Nakasimangot na tumingin ako sa folder na binigay ni Matt, sa akin kahapon. Binuklat ko ito upang pag-aralan muna. Kailangan ko nang matapos ang misyon ko dahil na iinis ako sa pagmumukha ni Matt Fuentebella. Claire Jones, pinaghihinalaan leader ng Batterfly syndicate. Ngunit wala pang matibay na ebidensya. Pagbasa ko agad sa nakasulat. May nakalagay ding address ang bahay ng babae. Tumayo ako sa bahay ko na ipagpapatuloy ang pagbabasa. Kailangan kong makalakap ng ebidensya para meron akong irereport kay tanda bukas. At nang matapos ako'y agad akong nagbihis. Kinuha ko ang bag ko at inilagay ko ang mga gagamitin ko, hindi ako makakakilos nang maayos dito sa bahay, lalo't nandito sila inay. Lumabas ako ng kwarto upang magpaalam kay inay, nakita ko ito busy sa pagtatanim sa garden. "

