Kabanata 1

1869 Words
"Darating ang mga Reino De Alba." Awtomatikong lumipat ang tingin ni Teissa sa kanyang ate Tammy nang marinig ang anunsyo nito. Tammy was holding a glass of wine while at the dinner table, the smirk on her face says that she finally caught Teissa in the act. Nalunok ni Teissa ang pagkain sa kanyang bibig bago mabilis na yumuko. Siguradong sinusubukan siya nitong hulihin kung magiging interesado ba siya sa usapan kapag nabanggit ang mga Reino De Alba. Paano ay wala siyang gana kaninang sumali sa diskusyon tungkol sa parating na pyesta ngunit nang mabanggit ang mga Reino De Alba ay parang biglang nagising ang diwa niya. "Dalawang taon na rin silang hindi kumpletong dumadalo sa pyesta. Kasama ba ngayong taon si Arvind?" tanong ng kanyang tito Melchor, tila may pananabik ang tinig. Nagkibit-balikat si Tammy bago nagpunas ng sulok ng bibig. "Not sure, Tito. But... Armani confirmed that he's coming," sagot nito bago pasimpleng pinanood ang magiging reaksyon ni Teissa. Narinig niya ang pagpapakawala ng Tito Melchor niya ng hininga. "Pwede mo bang sabihin kay Armani na yayain ang kuya Arvind niya?" "Tito, you know Arvind is no longer comfortable when he's here. Just let him be," sagot ni Tammy bago na tumayo para umalis ng dining hall. Napasunod ng tingin sa kapatid si Teissa, ngunit nang lingunin siya nito at tinaasan ng kilay ay muli siyang napayuko. "Bakit hindi ikaw mismo ang mag-imbita sa bata, Melchor?" tanong ni Don Lino. Melchor sighed. "Papa, you know he doesn't wanna talk to me anymore." Inubos ni Melchor ang laman ng wine glass nito bago nagsaling muli. Tumikhim naman si Teissa at inilapag na ang kubyertos sa plato. "Tito, huwag ho masyado, ha?" paalala niya habang patayo. Her Tito Melchor gave her a fatherly smile. "Alright, Teissa. This will be my last glass for tonight." She smiled back before she finally excused herself. Nagbilin din siya sa mga katulong na huwag nang payagan pang mag-inom nang marami ang kanyang tiyuhin. Teissa doesn't like it when he's getting too drunk. Noong huling beses na nalasing ito ay pinulot ng mga tauhan sa harap ng puntod ng ina ni Teissa. Kung bakit ito naroroon at doon na natulog ay walang makapagsabi kay Teissa. All she knows is that her Tito Melchor didn't take her mother's death lightly. Other than that, wala na siyang iba pang alam. Kahit ang tiyuhin na ang tumayong magulang sa kanila ni Tammy dahil maagang nawala ang mga magulang nila ay marami pa ring hindi alam si Teissa. Hindi rin naman niya magawang direktang magtanong sa tiyuhin dahil natatakot sa maaari nitong maging reaksyon. Teissa picked up her sketch book and went to Tammy's room. Gusto niya sanang ipakita sa kapatid ang bago niyang sketch ni Islaw kaya lang ay kausap nito sa phone ang bago nitong nobyo. Nang makitang papasok siya sa bukas nitong silid ay naglakad si Tammy patungo sa pinto upang pagsarhan siya ng pinto. She sighed and just hugged her sketch book. "Goodnight, ate!" sigaw niya ngunit gaya ng nakasanayan ay wala siyang tugon na natanggap mula kay Tammy. Bumalik na lamang siya sa kanyang silid at naghanda na para sa pagtulog. Nagpaantok din siya gamit ang pagguhit ng larawan ng lalakeng nagligtas sa buhay ni Islaw pitong taon na ang nakalilipas. She stared at the nearly finished sketch of Armani's face. "Sasama ka raw sabi ni ate. Sa wakas. Ang tagal na kitang hindi nakikita." She shook her head when she realized how stupid it was to talk to a piece of paper. Bumuntonghininga na lamang siya at itinabi na ang sketchbook nang makatulog na. Teissa woke up the next day a bit late. Balak pa sana niyang bumalik sa pagtulog kung hindi lamang niya narinig ang ingay na nagmumula sa parte ng hardin na katapat lamang ng silid niya. "Stop it, Argus!" she heard Tammy's voice thunder. Kinusot niya ang mga mata niya't nagtungo sa balkonahe nang nakapantulog pa. Sinilip niya ang hardin. Nang makita roon si Tammy kasama ang tatlong magkakapatid na Reino De Alba ay pakiramdam ni Teissa ay biglang nagising ang kanyang diwa. Arevalo, the second oldest among the Reino De Alba, is slouching on his seat while busy with his phone. Argus, the second youngest, is convincing Tammy to attend the church on Sunday, habang iyong nasa pwesto kung saan kitang-kita siya