Gabi na ng makabalik kami sa bahay dahil may dinaanan pa kami nila tito Bogart na bibili ng kanyang anin na sibuyas. Pagdating sa bahay ay gutom na gutom kami ni Dennis kaya diretso kami sa kusina. “Kain na kayo, mag hugas muna ng kamay dahil galing kayo ng ospital.” Sabi ni tita Dory na tinawag pa ang kanyang asawa at iniwan kami sa kusina. Kami naman ni Dennis ay kaagad naupo at nag sandok ng pagkain. Ilang subo lang ay naupo na din ang mag-asawa at sinaluhan kami sa pagkain. Nagkwentuhan ang tatlo habang ako ay pangiti-ngiti lang. Bida na naman ako sa kwento ni Dennis kaya nakakahiya. “Tama ang ginawa mo Lucio, salamat naman at nakuha mo ang ugali ni ma'am Monalisa na makatao. Sa bagay na yan, nakuha mo ang respeto ko anak.” Hindi ako umimik at tumango lang, sa totoo lang masaya

