Chapter 35 LUMABAS SI TYRONE ng locker room saka roon na sinuot ang kaniyang uniporme para sa training mamaya na gaganapin. Halos manlamig ang kaniyang dulo ng mga daliri dahil sa ginawa ni Ryan sa loob. Habang naglalakad ito papalayo ay nakita na niya ang ibang mga blues na nakapila sa labas. Dali-dali itong sumingit sa pila sa likod ni Nate… “Bat ang tagal mo?” tanong nito sa kaniya at huminga nalang ito ng malalim para sa gumaan ang kaniyang pakiramdam. “ATTENTION!” sigaw ni Ryan na kakarating lang at natigilan ang lahat sa kaniyang malakas na sigaw. Isa-isa nitong inispeksiyon ang mga troops sa iba’t-ibang platoon saka bumalik sa kaniyang puwesto. Lumakad si Ryan papunta sa platoon nila Sid at may inutos kung ano ang gagawin. Pumunta naman ito sa platoon ng mga blues saka lu

