Kabanata 31 “What is that?” tanong ni Freya kay Leo. Hawak-hawak kasi nito ang isang itim na envelope. NASA CONDO sila ngayon at kung tutuusin ay ngayon lamang umuwi si Freya sa condo na tinutuluyan niya dahil nandoon nga si Leo. Bukod pa roon ay may kwarto naman siya sa kanyang opisina kaya pwede siya matulog doon kahit kailan niya gustuhin. Kung hindi pa nga siya nabagot sa office ay hindi niya maiisipan na umuwi. Kumakain sila ng breakfast nang may magdoorbell sa pinto kaya naman kaagad na pinuntahan ni Leo iyon at nakatanggap ng itim na envelope na hawak niya ngayon. “It’s an invitation,” seryoso nitong wika at saka umupo sa kinauupuan nito kanina. Binuksan nito iyon at nakita ang pangalan ng tatay ni Trevor sa imbitasyon. “We’re invited on his 60th birthday, Freya,” seryoson

