CAMILLA Umiikot ang paningin ko. May hapdi akong nararamdaman sa aking tyan. Para akong sinisikmura. Idinilat ko ang aking mga mata. Nasisilaw ako sa liwanag ng ilaw. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Namamanhid ang aking mga kamay. Dumungaw ako paibaba. Muntikan nang lumuwa ang mga mata ko sa pagkagitla. Hubo't hubad ang aking katawan at nakatali sa likuran ko ang aking mga kamay! Nagpalinga-linga ako sa paligid. Napansin kong nakagapos ako sa isang upuan sa sala. Sumigaw ako ng sumigaw. Walang makarinig sa akin dahil nakasumpal ang makapal na tela sa aking bibig. Umagos ang luha ko sa takot. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa shower sa aking likuran. Litong-lito ako. Ano ang nangyayari sa akin??? Sinikap kong alalahanin ang mga pangyayari. Pumikit ako at ginunita ang huli

