Chapter 24

2268 Words

Hinatid ko na ang mga kapatid ko sa bahay pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Ayaw pa sana nilang umuwi pero ang sabi ko sa kanila’y kailangan na dahil maaga akong pinapapasok sa trabaho. Tulog si Nanay nang umalis kami kaya kay Tatay lang kami nakapagpaalam. Pasado alas dos ng hapon nang makauwi kami sa bahay. Hinanda ko muna ang hapunan ni Michael at Anna bago umalis. Naligo na rin muna ako dahil hindi ako nakaligo sa ospital kanina. Naglagay na rin ako ng extrang damit sa bag ko dahil alam kong kakailanganin ko iyon sa tuwing magkikita kami ni Damon Marquez. Habang abala ako sa pag-aayos, narinig kong kumatok si Michael sa pintuan ng kwarto ko. “Ate?” tawag niya. “Pwede po ba akong pumasok?” “Sige. Pasok ka,” sambit ko at isinarado na ang zipper ng bag ko. Bumukas ang pintuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD