TBM#22 “MR. DE SANDIEGO IS HERE,” Agad natigil si Heejhea sa ginagawa at napatingin kay Mother Selvie. Nasa garden kasi siya at nagdidilig ng mga alagang halaman ng Foundation. Nakagawian na kasi niya ito tuwing umaga. Pasalamat din siya at mula ng makalabas siya ng ospital, dalawang araw na ang nakalipas ay hindi na siya nagki-crave ng durian. Iba na rin kasi ang hinahanap ng pang-amoy niya. At simula rin sa araw na iyon ay walang palya rin ang pagpunta ni Jacob dito. Mula umaga hanggang hapon at dito na rin ito maghahapunan bago ito umuwi sa hotel na tinutuluyan nito. Patuloy pa rin siya nitong sinusuyo. Hindi na nga niya alam kung paano pa ito harapin na hindi siya maaawa. “Nasa recreation area siya at tinutulungan si Mat-Mat na i-build iyong lego na dinala ng mga kamag-anak nito

