Simula
Cordancia
Hindi matangggal ni Iesha ang kanyang tingin sa bakanteng commercial space na balak niyang bilhin. Konting ipon na lang at mapapasakanya na ang lugar. Matagal-tagal na rin simula nang magpagdesisyunan niyang magtayo ng negosyo, hindi iyong nagtitinda lang sa palengke.
"Hi, Iesha!" bati sa kanya ni Vill, ang mabait na may-ari ng lote.
"Hello, ate Vill! Kamusta po?" masayang bati nya.
"Actually, I have bad news for you," sabi nito. Bigla naman siyang kinabahan.
"Ano po 'yon, ate?"
Huminga nang malalim ang babae. "Lolo visited me last week and he asked kung nabenta na ba ang loteng ito. I answered no. Nagalit siya kasi gusto niyang maibenta na ito sa lalong madaling panahon. 'Di ko naman masabi na I was waiting for you kaya napa-oo na lang ako."
Bumagsak ang balikat niya nang marinig iyon. Marami-raming halaga pa kailangan niyang ipunin para mabili ang lote.
"Hanggang kailan ang palugit niya?" tanong niya habang lihim na umaasang matagal-tagal pa ang kanyang panahon.
"By the end of this month," mahinang sabi ni Vill.
"Ano? Eh, nasa kalagitnaan na tayo ng buwan, bakit ang bilis naman?" mangiyak-ngiyak na sabi niya.
"Sorry, kapag hindi ka nakapagbigay ng sapat na halaga bago magkatapusan ng buwan ay ibebenta ko ang lote sa iba pang may interes. Ito lang ang magagawa ko, pasensya na talaga."
Bumuntong-hininga sya at tumango.
"Ayos lang, ate. Gagawa ako ng paraan," sabi na lang nya kahit hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera.
Umalis siya sa lugar na malalim ang iniisip, ilang libo pa ang kailangan niya para mabuo ang kanyang pambayad. Isa't kalahating taon na rin siyang nag-iipon. Lahat ng perang iyon ay galing sa pagpupuyat, pagtitiis at pagtatrabaho ng umaga at gabi.
Sa sobrang pag-iisip niya, hindi niya namalayan ang paparating na mga lalake. Nagkabungguan sila at napaupo siya sa sahig.
"Sorry, Miss. Ayos ka lang?" tanong ng isa sa tatlong lalakeng nakabangga sa kanya.
Tinulungan siyang makatayo ng lalaki pero tumagos ang kanyang tingin sa isa pang kasama nito.
'OMG!' nasambit niya sa kanyang isip.
Halos maglaway siya nang makita ang lalakeng perpektong nakatayo at nakatingin lang din sa kanya. Gwapo at malinis itong tignan na parang kasapi ng royal family sa England.
"Pasensya na talaga, miss. Hindi namin sinasadya, naliligaw kasi kami," sabi ng lalakeng tumulong sa kanya.
Naalis ang tingin niya sa gwapong lalaki at napabaling sa lalaking nakabunggo sa kanya.
"Ayos lang. Naliligaw kayo sa bayan namin, eh ang liit lang nito. Paano pa kaya kapag nagpunta na kayo ng Maynila?" sabi niya.
Kumunot ang noo ng tatlong lalaki. "Ano ang Maynila?" sabay-sabay nilang tanong.
Napanganga si Iesha sa tanong ng tatlong lalaki.
"My gosh kayo? Taga-earth ba kayo? Hindi niyo alam ang Maynila?!" malakas niyang sabi at napahawak pa sa kanyang noo.
"Wait, Maynila sounds familiar. Is it food? Or an actor here in the Philippines?" sabi ng lalakeng kanina pa tahimik.
Umiling si Iesha. "Ang Maynila ay kabisera ng Pilipinas," mabagal niyang sabi.
Nakakunot pa rin ang noo ng tatlong kalalakihan.
"What is kabisera?"
Napapalo siya ulit sa kanyang noo. "Capital ng bansa," sabi niya ulit.
Kanina niya pa kausap ang tatlong ito pero hindi pa sila magkakakilala. Inilahad niya ang kanyang kamay at ngumiti.
"Ako nga pala si Iesha," pakilala niya.
