Aoife Maging ako ay nalilito na rin sa mga kaganapan. Hindi ko rin alam kung sino ba ang dapat kong paniwalaan kung ang mga nilalang sa harapan ko ay purong mga sinungaling naman. Narito nga at nagsasagutan ang mga bampira dahil sa nabuking na masamang gawain ng kanilang ina na sa palagay ko ay sa kanya naman sila nagmana. Kung gaano kadumi ang gawa ng nga anak ay gano'n naman ang salahura ng nagluwal. Sa bagay, kahit sino naman, maski ang pinakamasamang nilalang ay masasaktan kung nalaman nilang matagal na pala silang tinatraydoy ng nilalang na pinanggalingan nila. Hindi rin naman kasi biro ang ginawa niya sa sarili niyang pamilya. Walang awa nila siyang ipinakulong sa selda ng sarili niyang palasiyo. Pilit siyang nanlalaban ngunit walang kahit sino man sa kanyang mga anak ang may g

