Kabanata 29 “Freya,” tawag sa kanya ni Leo. Nilingon niya ang lalaki na naghihikahos sa paghinga dahil sa pagtakbo. Hindi siya nagsalita dahil inis pa rin siya sa ginawa nito kanina sa office. Kahit na gusto nitong ubusin ang pasensya ng lalaking ‘yon ay wala pa rin itong karapatan na gawin ang ganoong bagay. Anon a lang din ang iisipin ng mga tao kung sakaling hindi si Trevor ang makakita sa kanila. “Why the hell do you need to do that?” tanong nito sa kanya. Halata ang inis sa boses niya dahil hindi niya alam kung bakit kinakailangan nito gawin iyon. “I understand that you don’t like him but you don’t need to cross the line, Leo,” seryosong wika niya sa lalaki. “And why the hell are you affected with that?” tanong ni Leo na nagpatahimik sa kanya. Inaamin niyang apektado nga siya sa