Tinanggap ng lalakeng nakabunggo sa kanya ang kanyang kamay.
"Antonio, nice to meet you Iesha,"
Inabot naman ng isa pang lalake na mukhang magagalitin ang kanyang kamay. "Yoseph."
Pagkatapos noon ay tumingin siya sa lalakeng naghihintay rin sa kanya. Nang mahawakan niya iyon ay nakaramdam sya ng kakaiba, ang lambot ng kamay nito at parang hindi lalaki ang may-ari.
"Ako si Richart, nice to meet you Iesha. Napakabait mo, hindi kagaya ng una naming napagtanungan."
Nag-init ang kanyang pisngi at hindi nakapagsalita.
Napatingin naman si Antonio at Yoseph kay Richart. May binulong ang dalawa kay Richart, umiling ang lalake.
"Anong pinag-uusapan nyo?" tanong ni Iesha at lumapit sa tatlo.
Umiling lang si Antonio. "Pinag-uusapan lang namin kung pwede ka naming maging tour guide. Babayaran ka namin," sabi nito.
Napa-isip si Iesha. "Magkano naman ang ibabayad nyo?"
"Ikaw, magkano ba ang gusto mo?" tanong ni Yoseph.
Napangisi si Iesha. "Three thousand pesos," sabi nya, hindi naman sya mapagsamantala, kailangan nya lang talaga ng pera at hindi naman ganoon kataas ang hinihingi nya.
Tumango ang tatlo at naglabas ng tatlong libong piso. Inabot ito sa kanya at kaagad nyang kinuha. Ch-in-eck nya pa kung totoo at legit nga.
"Ayos! Saan nyo ba gustong pumunta? Wala namang masyadong magandang puntahan dito sa bayan namin. Pero may mga alam ko. Tara! Sumunod kayo sa akin," sabi niya habang malawak ang ngiting nauna sa paglalakad.
Nilingon nya ang tatlong lalakeng nakasunod sa kanya. Nagkatinginan sila ni Richart at nagngitian.
Ang swerte ko ngayong araw na ito! May pera na, may kasama pang gwapo! Walang ganito sa palengke.
Lihim na syang napangiti. Una nyang dinala ang mga lalaki sa bagsakan ng mga iba't-ibang seafood.
"Wow! Ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Ang daming isda at mga shellfish. May shrimp pa at crabs," sabi ni Antonio at lumapit sa mga trabahador na nagbabagsak ng isda.
"Ang lansa, hindi ko kaya ang amoy. Maiwan ko na kayo," sabi ni Yoseph at mabilis na umalis.
Nagkatinginan sila ni Richart at napansing silang dalawa na lang pala ang nandoon.
"Ikaw, gusto mo ba dito?" nahihiyang tanong ni Iesha.
"Oo naman, ngayon lang din ako nakapunta sa ganito. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Lalo na at kasama ko ang mabait at isang magandang binibini," sabi ni Richart at nakangiting tumingin sa kanya.
Nakagat ni Iesha ang kanyang labi upang mapigilang ang malawak na ngiti.
"Salamat. Marami pa akong ipapakita sa inyo kaya dalian natin baka gabihin tayo," sabi nya at tinawag na si Antonio.
Sunod nilang pinuntahan ang hangin bridge patungo sa isang magandang talon.
"Hindi ba delikadong dumaan dito? Baka naman dito na rin ako ilibing kapag nalaglag ako," takot na sabi ni Antonio at humawak sa magkabilang gilid ng tulay.
"Ayos lang yan, matibay ito. Ilang taong na rin namin itong ginagamit at walo pa lang naman ang nalalaglag," biro ni Iesha na seryoso ng tatlong lalake.
"Hindi ako tatawid d'yan," sabi ni Yoseph habang umiiling.
Nagkibit-balikat na lang si Iesha at nagsimula ng maglakad. Ayos namang tumawid sa tulay, 'wag lang hahangin nang malakas dahil mawawala sila sa balanse.
Sumunod ang dalawang lalake kaya walang nagawa si Yoseph kung hindi ang sumunod na rin.
Sa una ay kalmado ang paligid pero biglang humangin nang malakas at wala sa balanse si Iesha. Ngunit isang matipunong braso ang humawak sa kanyang beywang at pinigilan syang matumba.
