KAIBIGAN

2009 Words
NAPAAHON AKO mula sa pagkakahiga, pinagpapawisan at habol ang paghinga. I looked around my room and realized I was alone. Sweat trickled down my forehead as my heart pounded relentlessly. Mariin akong pumikit ang hinilot ang sentido ko. I took my cellphone and called to get an update on Siv. Pero bumagsak ang balikat ko nung matanggap na wala pa ring balita sa kanya. Hindi ko na ramdam ang pagkapanatag, lalo pa at habang tumatagal ay hindi na siya nahahanap pa. Mas tumatagal ay mas nawawalan na rin ako ng pag-asa. “Faye, akala ko ba aabsent ka?” tanong ng manager namin nung pumasok ako sa trabaho. Sinabi kong hindi maganda ang pakiramdam ko. “Medyo maayos na rin naman ang pakiramdam ko. Magtatrabaho na ho ako.” Pumunta muna ako sa stock room at sinabit ang bag ko. Napalunok ako nung inalala ang nangyari kagabi, I was running and men are following me, they took me and I thought that was the end of my life. Pinakawalan nila ako dahil nagkamali sila ng nadukot. Still, it bothers me a lot. Habang nagpupunas ng lamesa at napaangat ako ng tingin sa entrance nung bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaki. Suot ay formal na pang-business attire. Hindi ko napigilang tignan ang wall clock. 9:31 PM. “Good evening, Sir!” masayang bati ko at nanuyo ang lalamunan nung lumipat siya ng pwesto, lumapit siya sa akin at pumuwesto sa lamesa kung saan tapos ko ng linisan. Tatlo lang kaming staff na nandito sa labas. Isang cashier, not May but someone else and Jaypee. “I want to see the menu.” The grim line of his mouth remained unchanged, his face offering no emotion, just a cold, weighty stare. “Okay po,” magalang kong sagot at nagmamadaling kinuha ang menu sa counter. Si Jaypee ay makahulugan akong tinignan at ngumisi. Bumalik ako at inabot sa kanya ang menu. Kinuha niya yun at hindi na ako umalis sa tabi nito para kunin na rin ang order niya. Mabagal siyang pumili, kung noon ay hindi na niya kailangan ng menu dahil alam na niya ang order, ngayon naman ay matagal siyang pumili. “How long have you been working here?” he suddenly asked, which made me look at him a bit stunned. His voice was heavy, just like his aura. It was a bit dark and sounded so deep. Nakatingin lang siya sa menu. He didn’t cast a glance at me. “Hi-hindi pa naman ho ganun katagal.” “I often go here, kilala ko na ang mga tao rito.” Tumango ako at pilit na ngumiti. The restaurant has only few customers inside, hindi na rin ako napapansin ng iba kong kasama dahil abala sila. Especially since we are only three left here tonight. “Uh, sa probinsya talaga ako. Lumipat lang ho rito, para mag-aral at magtrabaho.” Napahinto siya sa paglipat ng menu at umangat ang ulo, matagal bago niya ako tinignan. “You are studying?” he look harsh, even his question has no intention to be hurtful or to offend. He sounded harsh and mocking, actually. Pero siguro iisipin kong ganun ang kaswal niyang boses at pakikipag-usap. “Yes, Sir.” I smiled, and I’m a bit relaxed now. He licked his lower lip, and his gaze landed on the menu, kunot ang nuo at tila malalim na napaisip. “What is your name?” he frankly asked and dropped the menu on the table. Crossing his arms while looking at me, tilting his head a bit upward. “Fayatte ho.” “Paano ka napadpad rito sa syudad?” The way his questions came to me simultaneously left me utterly off guard. “To work and study, Sir.” I do not want to give more details, that is enough for someone who I do not even know. Napangisi siya at humilig sa upuan at tinignan ako. The way he stares at me seems like checking me out. “What is your full name?” “Fayette Chavez…” “Chavez?” he