Critical "Your Highness!" Kaagad kaming naghiwalay ni Richart nang biglang sumulpot si Yoseph. Umayos ako ng upo at tumingin sa mga pagkain. "The king and queen are already looking for you." "Susunod na ako," sabi ni Richart. Umalis na si Yoseph. Tinignan ko si Richart na hinihintay ang mga mata ko. "Kailangan mo ng umalis." sabi ko. Tumango sya. "We will have time again. I promise." sabi nya at tumayo na para makaalis. "Wait, can you do me a favor?" sabi ko at hinawakan ang kanyang mga kamay. Hinarap nya ako at ngumiti. Ngayong ayos na kami pwede ko ng sabihin sa kanya ang gusto ni Antonio. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang ako pa ang magsabi. "What is it, my lady?" Huminga ako nang malalim. Nakakahiya ito! "Pwede ba akong tumira sa palasyo?" Nakagat ko ang labi ko pa

