Chapter 36 LAKING GULAT naman ni Ten nang mabasa nila iyong lahat. Halos di siya makapiniwala na sa loob ng ilang taon na si Krist ay bilanggo ng kaniyang nakaraan ay si John pala at si Julius ang taong makapagsasabi sa kaniya ng buong katotohanan. “K-Krist…” nababalangkong tawag ni Jim sa kaniyang pangalan saka palang bumagsak ang kaniyang mga luha ulit. Tumingin ito sa dalawa at nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod—dahilan para ito ay napaluhod sa sahig. Agad namang niyakap ni Ten ito, pero ang pangamba sa kaniyang dibdib ay mag-uumpisa palang ngayon. “Ten! Jim!” sigaw ni Krist sa kani-kanilang mga pangalan saka inabot kay Jim ang papel na kaniyang hawak-hawak. “Take this Jim and take care of this piece of evidence…” utos nito sa kaniya at agad namang tinago nito ang papel na haw

