CAMILLA Parang panahon sa bilis magbago ang tinitibok ng puso ko. Kani-kanina lang ay humhagibis sa kabog ang damdamin ko dahil sa ginawang kalapastanganan ni Violet sa aking pagkatao. Pero ngayon, para akong nilulunod sa init dahil sa pagtatapat ni Tonio. Masidhi ang desperasyon sa kanyang mga mata. Para siyang napilitang magsabi ng nilalaman ng damdamin dahil sa hinihingi ito ng sitwasyon. Nakakuyom ang kanyang mga kamay at humihinga ng mabilis. Napakasarap niyang pagmasdan. Parang gusto ko siyang halikan sa mga oras na ito. Ibang-iba talaga siya sa mga nakasalamuha kong mga lalaki. Umaapaw ang katikasan niya. "Bingi ka ba? Tangina, Camilla! Nagtapat na nga ako sayo pagkatapos ito lang ang makukuha ko? Hindi mo ako sasagutin? Bingi ka na nga, ang lupit mo pa!" Sigaw niya. Ay pucha

