“INFEDILITY DOES not only revolve around physical intimacy. In this era, where technology keeps advancing, betrayal can begin long before two bodies ever meet. In various ways, such as a single message, secret chat, or digital connection. This has become a tool to spark an affair.”
Napaangat ako ng tingin sa aming propesor. Mabagal na gumawi ang tingin ko sa whiteboard kung saan nakasulat ang malaking salita na aming pinag-uusapan ngayon.
‘FALLACY OF MARRIAGE’
“The most dangerous of infidelity when an affair becomes serious and is infused with deep emotion.” Napabaling akong muli rito at napahinto sa paglalaro ng ballpen nung dahan-dahan siyang napahilig sa lamesa niya. “In the fallacy of marriage, they said that love is enough. One of the misconceptions of marriage is the belief that love can be enough. Do you agree on that statement?”
Nung tignan ako ng propesor namin ay mabilis akong yumuko at nagkunwaring nagsusulat sa notebook ko.
“Miss Faye, what can you say about that statement? Regarding our topic today, the fallacy of marriage, which is believing that love is enough.”
Pinigilan ko ang pagsimangot, lalo pa dahil iniiwasan ko talagang matawag.
Napatayo ako at biglang nakaramdam ng bigat. Siv and I live a simple life, but despite that I never had any hard time with him. May mga pagkakataon na hindi kami nagtutugma pero hindi siya kailanman naging mahirap sa pagsasama namin. Hindi kami nahirapan, kahit walang pera.
“I don’t know. It varies to different people. And people who handle marriage. But if you are going to ask me how I view that statement, I think it is a fallacy of marriage. Love is not enough to make the relationship works…” nawalan ako ng sasabihin dahil bigla akong nalito sa aking sagot. Something is pulling me back to believe that it is enough. Love can be enough. “People should realize that love will not carry a marriage. But the right amount of loyalty, respect, stability, and commitment. At marami pa ho, but for me, I think it is a decision to make and a courage to do it.”
He smirked at me.
“And those you mentioned were driven of what?” Napalunok ako nung umayos siya ng tayo. “Those you mentioned were driven by love, Miss.”
“But love is not enough…” mahina kong sagot. Convincing him, but his small smile just made me questioned my defense.
SAGLIT AKONG natulala habang nagpupunas ng lamesa nung makita ang lumabas ng sasakyan na kakaparada pa lang ay ang lalaking laging nandito tuwing gabi. Sa hindi ko malamang dahilan ay napabaling ako sa wall clock at kumunot ang nuo ko.
9:29 PM.
I have been noticing the time, and he is always on time when he arrives. If not on time, just a bit near to being at that exact time. Dire-diretso ang lakad niya, walang ngiti o pagbanayad sa mukha. Malamig ang titig, mabigat at madilim ang aura na dala.
Palihim kong sinulyapan ito, pero lumiko siya kung nasaan ako naglilinis. Napagtanto ko na ito pala ang puwesto niya. Dito pala siya uupo, sa parte kung saan nakikita niya ang labas. Ang maingay at abalang daan.
Agad kong binilisan ang paglilinis at nakayukong umatras para bigyan siya ng espasyo. He doesn’t stare much to people, he doesn’t pay attention to them that easily. It takes crucial time to get his attention. But for an unknown reason, he stopped in front of me. With a curious eye and a bit of shock on his face. Napatitig din ako sa kanya, may pagtataka sa reaksyon nito.
“Good evening, Sir.”
A flicker of horrifying shock on his face was there for a moment that immediately dissapear. His ruthlessness subsided to let other emotions dominate it. Cause there is a burning sting in her eyes, laced with anger.
I smiled a bit, even though his emotions were mixed for unknown reason. Sinubukan kong lampasan ito pero sa gulat ko ay madiin niyang hinawakan ang braso ko at binalik ako sa puwesto ko. Napasinghap ako at namilog ang mga mata ko.
“Sir?” mahina kong tanong at napatingin sa madiin niyang hawak sa akin.
Umigting ang panga niya at sumalubong ang dalawang kilay. Gulat man ay nagawa niyang umangat ang gilid ng labi para mangutya.
“You are still alive after all these years?” he whispered like so stunned yet manage to mock with gritted teeth.
Kinilabutan ako sa sinabi niya at napakurap, nahihirapan akong lumunok. Gusto kong magtanong para malinawan pero agad akong nilapitan ng mga katrabaho ko.
