Aoife "Paano ka ba kasi napaniwala ng bampirang 'yon?" tanong ni Debi sa akin nang kumalma ako sa pag-iyak. Kasalukuyan niyang iwinawalis ang mga diamante ko. Sinabi ko na kanya na iyon ngunit kahit anong pilit ko ay gano'n din ang kagustuhan niyang tanggihan ito. ~Flashback~ "Ayos ka na? Naiiyak mo na ba lahat?" konserno niyang tanong sa akin. "Hindi ko masasagot ang una mong tanong ngunit sa pangalawa, ang sagot ko ay oo. Sa palagay ko ay naiiiyak ko naman na ang lahat ng iluluha ko ngayon," sagot ko nang may namamalat na boses. "Kung gano'n ay umupo na ka muna riyan sa sofa at nang mailigpit ko ito." Tinulungan niya akong tumayo hanggang sa makaupo ako roon sa kanyang sofa. "Ang ipinagtataka ko, kaya niyo naman palang lumuha ng diamante, bakit hindi niyo kasing yaman ang mga b

