Kabanata 2

3046 Words
Napabangon siya mula sa pag kakahiga ng marinig ang katok mula sa pintuan ng kwarto niya . Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto nito at nasa dulo iyon ng pasilyo . Ang unang kwarto na malapit sa hagdan ay ang kwarto ng mga magulang niya . Ang dalawang sunod na kwarto ay puro guest room sa ngayon. At ang sa dulo ay ang kwarto ni Angela. Pagdumating ang mga pinsan niya galing Amerika , lolo at lola nya ,sa kanila ito nanunuluyan, May bahay ang lolot lola nya sa Laguna ngunit pag umuwi sila galing Amerika dito na sila tumutuloy. Samantalang ang Mommy nya ay tubong Bacolod City . Nang galing sa mahirap na pamilya ang nanay nito .Matalino ito kaya naging scholar ng University na pinapasukan noon .Hanggang sa naka graduate at naka pasa sa board exam .Nagkakilala sila ng Daddy ni Angela ng ma destino ito sa Bacolod City . May malaking proyekto itong ginagawa doon ,nagkapalagayan ng loob at nagpakasal ang dalawa . Dito na pinanganak si Angela sa Maynila dahil tapos na ang project ng Daddy niya doon sa probnsya .Kaya sa Maynila na sila nanirahan hanggang sa kasalukuyan. Malaki ang bahay nila , Ang Daddy nya mismo ang gumawa nito . .May malaking swimming pool sa likod ng bahay ,dito mo rin makikita ang malawak na harden . Mahilig sa mga halaman ang Mommy ni Angela lalong lalo na sa mga bulaklak. Noong maliit pa siya dito sila nag lalaro ng mga kaibigan niyang sina Marvin , Paolo at Jude .Minsan na ring nakalbo ang lahat ng bulaklak sa hardin dahil pinitas niya iyon dinikdik at nilagyan ng kung ano ano para maging pabango . Mahilig kasi siyang tumuklas ng mga bagay bagay , Minsan sila ay nasa maliit na bodega ng Daddy nya lagi nakababad .Nag kukumpuni ng mga sirang gulong ng Bisikleta o di kaya'y mga sirang appliances. Bumangon siya sa higaan. Kinusot ang dalawang mata .Sinuot nya ang hello kitty niyang tsinelas at lumakad patungo sa pintuan .Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang matalik nya ring kaibigan na si Valerie. Napasigaw si Valerie at niyakap siya nito . "Im happy for you"! pasigaw na sabi ni Valerie habang yakap yakap pa rin siya nito. Napangiti rin siya sa excitement na nakikita sa matalik niyang kaibigan. Bumalik sila sa loob ng kwarto umupo si Valerie sa computer table at binuksan ang laptop ni Angela . Hinayaan lamang ni Angela iyon at lumakad papunta sa banyo . Doon naghilamos siya ng mukha at nagsipilyo ng kanyang ngipin. "Oh my gosh" sikat ka na talaga sa campus Angela ! tingnan mo ang video may ilang libo ng nag likes ng Video mo"! Humagalpak pa ng tawa si Valerie ng nag tanong na ang hurado kung sino ang lalaki na nagpatibok ng puso ni Angela . "Ohhh my gosh "umamin ka dito ? Halos lumuwa ang eye balls ng mga mata ni Valerie lumingon ito kay Angela . Dali dali naman si Angela na pumunta sa tabi ni Valerie para panuorin ang naturang Video. Napasinghap siya sa kanyang nakita at narinig habang si Valerie naman ay napabunghalit ng tawa. Binasa nya kung saan naka upload ang videos nito. Nasa official website pala ito ng nasabing Tv Station. Napahiga siya sa kanyang higaan at tinakpan ng unan ang kanyang mukha. Napasigaw siya sa unan kung kaya't wala namang ingay na maririnig. Tawa pa rin ng tawa si Valerie .sa kanya at paulit ulit pang pinanood ang Videos nito. "Iba ka talaga Angela " ,wala ka talagang kinatatakutan" Imagine na gawa mong magtapat sa mga hurado " panunudyo pa rin ni Valerie. Bumangon siya sa kama. "Nawala sa isip ko na recorded pala iyon " "Arrgghhh! ,nakakahiya talaga Bes"pangiwing sabi ni Angela. Tinapik tapik siya ni Valerie sa braso . " Dont worry ,nakapasa ka naman e ,be proud of it " Si Velerie na ngumingisi pa rin. "Ba't ang aga mo? tanong ni Angela . "Alas onse na kaya ng umaga ."sagot ni Valerie na nakatitig pa rin sa laptop . Napabaling ang tingin nya sa alarm clock na nasa maliit na side table sa gilid ng kama nito. "Totoong tanghali na pala" sa isip niya "Look! ,"ang gwapo talaga ni Alexander ano" " Kaya lang playboy din pala nito ...tsk ,tsk" sabi ni Valerie na may panghihinayang sa boses nito. "Woooooo !,"tatlong Celebrity na pala ang naging girlfriend nito sa loob lang ng isang taon" kaloka naman nito" Si Valerie na patuloy pa rin sa pagbabasa ng tungkol sa lalaki. Habang si Angela naman ang nakabihis na .. Isang jacket with hood ang sinuot nito na kulay itim at jeggings na kulay itim din . Lagi ito ang kulay na suot niya .Para hindi halatang chubby siya . Napalingon si Valerie sa kanya .Nakangisi ito "Hindi ka na naman naligo ano !pang aasar ni Valerie. "Linggo ngayon ,tinatamad akong maligo"nakasimangot niyang sagot "Aba' kailangan mo na sigurong magpaganda lagi , kasi sikat ka na po at tsaka paano ka magugustuhan ng Alexander na yon ?...kung ganyan ang hitsura mo para kang batang kalye "sermon ni Valerie .Habang naka pa meywang na ito sa harap nya . Magkaibang magkaiba sila ni Valerie. Maputi ito at singkit ang mga mata ,may lahi kasi itong chinese . Kasing edad lang ito ni Angela ngunit balingkinitan ang katawan nito at sunod sa uso lagi ang mga damitna sinusuot.. "Tingnan mo nga ang latest na girlfriend ni Alexander " nguso nito sa picture na nasa laptop . Picture iyon ng naka swimsuit na babae na nasa taas ng intablado , lumalakad ito sa runway .Mahaba ang buhok at maganda ang hubog ng katawan. "Model siguro ito " sa isip ni Angela. Biglang bumilis ang pintig ng puso nito .Hindi nya maintindihan ngunit parang nasasaktan siya.. Napabuntong hininga si Angela. "Kailangan mo ng mag diet kung gusto mong maging girlfriend ni Alexander "seryosong sabi ni Valerie "Hindi muna ngayon ,nagugutom pa ako"pagmamaktol ni Angela Tumawa si Valerie at sabay akbay sa kaibigan . "Tayo na sa baba kanina ka pa pinapatawag ng Mommy mo sa akin . Lumabas na sila ng kwarto at bumaba papuntang kusina . "Oh ,"kanina pa naghihintay ang pagkain sa inyo ."Kumain na kayo malapit na kaming matapos ng Daddy mo .Utos ng Mommy ni Angela. Sa malaking mesa maraming naka hain na pagkain.Mas lalong nagutom si Angela kaya umupo na silang dalawa , "Kailan ba ang susunod na schedule ng contest Nak? tanong ng Daddy niya . "Hindi ko pa po alam Dad ,Tatawagan daw po nila ako pag na finalize na "sagot niya habang nagsasandok ng kanin . Marami pa silang pinag usapan sa hapag kainan.Napag alaman niyang tumawag na ang Mommy niya sa Amerika para ipaalam ang tungkol sa pagsali nya sa Contest .Natuwa naman daw ang Lolo't lola nya at excited na raw ang mga pinsan nyang makita siya TV. Susuporta daw sila pag nagsimula na ang programa .Isa kasi sa mga Criteria ang Text Vote ,paramihan ito ng Text Vote ,Kaya kailangan talaga na maraming bomoto sayo ,para makakuha ka ng malaking porsyento sa Text Vote. Natapos ang tanghalian at nagyaya si Valerie na pumunta ng Mall dahil may bibilhin ito. Nagpahatid na lamang sila sa Kanyang Daddy Ben..Marunong na siyang magmaneho ng kotse pero hindi pa siya pinapayagang magmaneho ng mga magulang nya.Baka sa susunod na taon pwede na rin dahil malapit na ang 18th birthday niya. Nakarating sila ng Mall .Ang daming tao ngayong araw dahil araw ng linggo . Family Day ika nga . Pumasok sila sa isang Store doon na nagbebenta ng sari saring mga pampaganda . Napagawi sila sa mga display ng lipstick .Pumili si Valerie ng kulay Pink at Red ar inilagay sa maliit na basket na dala . nito Napadako naman ito sa mga concealer ,kumuha din ito ng dalawa pa at nilagay uli sa basket na dala nito . Marami pang idinagdag si Valerie sa basket nito Habang si Angela naman ay nakasunod lamang sa kanya . Nakaalis na sila sa Store na iyon at pumasok sila sa isang Salon and Spa. Nag pa foot scrub silang dalawa manicure at pedicure na rin. Mga ilang minuto pa lamang ang nakalipas nang may dumating na isang babae .Matangakad,mahaba ang buhok at naka damit na kulay pula na hanggang tuhod ang haba .Hapit na hapit ito sa katawan .Na biyayaan din ito ng malaking dibdib . Umupo ito sa tabi ng inuupuan niya . Agad naman itong pinuntahan ng isang trabahador doon .Tinanong nito kung ano ang gusto nito. Mag pa pa pedicure daw ito . Pinasadahan nya ito ng tingin .Hindi naman pala maganda sa malapitan at ang dibdib nito ay parang hindi totoo .Breast Augmentation ang tawag doon ng gustong magpalaki ng dibdib . Lihim siyang napatingin sa dibdib niya .Hindi naman kalakihan ang sa kanya ngunit hind naman maliit ,katamtaman lamang ang mga iyon . "Kailangan bang malaki ang dibdib para mahalin ng mga lalaki"?tanong nya sa sarili Lumingon uli siya sa gilid at tiningnan ang buhok nito , "Naka rebond yata ang buhok nito na kulay blonde. Magpapahaba na ako ng buhok " usal nya sa sarili. Ilang minuto pa ang nakalipas at may pumasok na lalaki ,Matangkad ,gwapo ,naka blue na polo ito at itim na pantalon. Para siyang na malikmata sa nakita ,Si Alexander Del Mondo ang palapit na lalaki at papunta sa tabi nyang babae . Natataranta siya ,napakapit siya sa gilid ng upuan .Kinakabahan siya . Lumingon siya sa lalaki . " Ohh my gosh " sabi ng isip nya Bumulong ito sa tenga ng babae na ikinasimangot nito . Tinapunan siya ng tingin ng lalaki bago tumalikod at humakbang palabas ng Salon and Spa. Naiwan ang babaeng nakasimangot pa rin. Napabuntong hininga siya ng malalim. Napangiti siya ng lihim ng maalala na tinapunan siya ng tingin ng lalaki .Kahit walang reaksyon ang mukha nito ay masaya siya .Unang beses nya itong na kita ng harapan at hangang hanga siya rito . Napaisip siya kung kailan na naman ito makikitang muli. "Aray! napakislot siya ng kurutin siya ni Valerie na kanina pa pala nagsasalita . "Ano ka ba nakita mo lang ang crush mo naging tulala ka na" , "oh ano yan ? sabay turo sa bibig nya .Agad namang pinahiran ng kamay ang kanyang bibig. "Loka loka ka talaga" at sabay silang tumawa . "Can you please shut up ! nakaka disturbo kayo ! galit na boses ng babae sa tabi nya . . Hindi maipinta ang mukha nito kaya napaupo siya ng maayos .Nagkatinginan sila ni Valerie at palihim na bumungisngis. Ano kaya ang sinabi ni Alexander sa babae ?Heto yong babae na pinakita ni Valerie kanina sa laptop niya . "Siguro mag da date sila pero hindi na matutuloy dahil may importanteng lakad si Alexander."sa isip niya . Nakasimangot pa rin ang babae ,bad mood na ito hanggang sa natapos ang pinapagawa nito . Padabog na lumakad ang babae pa puntang cashier .Maya maya ay may tinatawagan at agad naman lumabas ng naturang establishment. Saka lamang sila nakahinga ng maluwag ni Valerie. "Akala mo naman napakaganda retokada naman ...ummpph" paismid na salita ni Valerie. Napangiti ang babae na naglilinis ng kanyang paa . "Si Sandra Perez iyon.Yong model na anak ni Senador Perez at boyfriend nya yong gwapong lalaki kanina " sabi ng babae na naglilinis ng kamay ni Valerie . "Maarte talaga yon minsan nga ang sarap sugatan ang mga daliri nito e "patawang sabi ng manikurista. Naging interesado na si Angela sa usapan kaya nag tanong siya uli . "Lagi ba sila dito ? "Oo,.. at laging iniiwanan ng boyfriend nya dito hindi na binabalikan ,kaya nakasimangot lagi pag umaalis dito "sagot ng manikurista . Marami pang sinasabi ang mga manikurista sa ugali ng babae pagpumupunta doon . Makalipas ang limang minuto at natapos na rin ang pagpapalinis nila Lumabas na sila para maglalakad sa loob ng Mall . "Angela "mahinang tawag ni Valerie sa kanya at tinuturo sa kabilang Store ang isang lalake . Si Alexander iyon kasama pa rin ang babae na naka kapit sa braso nito . Kahit nakatalikod ang lalake ,ang sarap tingnan . May namuong kapilyahan sa isip nito . "Valerie watch me "sabi ni Angela at sabay na lumakad patungo sa dalawang nakatalikod . Sumunod naman si Valerie sa kanya kahit hindi alam ang gagawin nito Niyakap ni Angela sa likod ang lalaki. Agad namang kumalas ang babae rito . Habang si Alexander ay napalingon sa likod nito . "Hey ", What are you doing" Tanong ni Alexander na pilit kinakalas ang mga kamay nito sa beywang niya . Agad namang kumalas si Angela at napayuko . So ..Sorry po akala ko kasi ....si .... Marvin Nauutal nyang paliwanag. "Ikaw yong nasa salon kanina ah"sabi ng babae na napaismid sa kanya . "Hey kid "it's ok just be careful next time" Nakayuko pa rin si Angela ,agad naman siyang hinawakan ni Valerie at dinala palabas. "Ano ka ba "gusto mo lang yakapin si Alexander ano?tanong ni Valerie na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari . Impit na sumigaw si Angela habang ang mga kamay nito ay nasa bibig. Napatawa si Valerie sa kanya . "Iba ka talaga Angela" naka pa meywang na sabi ni Valerie sa kanya . Umupo sila sa bench na nakahilera sa gitna .Makikita mo doon ang glass wall ng Store kung saan nandon pa ang dalawang magkasintahan .Kinuha nya ang cellphone at inabangan ang bawat kilos ni Alexander at saka kinunan ng picture . Maya maya pa at lumabas na ang dalawang mag kasintahan . Yumuko siya ng malapit na ang dalawa sa kanilang harapan .Mabuti naman at hindi sila nakitang dalawa ni Valerie . Nakalayo lang ito ng kunti at agad naman silang tumayo at sinundan ito . Sunod sila ng sunod sa dalawa hanggang sa lumabas na ito at pumunta sa parking lot. Kinuhaan nya ng picture ang sasakyan ni Alexander Dali dali naman silang umalis at pumara ng Taxi . Susundan nila ang sasakyan ni Alexander . "Saan tayo Miss " tanong ng driver ng taxi . "Ah ,Eh sundan nyo na lang po yong bagong labas na sasakyan yong kulay blue po ."sagot ni Angela Sinipat naman ng driver ang mga sasakyan sa harap nito . " Ang Audi ba na sasakyan Miss ? tanong uli ng driver "Opo Kuya " sagot ni Angela "Audi pala yon " sabi ng Kuya ko nasa 6 million daw presyo ng sasakyan na yan "bulong ni Valerie . "Ang 4 seaters ng Audi Quattro Highline nasa 11 million yata." pa simple niyang sagot. "Bat alam mo pati presyo non ?"tanong ni Valerie. "May magazine ako sa bahay ng latest na mga sasakyan ,galing kay Paolo " "By the way nakita ko si Paolo nong nakaraang araw "."Nakipag away sa girlfriend nyang nag glu glutha" . pag iiba ni Valerie "Break na sila ni Amanda " habang patingin tingin si Angela sa labas ng taxi . "Naku wala pa ngang tatlong buwan ang relasyon nila break na agad " "Playboy talaga ang kumag na Paolong yon" napailing na sabi ni Valerie . "Saan ba sila pupunta Angela " baka mag mo motel pa yan hindi na tayo pwede don " patawang bulong ni Valerie sa kanya . "Wag naman sana ,pagnagkataon susugurin ko silang dalawa " napasimangot ito habang nagsasalita. "Ang hirap mo palang ma inlove Angela ,naging stalker na tayo nito ." Napasuklay ng buhok si Valerie hindi alam kong saan sila pupunta. Hanggang sa tumabi ang sasakyan sa harap ng isang condominium.Maya maya lumabas na ang babae at lumakad papunta sa loob ng condominium. Pinaharorot ni Alexander ang sasakyan nya sa highway .Naka sunod pa rin kami sa kanya hanggang sa pumasok ito sa basement ng isang mamahaling condominium. Hindi na kami sumunod pa .Tiningnan ko ang pangalan ng building may nakasulat na Park Central Towers . "Dito na siya siguro nakatira .Napaka yaman talaga ng lalaking iyon . sa isip nito . " Sa Gold Land na po tayo Kuya." sabi nya sa driver . "Akala ko ba papasok tayo hanggang sa kwarto nya ?sabi ni Valerie habang nakatawa. "Wag na muna wala pa akong maipagmamalaki sa kanya " sagot naman nito habang nginangatngat ang kuko sa daliri. "Aba ,bakit ...ikaw ba manligaw don?... yan na nga ba sinasabi ko sa iyo e ,nakuha mo na mga ugali ng tatlong mokong na yon" ."baka sa susunod na araw padalhan mo na ng flowers si Alexander" . Si Valerie habang nakapa meywang sa loob ng taxi. "Tigilan mo nga ako "babae ako no" sabay irap ni Angela . "Mabuti naman kung ganon "sya nga pala,para sayo to "inabot ni Valerie ang isang plastic bag naglalaman iyon ng mga pampaganda sa mukha na binili nila kanina. Napatingin si Angela sa kaibigan nginitian nya ito .May malasakit talaga ang kaibigan nya sa kanya. "Bayaran mo yan ng sampung beses pag nanalo ka na " habang nakangiti si Valerie sa kanya. Napasimangot si Angela sa kanya at nagka tinginan . Hanggang sa sabay silang humalakhak . Napatingin sa salamin ng kotse ang driver at pailing iling na lamang ito. Naunang lumabas ng taxi si Valerie ,malapit kasi sa gate ng subdivision ang bahay nila . "Bye Angela gamitin mo bukas ang pinamili ko " si Valerie "Oo na, thank you Bye ..." Dumiretso na ang taxi hanggang sa bahay nila . Walang tao sa sala ng bahay .Ang nagbukas ng gate ay ang kanilang kasambahay na si Nanay Adela .Matagal na ito sa kanilla ,apat na taon pa lamang siya ng pumasok bilang katulong si Nanay Adela. Pumunta ng grocery ang Mommy at Daddy mo iha . Nilingon nya ito . Sige po akyat na po ako .Magalang na sagot ni Angela . Pagkapasok nya sa kwarto kinuha nya ang binili nila ni Valerie. Pinatong iyon sa kanyang Computer table . Binuksan nya ang kanyang laptop .Nag type ng youtube.com ..Hinanap ang mga Videos kung paano maglagay ng make up sa mukha . Sinunod nya ang mga iyon hanggang sa natapos na niyang lagyan ang mukha. Napangiti siya sa salamin .Nagustuhan niya ang kanyang ginawa . "Alexander here i am ! hintayin mo lang ako kunting panahon na lang ." sambit niya habang nakangiti sa harap ng salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD