Lumipas ang isang taon. Sa loob ng taon na iyon ay wala pa rin kaming anak at iyon ang kulang sa aming pagsasama. Kaya nitong mga nakaraang araw ay may napapansin ako kay Matt. Lagi na lang itong gabi kung umuwi at lasing pa. Kaya medyo kinakabahan ako. Paano kung may babae ito at doon maghanap ng anak. Kasi hindi ko siya mabigyan ng supling. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas-otso na nang gabi. Dati naman ay maaga ito kung umuwi. Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan kaya sumilip ako sa bintana. Pero parang sinaksak ang puso ko nang makita ng dalawang mata ko ang babaeng kasama ni Matt. At mukhang lasing na namn ang lalaki. Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang tao. Halos hindi makagulapay ang aking asawa sa kalasingan. "Salamat sa paghatid sa akin na abala pa kita," wika ng

