CARL “Toy!” Pahabol ni Aling Kuring. Pinikit ko ang isa kong mata na humapdi dahil sa tumulong pawis na nagmula sa aking kilay. Sumulyap ako sa isang tindera sa isla ng Anawangin na kaibigan ng aking ina. Hirap itong maglakad sa nakakakintal na buhangin ng isla kaya iniwan ko muna ang tambil ng bangka na nakatali at lumapit ako sa kanya. “Nay Kuring.” Salubong ko kasabay ng aking pag-mano. Humihingal siyang napahawak sa aking balikat ngunit kaagad ding binawi ang kanyang kamay. Tinampal niya ako sa braso at nanermon. “Bata ka! Nagbabaga ka na sa init! Hindi ba’t sabi ko sayo na magdamit ka kapag maglalayag ka? Paano kung magkasakit ka?” Ngumiti ako. Itinaas ko ang aking palad para takpan ang ulo ni Aling Kuring na naiinitan ng tirik na araw. “Ano po ‘yun, Nay?” Tanong ko. Gumaan a

