Chapter 2

1885 Words
Naabutan niyang namimigay ng free drinks si Erica kaya kumuha siya ng tatlo. At nilapag iyon sa pinaka malapit na mesa. Hindi niya magawang umiyak. Hindi pa rin tinatanggap ng utak niya ang balitang nalaman ngayon lang. Nakatulala lamang siya habang inisang lagok ang maliit na shot glass na kinuha mula sa tray ng kaibigan. Ginayak siya nito papunta sa couch kung saan wala masyadong tao. 30 minutes nalang ay last break na ni Erica. Halata niyang parang wala sa sarili ang kaibigan at malayo ang tingin. "I saw you being dragged out by Ryken a while ago, and I'm wondering why are you still here." pagsisimula niya ng usapan. Hindi ito sumagot. Kinuha lang nito ang lahat ng nasa tray ng kaibigan at inisa-isang lagok ang bawat shot glass na hawakan. "What's wrong best? Tanga-tangahan lang? Parang bago ng bago. Gusto mo 'yan diba?" Hinarap siya ni Mhori at kitang-kita niya ang pigil na pigil na pag-iyak nito. Tuloy ay nakonsensya siya sa sinabi. "Tang ina. Tang ina. Tang ina niya. Gusto ko sabihin kung gano siya kawalang kwentang tao... Pero ayoko. Gusto ko lang maalala niya ako bilang ex-girlfriend na mabuti... Kahit na gustong-gusto ko siyang sampal-sampalin." "Best..." "You f*****g son of a b***h! Die now you mother fucker!!" Doon na siya humagulgol sa harap ni Erica. Alam ni Erica na manganganib ang trabaho niya sa mga sandaling iyon pero hinahagod pa rin niya ang likod ng kaibigan. "What happened, Mhori?" nag-aalala niyang tanong. Sa mga nagdaang kwento nito ay hindi ito nagpapakita sa kaniya ng ganoong emosyon. Ngayon lamang ito sumabog sa harap niya. "I need a hug best... Pakiramdam ko hinahati sa isang daang piraso ang puso ko..." "Ano ba kasing nangyari na hindi ko pa alam?" Tumingin siya dito mata sa mata. Saka muling inisang lagok ang shot glass na nasa harapan. "Nabuntis niya..." bulong ni Mhori sa kaibigan. Kusang tumulo ang luha ni Erica sa narinig. Hinagod niya ang likod ng kaibigan na tumigil na sa paghagulgol. Ngunit hindi pa tumitigil ang walang sawang luha sa pag landas sa pisngi nito. Hinihintay lamang niya ang sunod na sasabihin ng kaibigan. "Tangina! Almost 7 years best. Ginawa ko naman lahat. Inalagaan ko, inasikaso ko, pinaglaba, pinagluto, sinunod ko ang luho, sinuportahan sa mga bagay na nagpapasaya sa kaniya..." ani Mhori sa pagitan ng paghikbi. Damang-dama ni Erica ang pagdurusa ng kaibigan. Inisang lagok muli ni Mhori ang shotglass na nasa harap saka pinagpatuloy ang pagsimyento. "So-sobrang kinontrol ko ang sarili ko, alam mong hindi ako mahilig magpalambing, hindi ako mahilig topakin at magpasuyo. I get straight to the point pag may gusto akong sabihin sa kaniya... Aaaah... Pero tangina best. Hindi ko alam kung saan ako nag kulang, o saan ako sumobra. Bakit hindi ako naging sapat?" Hindi alam ni Erica kung bakit napapasinghot siya sa mga sinasabi ng kaibigan. Alam niyang mahal na mahal nito ang nobyo. Pero sa pagkakataong 'yon, dama niyang gagawin na nito ang dapat na ginawa noon pa. "Parang nilalapirot 'yong puso ko sa sakit. Sobrang sakit. Akala ko, graduate na ko dito. Hindi pa pala. Dapat inasahan ko na ito e! Dapat pinaghandaan ko rin 'to..." Muling inisang lagok ni Mhori ang alak na nasa harap. "Best, Iyong lalaking mahal na mahal ako 6 years ago bubuo na ng pamilya sa iba... Ako dapat 'yon e. Diba dapat kami 'yon? Bakit kasi ayaw niyang mag-propose? Iyon lang naman ang hinihintay ko. Alam naman niya na nangako ako kay lola na hinding-hindi ko isusuko ang bataan lalo na kung walang pinag-uusapang kasal. Alam na alam naman niya 'yon." humahagulgol niyang sambit sa kaibigan. Naalala ni Erica ang inggit dito habang nakikinig sa kaniya. She was jealous of her because she found a man like