TBM#21 I LOVE YOU, MOMMY. PLEASE, WAKE UP… Kaagad napadilat ang mga mata ni Heejhea sa narinig na pakiusap ng kanyang anak. Pero agad din siyang napapikit nang masilaw siya sa liwanag mula sa itaas. Nasaan ba siya? Ikinurap-kurap niya ang mga mata at agad na nagpanik nang ibang kisame ang nabungaran niya. Pero nang malanghap niya ang amoy ng alcohol ay agad niyang naalala ang nangyari sa kanya kanina. Kinakabahang agad niyang nasapo ang tiyan niya. Agad din naman siyang nakahinga ng maluwag nang makapa niya ang tiyan at naroon pa rin ang anak niya. "You're awake," Nabaling ang tingin niya sa may pinto nang marinig niya ang boses ni Jacob. Kakapasok lang nito sa silid na kinaroroonan niya. "Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Sandali tatawagin ko lang ang doctor mo." Sunud-sunod na sabi nito nan

