Aoife "Kailangan nating lumayo rito," pabulong niyang sabi habang seryosong nakatitig sa aking mga mata. Saan naman kami pupunta? "May alam ka bang pwede nating puntahan?" tanong niya na maski akong tagarito ay hindi kayang sagutin. Wala naman na kasi akong pwede pang puntahan. Kung gagala kami rito sa Sinorgus ay baka madamay kami sa giyerang nagaganap sa kanila. Kung dadalhin ko siya sa... Hindi. Ayaw kong bumalik doon. "Hindi tayo pwedeng manatili rito dahil delikado. Mat ideya na ako sa kung anong madadatnan natin sa lugar mo ngunit sa ngayon ay wala tayong ibang pagpipilian - " Hindi ko na siya hinayaan pang patapusin ang sinasabi niya dahil sa kahit paanong paraan ay hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para bumalik doon. "Hindi ako babalik doon, Debi," matigas kong s

