Aoife "Nakapagtatakang magkasama ang dalawang magkaibang lahi rito. Hindi ko na kailangan pang hulaan dahil halatang galing kayong dalawa sa maharlikang pamilya. You won't gain access to the portal if you aren't," matapang niyang sabi. No'ng una ay aminado akong nakaramdam ako ng matinding takot nang sabihin niya ang totoo naming identidad. Ang kaso ay masiyado siyang naging madaldal kaya nakakita ako ng butas sa mga sinasabi niya. "Alam kong alam ninyo na bawal ang ginagawa niyo, hindi ba?" dagdag niya. Akala niya naman ay natatakot ako sa bala niyang baliko. Ayos na sana ang pambungad niya kaso nawala ang ayos no'n mula nang dumaldal siya nang dumaldal. Nararamdaman ko ang panginginig ni Ethan ngayon. Ano ba ang dapat niyang ikatakot? Ah, baka hindi niya nahihimigan ang nahihi

