Chapter 25: Bingi

1726 Words

CAMILLA Dumoble ang paningin ko. Kung hindi ko naipuwesto ng mabilis ang mga palad ko sa sahig ay nabagok na ang pisngi ko dito. Parang naalog ang diwa ko. Napakasama niya. Siya pa ang may ganang sumampal sa akin, samantalang ako ang naagrabyado. Nanunuot ang gigil sa mga ugat ko. Gusto kong kalimutan ang mga turo at habilin sa akin ng aking mga magulang. Nais kong mag-rebelde at makipag-away sa mas nakatatanda sa akin. Bumubulwak ang galit ko kay Violet. Ibig ko siyang sabunutan at kalbuhin sa mga oras na ito. "Tumayo ka, Camilla." Napatingin ako sa malaking kamay na humawak sa aking balikat at braso. Tumingala ako ng bahagya. Sa isang iglap lang ay nabura ang suklam sa puso ko. Nakita ko si Tonio. Parang tumigil ang ugoy ng oras. Ibang init ang hatid ng mga mata ni Tonio sa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD