CAMILLA Inakay kami ng mga pulis sa kanilang sasakyan. Naputol ang pagbabalot ko ng mga damit dahil sa nangyari. Kinuha ng awtoridad si Roger at inaasahang mapapauwi siya sa lalong madaling panahon sa kanyang bansa. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa club ay tinatanong ako ng mga pulis kung nais kong magsampa ng kaso. Tumingin ako kay Tonio at umiling. Bagamat natikman ni Roger ang aking p********e ay hindi naman niya ako ginalaw ng buo. Ayoko nang umabot pa ito sa kaalaman ng aking mga magulang at dadagdag pa ito sa poproblemahin ng aking pamilya. Isa pa, wala naman kaming sapat na perang gagastusin para magdemanda. Masaklap mang isipin, pero ito ang tunay na buhay ng mga maralitang katulad ko. Kahit na ipagpalagay man nating may libreng abogado, boses pa rin ng pera ang magdi

