Maagang dumating si Tatay kinaumagahan dahil gusto rin niya na nandito siya sa ospital kapag sumailalim si Nanay sa unang session niya ng chempteraphy. Lumiban pa siya sa trabaho para dito. Kasama rin niyang dumating si Michael at Anna. Nagtanong kasi ako kagabi kung pwede ba ang mga bata dito sa ospital. Pwede raw, ayon sa nakausap ko sa information center. Kaya naman sinabihan ko si Tatay na isama ang mga kapatid ko. Masayang-masaya pa ang dalawa dahil mabibisita nila ang aming ina. Nakasalang na si Nanay ngayon. Kami naman ay nandito lang sa kwarto niya, naghihintay. Nanunuod ng TV si Anna habang si Michael naman ay abala sa bago niyang cellphone. Napangiti ako. Hindi man niya aminin sa akin, alam ko namang matagal na niyang pangarap na magkaroon siya ng sariling cellphone. Masaya akon