Nilingon nya kung sino iyon at napangiti na lang ng masilayan ang mukha ni Richart.
"Salamat," sabi nya at umayos na ng tayo.
Binilisan nila ang pagtawid dahil lumalakas na ang hangin. Narating nila ang talon matapos ang ilang minutong paglalakad.
"This is peace," sabi ni Yoseph.
"Kung pwede lang kaming maligo kaso malapit ng gumabi at wala kaming dalang panligo," nanghihinayang na sabi ni Antonio.
Patingin si Iesha sa kanyang orasan at nakitang malapit ng mag-sunset. Hinila nya ang kamay ni Richart at iniwan nila ang dalawa.
Dinala nya ang binata sa mataas na bahagi ng bundok. Humanap sya ng magandang puwesto upang makita nila ang paglubog ng araw.
"Salamat sa araw na ito, Iesha. Akala ko magiging disaster ang bakasyon naming ito lalo na at isang araw lang ang ibinigay sa amin. You made it wonderful," sabi ni Richart habang nakatingin sa kulay kahel na araw.
"Salamat rin at dumating kayo. Kahit papaano ay nabawasan ang problema ko," malungkot nyang sabi.
Napatingin si Richart sa kanya.
"Anong problema?" tanong nito.
"Problema sa pera, basta!" sabi na lang nya. Ayaw nyang mag-open sa ibang tao lalo kung pera ang usapan.
Unti-unting lumubog ang araw at unti-unti rin ang paghawak ni Richart sa kanyang kamay.
"You are an amazing lady, Iesha. Hindi mo iniisip ang sasabihin ng ibang tao sa iyo. I like you, I mean I like your traits. You're beautiful, inside and out. Sana ay pwede pa tayong magkasama ng matagal. I feel like I am a different person whenever I am with you. Thank you, Iesha," sabi ng lalaki na nagpatibok nang malakas sa kanyang puso.
Walang sabi-sabing hinila nya ang batok nito at hinalikan sa labi ang binata. Sa una ay gulat pa ito pero kalauna'y tumugon rin sa halik.
Hindi ko na ulit sya makikita kaya susulitin ko na. Ang lambot ng mga labi nya.
Nang maghiwalay sila ay tuluyan nang nawala ang araw at tinawag na sila ng dalawang lalake.
Kinabukasan ay maagang tinungo ni Iesha ang palengke. Balak nyang magbukas nang maaga dahil kailangan nya ng malaking halaga.
Sinalubong sya ni Antonio na malawak ang ngiti. Ang akala nya ay umalis na ang mga ito.
"Buenas dias, Senyorita Iesha," bati nito.
Ano raw?!
"Magandang umaga, Antonio. Akala ko ba umalis na kayo? Nasaan si Yoseph at Richart?"
Kaagad syang napangiti ng maalala ang nangyari kagabi.
"Nauna na silang bumalik at naiwan ako dahil may offer akong siguradong hindi mo matatanggihan," nakangiting sabi ng lalake.
"Ano iyon?"
"Ang sabi ni Richart ay problema ka raw sa pera at sa tingin ko, may magagawa ako tungkol diyan!"
"Nagpapautang ka ba? Naku! Ayoko, baka hindi ako makabayad."
"Hindi, ano ka ba? Ang gagawin mo lang ay sasama sa akin at magiging manliligaw ng prinsipe," sabi ni Antonio na ikinagulat ni Iesha.
"Prinsipe? Bakit naman ako manliligaw ng prinsipe?"
Napairap si Antonio. "Alam mo parehas may problema sa pera ang pamilya ko at ikaw, magtulungan tayo. Kapag ikaw ang napiling mapangasawa ng future na hari ng Cordancia ay hindi mo na problema ang pera at may mga sarili ka pang lupain."
Naisip ni Iesha na baka nahihibang na si Antonio pero napaka-tempting naman kasi ng mga sinasabi nito.
"Saan ba yung Cordancia?"
Ngumiti si Antonio.
"Ang pang- 7, 642 na isla ng Pilipinas, isang maliit na kaharian sa loob ng Philippine Area of Responsibility at ang iniwang tanda ng mga Espanyol sa Las Islas Filipinas. Ang Kaharian ng Cordancia...