Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa narinig. Gusto ko sanang magtago para hindi ako makita ng mapapangasawa ni Damon. Pero bago ko pa man magawa iyon, sumulpot na siya sa kusina. Nanlamig ang buong pakiramdam ko. Ano na lang ang iisipin niya ngayong may nakita siyang ibang babae sa condo unit ng fiancé niya? Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Hindi ko siya kayang harapin! “Who are you?” mataray na taong niya sa akin. Natigilan ako sa paghihiwa ng karne pero hindi ko pa rin siya nilingon. Nanatili akong nakatalikod sa direksyon niya. Kinakabahan ako dahil baka kapag tumingin ako sa kanya, awayin na lang niya ako bigla. Hindi ako makakalaban sa kanya pag nagkataon. Sa tono pa lang kasi ng boses niya, batid kong may malaks na siyang personalidad. “Hey, I’m talking to you—” “B

