Aoife Ang ipinagbabawal na portal tungo sa mundo ng mga tao... Sigurado akong ito nga 'yon pero may malaking parte sa akin na nagmamakaawang h'wag sanang makumpirma na totoo nga ang iniisip ko. Dahil kung nagkataon ngang tama ako ay isang malaking dagdag na naman ito sa isipin ko. Ito ba... Ito ba 'yong..." Leche! Hindi ko pa magawang matapos-tapos ang sinasabi ko dahil takot talaga akong mapatotohanan ang hinala ko. "Yes, darling. The mysterious not-so-mythical portal towards the Earth where human beings live." Hayan na nga at kinumpira na. Matagal ko nang naririnig ang bali-balitang narito nga sa Sinorgus ang portal na ito. Sabi rin ng ilan ay malaya raw nakakalabas-pasok ang mga mahaharlikang bampira rito para kumuha ng kung anong ideya sa mundo ng mga tao. Naalala ko noon