“Pasensya na, Sir. Waitress po namin ‘to, ginugulo ka ho ba?”
Ang titig niya sa akin ay hindi natanggal, dumikit at rumiin. Malamig at tila gusto akong patayin. Kumalabog ang dibdib ko sa takot. Ang mga salita niya ay tumatak sa aking isipan.
“She is a what?” tanong niya pero hindi inalis ang titig sa akin.
“Our waitress, Sir.”
“A what?!” he snapped like it was so ridiculous to hear that, with an evil smirk and an insult on his lips. Napabaling na siya kay May.
“Waitress… sir,” taka nang pagsagot ni May at napasulyap sa akin. “May problema ho ba?”
Dahil hindi sumagot ang lalaki ay sa aking bumaling si May.
“Fayette? May ginawa ka ba?” bulong niya sa akin, hindi ako makasagot dahil napatitig sa akin ang lalaki. He tilted his head with a menacing stare, no, it was actually a glare that was ready to kill.
Is this man… crazy?
“Wala naman…” mahina kong sagot at lumunok, lalo pa nung napataas ng isang kilay ang lalaki. “Wala naman akong ginawang masama—”
My words were left hanging because of him who barked an insulting laughter.
“Give me my order,” utos nito at hinila ang upuan para maupo roon. He ignored the confusing situation through quietly sitting down.
Mabilis akong umalis at gumawi sa counter. Napalunok ako lalo pa nung sinundan niya ako ng titig. This time, he is not facing the outside but the counter, watching the inside of the café. Now his eyes are all on us, like a supervisor evaluating the performance of his employees.
“Anong ginawa mo? Bakit nakaharap na yan sa atin?” bulong ni May at tinulak ako papasok sa kusina lalo pa at napapansin niyang mainit ang mata nung lalaki sa akin.
Kabado akong nakaharap kina Jaypee at May. Nilapitan na kami ng chef namin.
“Anong nangyayari?” our chef asked curiously.
They retell what happened a while ago.
“Wala kang ginawa?” may pagtatakang tanong ni chef.
“Wala nga ho.” Paulit ulit kong sagot. “Maybe he's mistaken me for someone else.” I hope so, his words is threatening.
“Bakit naman?” May asked, but they urged me not to tell her the reason, and what I heard from the man made me shrug my shoulders as an answer.
Eventually, they just dismissed what happened. But the next few nights, the man came to the restaurant. He didn’t seem to care that his lingering stares were obvious every time I stepped out of the kitchen—so obvious that even my co-workers started to notice it.
He crossed his arms while intently watching me clean the other tables. Nagtama ang mga mata namin, he took that chance to raise his hand. Dahil nasa akin ang tingin niya ay nilapitan ko na ito, ayokong magkunwaring hindi siya nakita at umiwas. Magmumukha lang akong bastos.
“I will add my order,” ani sa malalim na boses. Dahan-dahang inangat ang tingin sa akin, his eyes narrowed a bit like trying to check something. “I need the menu,” he obviously added and rolled his eyes.
Nataranta pa ako nung una at nagmamadaling kinuha iyun. May and Jaypee were already secretly watching me do the job.
“What food do you recommend that will blend with my coffee?” Bumagsak ang tingin ko sa kape niya na kakalapag lang sa lamesa nito.
Napakagat ako ng labi. Tinapunan niya ako ng tingin at nakita ko ang pag-igting ng panga, pagkunot ng nuo at mabilis na umiwas ng tingin. Nakatayo ako sa tabi niya, sinusulyapan ko ang menu.
“Pasta? That is our popular food here—”
“At late at night? That’s a heavy meal for the night.”
Lumunok ako at yumuko ng kaunti para tignan ang menu. Napaayos ako ng tayo nung umangat ang tingin sa akin. Nagkatitigan kami panandalian, gumalaw ang labi nito at napataas ng isang kilay.
“How long have you been working here? Bago ka lang dito diba?”
“Po?” hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya dahil sa pagtitig ko sa mukha nito at pag-iisip kung paano siya naakusahan sa pagpatay?
“I’ll get this,” he said and pointed at the salad. Disregarding his question, and lazily put the menu on the table.
“Noted, sir.” I smiled a bit.
Hindi rin naman kinain nung lalaki ang salad, he takes out the food and leaves quietly. While we are very pressured and acting so awkwardly because he was watching us. Napatitig ako sa pintuang nilabasan nung lalaki.
Naramdaman ko ang paglapit ni Jaypee sa tabi ko habang yakap ko ang tray.