uttered and chuckled in mockery. Kumunot ang nuo ko at hindi maintindihan, why is he asking me questions? From what I heard, he never talks to anyone. “I will order now,” he announced, so I took my pen and paper. Alert and attentive to him. Nag-order siya ng bread at coffee. May certain na type ng kape at bread ang order niya. Kinuha ko ang menu na nasa ibabaw ng lamesa niya at akmang aalis na sana pero nagsalita muli ito. “What is your course?” Napaharap ako ng maayos sa kanya. “You said that you are studying. What course?” “Psychology ho.” His lips twisted, and he stared at me for a bit too long. “Excuse me, Sir. I’ll prepare your order.” Paglapit ko sa counter ay siya ring paglapit ni Jaypee sa akin. Siniko niya ako at sinulyapan yung lalaki. “Kinausap ka ni Mr. Castaniada?” bulong nito. “Nakita ko kayo nag-uusap. Huwag kang lalapit diyan, madedelikado ang buhay mo. Alam mo naman ang history niyan diba? May pinatay yan na tao.” “Oo, naabsuwelto at hindi nakasuhan. Alam ko.” “Pero alam mo ba kung sino ang pinatay niya?” “Sino?” tamad kong tanong. Mas lumapit si Jaypee sa akin para bumulong. “Asawa niya,” mahinang sambit ko at nakatitig sa likod ng lalaking iyun. Glad that he is not facing our area this time. That would be too awkward, we are all not comfortable to his stares. “How cruel could that be. At paanong hindi natuloy ang kaso?” wala sa sariling tanong ko. “Hindi matibay ang mga ebidensya.” Nagkibit balikat siya. He is cruel if he killed his wife. And I will understand if people judge him, or even distance themselves from this man. Mr. Castaniada. “Suwerte ng kumag niyan, may mga kaibigan pa rin siya. Hindi ko nga alam kung paano nagagawang kaibiganin pa ang katulad niya. O baka dala na rin ng pera at impluwensya. Lalo pa a bigtime na businessman yan.” “Faye, pakidala sa table ni Mr. Castaniada.” Gumalaw na ako at kinuha ang tray na may pagkain at kape. Si Jaypee ay tinawag din sa kabilang lamesa kaya abala na naman ulit kami sa trabaho. Nakangiti akong tipid nung binaba ang tray sa lamesa nung lalaki. His arms were crossed while intently watching me. I fixed his bread and coffee on his table. He didn’t move, patapos na ako at akala ko ay makakaalis na ako. “You moved here alone? Or were you with someone?” matigas niyang tanong at pinanuod akong magtaka sa kanyang tanong. He is aware that I will be confused why he is asking that question, and he doesn’t mind at all. The way he questioned me is not just a shallow question, but about my personal life, there is an intention and meaning. “Alone, Sir.” “Bakit? Bakit mag-isa ka?” his voice becomes low and deep, a question in an ambivalent tone. “Nasaan ang asawa mo?” Another question made me feel so uncomfortable. Napaatras ako at bumigat ang paghinga. I was shocked and wary that I couldn’t move further because of that question. He glanced at his wristwatch and smirked when he looked at me. Hindi pa ako nakaka-recover ay bumukas ang pintuan at may pumasok na lalaki. The tall man with a good body, just like this man in front of me, went to our table. “Siv…” marahang sambit nito at tinignan ako ng lalaki. Awang ang labi at may konting gulat sa mukha. Kung siya ay konti lamang, mas matindi ang gulat na naramdaman ko. He called the man Siv, parang binuhusan ako ng malamig na tubig at hindi maintindihan ang nangyayari. Was this a coincidence? They have the same name. But why the hell was he asking about my husband? And why were his questions very intentional? Nagmamadali akong bumalik sa counter, habang ang lalaking bagong dating ay nakatitig pa rin sa akin. Napahawak ako sa batok ko at nakaramdam ng