla siyang humakbang palapit sa akin.
Umatras ako na nababalutan pa rin ako ng kaba. Diyos ko, ano bang problema ng guest na ito?!
Hindi ko na magawang umatras dahil lumapat na ang likod ko sa pader! "S-sir..." Nanghihina kong tawag sa kaniya. My goodness, why my heart trembling at the same time?!
Inangat niya ang isang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko na ipinakita niya sa akin ang isang bagay na kanina ko pa hinahanap. "This one?" He asked.
Tumango ako.
"Please, look at me..." Namamaos niyang utos sa akin. Hindi ko alam kung ano nagtulak sa akin para sundin iyon. Nagtama ang mga tingin namin. Bakit may mga namumuong luha sa kaniyang mga mata? Sino ba siya? Bakit ganyan ang reaksyon niya nang makita niya ako?!
"S-sir...?" Sinubukan ko ulit magsalita.
Siya ang unang bumawi ng tingin. Kinagat niya ang kaniyang labi na parang galit o pinipigilan niya ang sarili niyang mapaiyak man. Bumuntong-hininga siya. Bigla siyang yumuko. Sinundan ko iyon ng tingin. Inilapat niya ang isang tuhod niya sa sahig. "Do you know why ladies like you need to wear this?" Tanong niya.
Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay pinapanood ko lang ang kaniyang ginagawa.
"Because you are committed and sign that you are now married." Sabi niya habang sinusuot niya sa akin ang anklet. Tumayo siya at muli nagtama ang mga tingin namin. "I'm here to claim my precious jewel and that is my wife."