“Bago yun ah, ngayon lang siya nagdagdag sa order niya. Noon ay kape lang lagi.”
Hindi ko inimik si Jaypee kaya si May naman ang kinausap.
“Totoo ba na sikat na model ang asawa nun?”
May was busy on the money on the counter. Tapos na ang shift niya kaya naman papalitan na siya at kailangang bilangin ang pera para sa report.
“Ang alam ko. Mayaman ang mga Castaniada rito sa syudad. Sa sobrang makoneksyon, gaano man kasikat yung asawa niya noon ay nagawa niyang tanggalin ang mga larawan nun sa public. May mga billboards, endorsements, marami pero nagawa niyang alisin yun. Maski public information ng babae ay pinatanggal niya.”
Tumikhim ako at tahimik na nakikinig sa kanila.
“Totoo siguro, pinatay niya yung asawa niya,” komento ni Jaypee sa mahina at hindi makapaniwalang boses.
Napabaling ako sa dalawa at napanganga.
“Totoo naman talaga yun. Pinapatay niya yung asawa niya…” May added softly.
HINIHINGAL AKO habang tinatakbo ang eskinita ng madilim na daan. Galing sa trabaho ako nung gabing iyun nung maramdaman ko ang pagsunod sa akin ng mga kalalakihan. Magulo ang buhok ko at pinagpapawisan. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang hikbi.
Mas binilisan ko ang takbo, kasing bilis na ng t***k ng puso ko. Nilingon ko sila at nakita kong naligaw ko ang mga ito. Nanginginig kong kinuha ang cellphone para tawagan ang kaibigan ko. Pero nung lumiko ako ay namilog ang mga mata ko nung may humila sa akin, bago pa ako makasigaw ay natakpan na ng panyo ang bibig ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
Kalaunan ay nagising ako sa ingay ng mga lalaki.
“Tama ba tayo ng nadakip? Siya yun diba? Siya yung pinapahanap ni Boss?”
“Hindi ko alam! Ayusin mo at baka malintikan na naman tayo nito! Bakit tunog hindi sigurado ka?! Gago!”
Napadaing ako at nahihilo pa rin. Minulat ko ang mga mata at nasa silid ako. Nakatali sa upuan ang kamay at paa. May tape ang bibig kaya napahagulhol na ako. Nagpupumilit akong makawala.
“Hayaan niyo na yan, mapapagod rin yan.”
Mariin akong pumikit at inalala ang mga sinabi ni Siv sa akin. Kaya mas lalo akong ginapangan ng takot.
“May mga taong… susubukang pagtangkaan ang buhay mo. Kapag dumating ang araw na yun, huwag kang magtitiwala sa kanila. Huwag kang magtitiwala kahit kanino. Doon ka magiging ligtas.”
“Boss!” Narinig kong bati ng mga kalalakihan.
Basa ang pisngi at mga mata ko sa luha. Hindi ko makita kung nasaan ang lalaki, madilim sa bandang gilid na tanging ilaw lang ay nasa itaas na parte kung saan ako nakaupo. Ang katahimikan nila ay nagpakalabog ng dibdib ko.
“Blindfold her,” matigas na boses galing sa hindi pamilyar na lalaki.
Mabilis na gumalaw ang mga tauhan nito. Nagsimula akong pumiglas, magmakaawa at umiyak. Pero wala rin naging silbi iyun. Until they finally covered my eyes and I stilled when they removed the cover on my mouth.
“Sino kayo! Anong ka-kailangan niyo?” nanginginig kong sambit at kalagitnaan ng hikbi. “Maawa kayo, please pakawalan niyo ako.”
Walang nagsalita, wala akong marinig na ingay. Pero ang paghabol ng paghinga ko ay agaw pansin. Napalunok ako nung marinig ang paglapit sa akin, mabibigat na yabag.
“Please…” paos kong pakiusap, kung wala lang akong gapos ngayon sa kamay ay magmamakaawa ako sa kanya at luluhod.
“Boss… si-siya yun diba? Yung… hinahanap natin?”
Kumunot ang nuo ko.
“Let her go, she is not I am looking for,” mariin na boses galing sa lalaki, malalim at may lamig iyun. Natigilan ako ngunit hindi pa rin nagbunyi, dahil baka mamaya ay may masama pa rin silang balak sa akin. “Palpak na naman kayo!” dagdag nito sa galit na boses.
Hindi ko alam kung sapat na yun para makahinga ng maluwag.