kakaibang kaba. “Ayos ka lang?” tanong ni Jaypee at sinundan ang tinitignan ko. “Himala at hindi mag-isa ngayon si Mr. Castaniada.” “Kilala mo yung kasama niya?” baling ko kay Jaypee. “Si Engineer Buenavidez yan, kaibigan ni Mr. Castaniada.” Hindi pamilyar sa akin ang pangalan kaya napailing lang ako. “Oh? Saan ka pupunta?” takang tanong ni Jaypee sa akin. “Sa kusina na ako, magpapasundo ako sa kaibigan ko. Uuwi akong maaga ngayon.” Dahil sa takot sa nangyari sa akin ay hindi ko na yata gustong umuwi mag-isa. Baka pweding makiusap ako sa manager namin na palitan ang schedule ko. Maghahanap ako ng ibang trabaho malapit lang sa inuupahan ko, at sabado tsaka simba ay pwedi ako rito. But I won’t work at night here. KANINA KO pa kinakagat ang daliri ko habang nakatutok sa screen ng monitor. Nasa library ako at dapat magbabasa at mag-aaral ako. Pero nandito ako para malaman ang tungkol sa lalaking iyun. “Castaniada. Siv Castaniada…” Napahilamos ako, I run my hands through my hair when his name didn’t appear on the social media site. Sinubukan ko lang naman sa isang website pero nagulat ako nung lumabas ang larawan niya at pangalan. Although the picture was stolen and only one, stolen pa. There is no information about him but purely his business. His life is obviously private. Or… sinadyang gawing pribado. Napangisi ako nung walang mahanap na balita tungkol sa kanyang kaso, sa ginawa nitong pagpatay sa asawa niya. “Look what power and money can do.” Napailing ako at nadismaya. I read the information that I don’t need. Nagbabakasakaling may makita roong mahalagang bagay. Kinagat ko ang daliri ko at napahilig sa upuan nung mapansin na wala na, at napaisip na naman ako ulit. Napasapo ako sa ulo ko at hindi maintindihan kung paanong… “His name is Siv, he was asking about my husband? Why would he ask me that? And why his name is…” Kinagat ko ang labi ko at napayuko. Sumasakit ang ulo ko kaya tinigil ko muna ang pagbabad sa monitor. Naglalakad na ako pauwi galing escuelahan, halos dalawang linggo na nung nagbago na ang oras ko sa restaurant. Sa umaga na ako pumapasok doon. At minsan naman kapag may bakante akong oras ay pumupunta na lang ako roon. Hindi pa ako nakakalayo sa escuelahan nung may humintong sasakyan sa tabi ko. Isang babae ang lumabas, may katandaan ng kaonti sa akin. She looks intimidating and cold on her stares, her lips were curved perfectly. Looking charismatic on her aura. “Hi, Ely.” Ngumiti ito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, hindi makapaniwala sa nakikita. May ngisi sa labi at mapangutyang tingin sa akin. “I am Attorney Lucianda Montalbo. I am here to talk to you.” Bahagya akong napangiti at napatingin sa paligid. Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng backpack ko tsaka tumango. Nakahinga siya ng maluwag pero ang tingin sa akin ay tila may inis at galit. Isang hakbang pa lang ay nauna na siyang pumasok sa loob ng sasakyan niya. May isang tauhan siyang malapit sa pintuan. “Siv was right. You are still alive—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil mabilis akong kumaripas ng takbo. Mabilis ang takbo ko habang nanlalamig ang buong katawan. Sa takot at hindi maipaliwanag na kalituhan sa nangyayari. “What the heck is happening? Sino sila?!” I asked myself. Sinubukan akong habulin ng SUV pero mabilis akong nakaliko sa masikip na daan. Where they can no longer follow me here because their car won’t even fit inside. I need to get out of here, I need to go back in the island. I would rather stay there and be safe that here with these people following me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD