“Tubig Lucio?.” Alok sa akin ng isang dalaga na tumutulong sa pagbunot ng mga sibuyas. Ako naman ay taga-putol ng dahon gamit ang itak na pa letter-C. “Ang daming army worms ngayon, sayang ang mga sibuyas dahil hindi pa malaki, mas malaki sana ang kita kapag malaki ang mga anak dahil mabigat, tatlong buwan pa sana tsk tsk. Panigurado lugi na naman si boss Bogart nito.” Sabi ng dalaga habang nagbubunot, napansin ko naman ang isang matanda na ang bagal kumilos at lunok ng lunok, lalapit pa lang sana ako ng biglang mabuwal ito sa kanyang pagkakaupo at napahiga pa sa lupa. Mabilis akong lumapit at binuhat ang matandang mukhang alanganin ang lagay dahil tumagilid na ang bibig nito. “Anong nangyari?.” Tanong ng isa na hindi ko sinagot, mabilis ang takbo ko patungo sa kalsada habang buh