Ryken who continously turning down girls that confessing feelings for him. She was a fan of them since college. A perfect couple must she say. Pero nang magtrabaho ito sa Future Land Corp. na si Eve ang heredera ay nagsimulang magbago ang lahat. Ilang beses na nasubok ng panahon ang tatag ng relasyon nila sa mga ganiyang third party. But Eve is an exemption. Given her seducing body, she also had beauty, money, and connection. Who can resist her having it all? Lalo na kung katawan nito ang hinahain sa boyfriend niya. Sino ito para hindi tukain ang palay na nasa harap na ng kasintahan? Lalo na kung hindi nabibigay ni Mhori ang pangangailangan nito bilang lalaki. Pero mali ba 'yon? Mali bang pumasok ka sa isang relasyong malinis? Hangad mo lang naman ay iyong tamang proseso bago ang pagtatalik dahil madali lang naman 'yon diba? Hindi mahanap ni Erica ang tamang salita upang mapanatag ito. Siguro sapat na ang pananahimik niya. Niyakap niya ang naghihinagpis na matalik na kaibigan upang ipaalam dito na naroon lamang siya na masasandalan nito anumang oras. "Waiter!" tawag pansin ni Mhori habang nakataas ang hintuturo. "Iyong pinaka matapang niyong alak na may matibay na bote, pupokpok ko lang sa ulo ko..." "Ma'am? Lasing na po ata kayo e." sabi ng waiter na lumapit. "Pagbigyan mo na. Iyong pinaka matapang na alak natin na umaabot ng ilang araw ang hang over. Iyon ang ibigay mo." Nang makaalis ang lalaki ay tinignan niya si Erica mata sa mata. "Magiging okay din ako, diba?" tanong nito sa pagitan ng paghikbi. "Oo naman, kinaya mo nga lahat. Ang tapang-tapang mo!" "Anong ang tapang-tapang? Ang tanga-tanga kamo. Hinayaan kong gaguhin ako ng napakatagal na panahon. Sana lang, hindi niya pagsisihan ang mga kapusukan niya. Karma will be served. Pero, huwag na sa bata. Silang dalawa nawa ang magbayad n'yon." Saktong dumating na ang pinakamatapang na alak na mayroon ang bar. Hindi nakapaghintay buksan ni Mhori ang alak upang tunggain. Poise and rationality what? "Best, kalma mo. After 30 min. babalik ako. Tapusin ko lang ang shift ko at sasamahan kitang lumaklak. Sa bahay ka na matulog. Isasabay kita pag-uwi. Basta kalma mo." "Huwag mo akong intindihin best. Di pa ko lasing. Dama ko pa o..." aniya at turo sa puso. "Love you best. One day will come, makikita ko ulit ang dating babaeng masigla at masayahin. Can't wait to see you happy again." she kissed her forehead at iniwan ito. Mhori can't help but to look up high. "Lola, alam kong sobrang mahal mo ako dahil apo mo ako at ayaw mong lumaking walang tatay ang magiging apo mo sa akin... Pero la, pinagpalit ako dahil hindi niya nakukuha sa akin ang nakukuha niya sa boss niya. Mumultuhin mo ba ko pag nakipag-s*x ako sa di ko kilala? Promise hindi ako magpapabuntis." Parang bata siyang nagsumbong sa hangin at muling tinungga ang matapang na alak na nasa harap. Nakakalahati na niya ang bote ng alak nang maramdamang umiikot ang paligid. Everything is moving in slow motion and she can't help but to look for her bestie. "Ashan ka na Erica?" aniya na nilinga-linga ang paningin sa paligid. Nang hindi makita ang hinahanap ay muli niyang tinungga ang alak. Ilang minuto rin siyang pumikit dala ng sakit ng ulo at kalasingan. Pag dilat niya ay sumagi sa isip niya ang pinaka minahal na nobyo dahil ito lang naman ang nag-iisang naging boyfriend niya. "Malaya ka na, Ryken... Hindi na ako iiyak..." aniya sa hangin at akmang tutunggain ang bote nang agawin iyon ng lalaking hindi niya maaninag kung sino. "You're drunk!" anito na may malalim na boses. Pilit na inaaninag ni Mhori ang mukha ng lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang tabi at walang habas na inagaw mula sa kamay niya ang bote ng alak na kanina lamang ay walang sawa niyang tinutungga. Sinuot ng hindi kilalang lalaki ang coat sa lasing na si Mhori. Wala itong palag sa kaniya at sumunod lamang sa bawat kilos niya. Nang tuluyan ng maisuot ni Mhori ang coat ng lalaki ay sinermunan siya ng estranghero. "You've had enough, young lady! Let's go home." "Shino ka? Ha? Shino ka ba? Shino ka nga kashe..." paulit-ulit na tanong ng babae habang hindi maidilat ng maayos ang mga mata dala ng antok at sakit ng ulo. "Don't move. Don't talk. You had enough. Let's go home." ulit din ng lalaki. "Bitawan mo ko... Shino ka ba? Bakit ayaw mo shumagot ha?" tanong niyang muli. Napabuntong hininga ang estranghero. Bakit ba kasi nahuli siya ng dating? Hindi niya inaasahang makikita niya rito ang dalaga. "Let's just say that I am someone who will save you from your nightmare." Umungol ng mahina si Mhori at hinawakan ito sa mukha. "Ryken? Bakit mo ko niloko? Ha? Bakit? Shabi mo ikakashal tayo..." Hindi nakawala sa mga mata ng estranghero ang luhang tumakas sa kanang mata ng dalaga. "Manloloko ka!!" Huling sambit ni Mhori saka binigay ang nahuhuling lakas upang sampalin ang lalaking pinagkamalan niya bilang si Ryken. Napahawak siya sa pisngi hindi dahil masakit ang sampal ng babae ngunit iyon ang unang beses na may lumanding na kamay sa kaniyang pisngi. He's never been slapped not in his entire life. "You are really unbelievable. And by the way, what are you doing in my territory, Mienne Mhorielle Vega?" Tinitigan niya ang nakabulagtang babae sa huling pagkakataon. Akma na niyang bubuhatin ito paalis nang dumating si Erica. "Sino ka ha? At anong gagawin mo sa kaibigan ko? Bakit suot niya ang coat mo?" Sunod-sunod na tanong ni Erica na nanginginig pa. Tumayo ang lalaki na sa tingin niya ay 188 cm in height, has a broad shoulder and has that gorgeous bad boy look. Pinakita nito ang wallet nito sa kaniya kasama ang babaeng nasa couch. "She's my fiance." mariin na sambit ng gwapong lalaki. Tinitigang mabuti ni Erica ang larawan sa wallet ng lalaki. Walang duda, si Mhori nga iyon. Masaya nitong binibida ang engagement ring nito. "Sigurado ka? Kaibigan ko na si Mhori since college at ito lang ang unang araw na nakita kita." "I can't be wrong, that lady lying in a couch is Akhani not Mhori! She is my future wife. Who gave this kind of alcohol to my girl?" Nagbago ang tono ng lalaki sa huling sinambit nito. Hindi alam ni Erica ang sasabihin. Naguguluhan siya. Paanong fiance ng lalaki si Mhori habang nagpapakatanga ito sa 6th year relationship kay Ryken? At sinong Akhani ang binanggit nito? "I will take her home." Binuhat ng matipunong lalaki ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung papayag ba siya gayong walang malay ang kaibigan. Ito lamang ang magpapatotoo sa katauhan ng lalaki. Tinitigan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa, mukhang bigatin ito. "Alam mo bang napaka delikado ng alak na 'to lalo na sa mga babaeng hindi sanay uminom? Umaabot ng buong isang araw ang hang over na dala nito. Tsk." "Teka, teka. Paano ako makakasiguro na ligtas ang kaibigan ko sa 'yo? Hindi pwedeng fiance mo siya dahil kilala ko ang ex-boyfriend niyan." Tumigil ang lalaki at hinarap ang kaibigan ng babaeng lasing sa kaniyang likuran. "She's safe with me. If you are too worried, give her a call tomorrow night." "B-but..." "I am Leon Vanderbilt, her fiance... I've had enough. I provided you the information you needed. Let us go." Tuluyan ng naglakad palayo ang matipunong gwapong lalaki tangay-tangay ang kaibigan niya. Napatakip siya ng labi ng mag-sink in sa utak niya ang pangalan nito... My god! Leon Vanderbilt? The man behind this Lion's Den...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD