Kabanata 1
"Hoy !Prinsesa ng mga palaka kanina ka pa diyan,ma la late na tayo sa audition mo". Sigaw ni Paolo na nasa bungad ng pintuan ng kwarto ni Angela.
"Sandali! sagot na pasigaw naman ni Angela .
Ilang segundo pa lamang at bumukas ang pinto . Sabay na lumingon ang tatlo niyang kaibigan na sina Marvin ,Paolo at Jude. Mga kababata niya ito at magka kilala ang kanilang mga magulang . Katunayan si Jude ay inaanak ng kanyang Ama sa binyag .Ang Nanay naman ni Marvin ay bestfriend ng kanyang ina . Si Paolo naman ay kapitbahay nila at Ninong nya naman ang tatay nitong Pulis . Halos mag kapatid na ang turing nila sa isa't isa.Kaya naman magaslaw kung kumilos si Angela . Hindi maarte sa katawan .Maigsi ang buhok at laging naka sumbrero. Medyo nasubrahan din ito sa timbang.
Gayun pa man maganda si Angela , kulay kayumanggi ang balat nito, mahahaba ang mga pilikmata at may matangos na ilong na bumagay sa V shaped na mukha nito .Sa edad na desisyete may taas na itong limang talampakan at anim na pulgada. Maganda din ang boses nito kaya nga laman siya lagi nga mga audition dito sa bansa ngunit lagi siyang talo .Ganoon pa man hindi siya nawawalan ng pag asa .
"Kaya pala ang tagal mo.. nagpaganda ka pa e pangit ka pa rin" sabay ngisi ni Jude .
"Tara na mag aalas syete na ng umaga kailangan na nating makaalis "sabad ni Marvin ,mas matanda ito ng dalawang taon kay Angela at isang taon naman kina Paolo at Jude.
Nagpaalam na sila sa mommy ni Angela na nasa kusina na nag huhugas ng kanilang pinagkainan kanina.Isa itong guro sa isang paaralan sa kanilang lungsod . Samantalang ang asawa nito ay isang Engineer . Nag iisang anak lamang si Angela dahil maselan magbuntis ang ina nito Ilang beses itong nakunan bago siya nabuo .Kaya nakakaluwag sila sa buhay at lahat ng gusto ni Angela ay nabibigay naman ng mga magulang nito. Pero sadyang mabait na bata si Angela ni minsan hindi siya humingi ng subra subra sa mga magulang.
Matalino rin ito katunayan nag graduate siyang Salutatorian ng higschool .
Ngayon kumukuha siya ng Engineering dahil gusto nya ang trabaho ng Daddy niya.
Matindi na ang traffic sa daan kaya ang bagal ng usad ng kotse ni Marvin .Dumungaw si Angela sa labas ng bintana ng kotse para tingnan kung umuusad ba ang mga sasakyan.
Napasulyap siya sa malaking Billboard na nakapaskil sa mataas na building sa kahabaan ng Edsa . Napako ang mata nito sa mukha ng lalake .Napaka gwapo nito sa suot na itim na Tuxedo . Parang modelo ito sa kakisigan . May makapal itong kilay at bilogan na mga mata , may matangos na ilong at may manipis na labi .Maputi ito may dugong banyaga, at sa tingin niya ay lampas anim na talampakan ang taas nito .May nakasulat sa ilalim nito .
Alexander Del Mondo , The New Ceo of Del Mondo Corporation.
Napaisip tuloy siya ng mga negosyo ng Del Mondo Corporation. Isa na rito ang pinakamalaking pagawaan ng alak sa bansa. Mga Canned Food Products . Mga Processed Meats .May mga malalaking Hotels din itong namamayagpag sa loob at labas ng bansa , at sila din ang nag mamay ari ng isa sa pinakamalaking Telecommunicafion sa bansa .
"Hoy ,naglalaway ka na sa kakatitig kay Alexander "si Jude ,sabay hampas sa balikat ni Angela.
"Sinong Alexander?yong nag champion sa Triathlon?sunod sunod na tanong ni Paolo. Habang ang kamay nito ay busy sa kakapindot ng cellphone nito .
"Yup, wala ng iba pa !sagot ni Jude.
"Medyo dihado tayo diyan Prinsesa, "napaka sexy ng girlfriend niyan ,nakita ko na sila ng personal last year nong nanood kami ni Kuya Peter ng Car Racing sa Batangas Circuit. "Si Paolo na busy pa rin sa kakapindot ng cellphone.
"E ano ngayon! maganda naman ako at tsaka mag da diet na ko bukas ! sabay irap ni Angela .
Tumawa si Marvin habang nagmamaneho sa daan.
"Ganyan din sinabi mo last year ah" sabi mo mag da diet ka ,e wala pa rin , lamon ka pa rin ng lamon"sermon ni Marvin .
"Sure na to mag da diet na ko bukas ".sagot ni Angela na biglang sumeryoso ang mukha.
"Tinamaan na yata ang Prinsesa ng mga palaka "pailing iling na sabi ni Jude.
"heh ! tumahimik ka nga at nagdadasal na ako ! bulyaw ni Angela .
Binaling nya sa kanan ang kanyang mukha dahil alam niyang namumula ang pisngi nya sa mga pang aasar ng mga kaibigan.
Unang beses nya itong naramdaman sa tanang buhay niya , malakas ang pintig ng puso nya ng makita ang mukha ng lalake sa billboard . Kinapa niya ang kanyang puso mas lalo siyang kinabahan.
Umiibig na ba siya? Na ang akala ng iba na hindi masyadong familiar sa kanya ay isa siyang Tomboy . Dahil mas komportable niyang kasama ang mga kaibigan niyang
lalake . Iilan lang ang mga kaibigan niyang babae isa na rito si Valerie mag ka klase sila mula Elementarya hanggang Highschool .
Naudlot ang kanyang pagmumuni muni ng magsalita uli si Paolo.
"Feeling ko makukuha ka na this time Prinsesa,kasi nakaka pagod ng sumama mag audition sayo." panunudyo ni Paolo na pindot pa rin ng pindot sa cellphone nito .
"tse!' e di wag kang sumama sa susunod ,mapipili na ako ngayon, tandaan nyo yan !sabay wasiwas ng kamay sa hangin ni Angela.
!Weeee! that's my girl ! sabay siko ni Jude sa kanya.
"Lord sana mapili na ako sa araw na ito,at sana po makita ko ng personal si Alexander Del Mondo "tahimik niyang dalangin.
Ilang minuto pa ang nakalipas at narating na rin nila ang TV Station na kung saan gaganapin ang malaking patimpalak .Naghahanap ito ng bagong mga talent sa pagkanta
Napakarami ng tao sa bulwagang iyon ,Halos ang lahat ay abala sa pag sasanay ng kanilang mga ipapakita sa intablado .Tapos na siyang kumuha ng numero at naghintay na lang para tawagin.
Lima silang pinasok sa malaking kwarto .
May tatlong hurado sa harapan nila. Mga sikat na celebrity ng bansa ang tatlong hurado. Napangiti siya ng napagtanto kung sino ang mga iyon. Ang isa ay isang sikat na Composer, halos hindi na mabilang ang mga sikat na kanta na sinulat nito. Pangalawa sa hanay ay isang sikat na Singer ng bansa at ang pangatlo ay isang sikat na Producer ng mga malalaking concert sa loob at labas din ng bansa .
Isa isa silang nagpakilala at kumanta sa harap ng mga hurado . Panghuli siyang tinawag . At nagsimulang kumanta . Tahimik lamang ang tatlong hurado habang kinakanta nya ang Kung Maibabalik ko lang .Natapos nya ang kanta ng walang sablay. Napangiti ang mga hurado sa kanya .
Nagtanong ang isang hurado kung na inlove na ba siya dati at nabigo dahil ang kantang pinili niyang kantahin ay para sa mga bigo sa pag ibig.
"Hindi pa po ako nabigo ,pero inlove po ako ngayon, inosente niyang sagot.
"Owww," pwede ba malaman kung sino yon"?tanong ng nakangiting si Miss Maica Suarez isang sikat na singer,nasa lagpas trenta na ito pero batang bata pa rin ang mukha at napakakinis ng balat nito .
"Nakita ko lng po sya sa billboard sa kahabaan ng Edsa " sabay tingin sa sahig ng intablado.
Tumawa ang mga hurado sa kanya .
" Naku alam ko na kung sino "sabay tawa ng Composer na si Sir Rafael Brillantes.
"Sino nga ba e ang dami nila don , nandiyan si Mr Sparkle , Si Mr Water , Si Mr Insurance" . Isa isang pinangalanan ni Rafael Brillantes.
Habang tawa lang ng tawa ang Prodicer na si Sir Leo Vargas .
"Idagdag mo pa Si Mr Racer , Si Mr Mayor at ang panghuli Si Mr Ex "dagdag nang Cpmposer .
Tumawa naman ng malakas si Miss Maica na lalong naging masaya ang usapan .
"Balik tayo kay Angela Gomez , Sino ba sa kanila doon sa mga nasabi ni Mr.Hurado Rafael Brillantes? ",Si Miss Maica na hindi pa rin maitago ang ngiti sa mga labi nito.
"Si Alexander po" pabulong na sabi ni Angela
Ngunit narinig pa rin ng mga hurado .
"Alexander Del Mondo" pagtutuloy ni Sir Leo habang nakangiti.
"Si Mr .Ceo pala ang gusto ,by the way It's one of our biggest sponsors right " segunda ni Miss Maica .
"Congratulation sayo iha pasok ka sa semi round ng The Battle of Voices "at baka ma meet mo pa in the future Si Mr.Ceo " nakangiting sabi ni Mr.Leo
Halos maglulundag siya sa tuwa ng tinawag ang pangalan niya sa nakapasok sa patimpalak ng The Battle of Voices 2015
Ilang beses siyang nagpasalamat sa mga hurado at dali daling lumabas ng malaking pintuan ng bulwagan . Hindi nya na pinansin ang mga kasama niyang hindi pinalad .Ang mahalaga nakapasa siya.
Sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan at pinag suntok suntok sa braso at nang mapagod ang mga ito saka siya niyakap ng mahigpit ng mga kaibigan .
Tinawagan nya ang kanyang ina para ibalita ang nangyari sa audition.Mangiyak ngiyak ang Mommy niya sa kanyang binalita .
Pagdating nila ng bahay .May kaunting salo salong inihanda ang mga magulang niya .
Masaya ang lahat sa magandang balita .Halos hindi nya marinig lahat ng mga pinag uusapan nila ,dumating din kasi ang mga magulang nila Marvin, Paolo at Jude na mga malalapit na kaibigan ng mga magulang niya .Natapos ang pagtitipon bago mag alas onse ng gabi .Naging tahimik na rin ang buong bahay .Nakahiga na siya sa kama at gusto ng matulog ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok .Naka paskil sa kanyang isipan ang gwapong mukha ni Alexander .
Ang Del Mondo Corporation lang naman ang nag mamay ari ng pinakasikat na Beer sa bansa at isa sa mga sponsor ng naturang patimpalak na kanyang sinalihan.
Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi .Siguradong magkikita sila balang araw at paghahandaan niya iyon .
"Makukuha rin kita Alexander Del Mondo "bulong niya sa kanyang sarili
Pumikit na ang kanyang mga mata para matulog at nagdasal ng pasasalamat sa Diyos.