Kabanata 30 “Okay ka lang ba?” tanong ni Leo sa kanya. Pansamantala sillang tumuloy sa hotel kasama ang kanyang tauhan na si Jake matapos manggaling sa ospital. Tulog na ito at sila na lang dalawa ang gising. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang sagot sa tanong nito. She’s far from okay. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin pagkatapos ng mga nangyari sa kanya ngayomg araw. Matapos ng mga nalaman niya ay parang gusto na lang niya umiyak. Pero alam naman niya na kahit anong iyak niya ay hindi na mababago ang katotohanan at ang mga nangyari ngayon. Totoo ng ana may kinalaman si Trevor sa mga nangyari noon pero ang tunay na may pakana ay ang tatay nito. At alam ni Trevor ang ginagawa nito. He was aware of what happened to her. Kaya pala hindi na siya nito hinanap dahil talaga palang p

