Mabilis akong lumabas ng gym, umikot ako sa likod upang maghanap ng madadaanan at kung papaano makakapasok sa loob ng gym. Kailangan ko nang kumilos hindi ko na hihintayin ang monday dahil masyado pa iyong matagal. Umikot akong, nagbabakasakaling merong akong madadanan sa likod. Ngunit kanina pa ako ikot-ikot ay wala pa ring akong makitang daan. Para makapunta sa fifth floor. Tumingala ako at nakita kong may bintana kaya lang ay nasa 4th floor ito. Nag-isip ako nang paraan kung papaano makakapasok sa loob. Nang may marining akong may paparating na mga sasakyan. Hindi muna ako gumalaw sa aking kinatatayuan at baka may makakita sa akin. Nang tumigil ang mga sasakyan ay marahan akong humakbang upang silipin kung sino ang mga dumating. Napangisi ako mamataan ko si Claire Jones. Malapit

