TBM#2O "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Masungit na tanong ni Heejhea kay Jacob nang mahawakan na niya ang dalawang plastic container na may lamang durian. Ewan, pero bigla na lang siyang nainis nang ngitian nito iyong babaeng naghatid kanina nitong durian. Plus, iyong sinabi no’ng bastos na lalaki kanina na may p*ta itong girlfriend. Hindi pa talaga siya naka-move-on doon. "Nagpunta ako sa Foundation para sana yayain ka ng almusal kaya lang nalaman ko mula sa kaibigan mo na nandito ka kaya agad akong pumunta rito," paliwanag naman nito sa kanya. Tila isang maamong tupa ang mukha nito habang nakatititg sa kanya ang kulay abu nitong mga mata. Pero hindi na siya magpapaluko pa sa lalaking ‘to. Tapos na ang kahibangan niya at nangako na siya sa sarili na sanayin na niya ang sarili na