ay ngingisi-ngisi lamang at panay ang alaska sa kapatid niyang napipikon. Armani. . . "Sige na, Tammy magdadala na lang ako ng fire extinguisher," biro ni Argus kay Tammy. Armani chuckled, and while his lips were curving for a carefree smile, his eyes accidentally drifted toward Teissa's direction. Napasinghap si Teissa bago dali-daling naupo upang magtago. Her heart banged loudly inside her chest, waking up the butterflies in her belly that's been hibernating for so long. "I can still see you, Teissa," dinig niyang sabi ni Armani. Napapikit siya dala ng kahihiyan. She murmured a curse to herself before she finally stood up despite shame eating her whole. Teissa swallowed the pool of saliva in her mouth when she saw how he shifted on his seat before he smiled at her. Itinaas pa nito ang tasa ng kape na tila inaalok siya. Tammy raised a brow. "What the hell are you still wearing? You're already eighteen, for f**k's sake, Teissa yet you still dress like a goddamn nun! Nakakahiya!" sigaw nito nang marinig niya nang maayos. "Tammy," suway ni Armani. "What? Don't I have the right to tell her that? She keeps on making my life miserable! Hindi nga ako manang manamit, siya naman ang oo kaya pati ako natutukso!" asik ni Tammy. "Ikaw naman, Tammy," si Argus bago siya sinulyapan. "She looks fine in her pj's. Hindi kailangang magpa-sexy ng babaeng gaya ninyo para lang hangaan ng mga lalake." Arevalo groaned as if he's getting disgusted with the topic. Mayamaya ay tumayo ito at pinasadahan ng palad ang kanina pa magulong buhok. "Mangangabayo muna ako bago pa magwisik ng holy water 'tong kapatid mo, Armani." Binato ni Argus ng tissue ang kapatid. "Para kang si Tammy." "At anong ibig mong sabihing parang ako? Eh, kung ipalaklak ko sayo 'yong holy water na pinagsasawsawan ng kamay ng kung sinu-sino sa simbahan nang ikaw na lang ang magdala ng kasalanan ng mundo tutal kaunting dasal na lang next Hesus ka na?" "Tammy, that's not nice," pasensyosong suway ni Argus kay Tammy. Napailing na lamang si Teissa bago muling sumulyap kay Armani. Nang mapansin niyang nakatitig pala ang binata sa kanya habang may munting kurba sa mga labi ay nagwala na naman ang kanyang dibdib. She tried to smile back while scanning him secretly. Why does he look so good in a simple jogger pants and black t-shirt? Kung tutuusin ay indoor clothes lamang nito iyon ngunit kung dalhin nito ay tila pwede nang maibenta ang pares ng damit sa malaking halaga. Is it because he's really that good-looking? Kung sabagay, hindi naman lihim ang bagay na iyon. Kaya nga tuwing naririto ito ay todo ang pagpapaganda ng ilang dalagang trabahador ng hacienda. Umaasang mapapansin ni Armani kahit saglit man lang. Armani gestured his head as if calling her. Tumango naman siya bago sumenyas na sandali lamang. She rushed to her bathroom and did her morning routine. Nang masigurong maayos na kahit paano ang itsura niya ay bumaba siya para sumalo sa almusal. Armani watched her come towards their spot. Hinatak nito ang bakanteng silya sa tabi nito habang nakikipag-usap kina Tammy at Argus. Teissa shyly occupied the seat he pulled for her. Ayaw niyang ipahalata ang kilig na naramdaman niya ngunit talagang naglalakad na berdeng bandila yata ang lalakeng gusto niya. Ipagsandok ba naman siya ng pagkain kahit hindi niya naman sinabi! "I didn't know you were growing your hair that long," kumento nito habang naglalagay ng ulam sa kanyang plato. Napabaling siya rito't nahihiyang ngumiti. "Hindi lang po maharap na magpagupit." Lumunok siya nang madama ang talim ng tingin ni Tammy. "K--Kumusta po ang law school?" Armani ang Argus grunted. Tila parehong gustong iwasan ang kahit anong usaping konektado sa law school. Tammy sighed. "Kumain ka na nga lang diyan, Teissa at mamaya ka na magdadadakdak. Ayokong mangabayo kung kailan mataas na ang araw kaya bilis-bilisan mo ang subo." Teissa pursed her lips and nodded. Sanay na siya sa pagtataray ng kapatid. Iniisip niya na lang na natural na talagang masungit si Tammy. May mga pagkakataong nasasaktan pa rin siya, pero kahit na ganoon, tuwing mayroong umaaway sa kanya noong pareho pa sila ng school at hindi pa college si Tammy, nababalitaan niyang sinusugod ni Tammy ang mga umaaway sa kanya. She thinks it was Tammy's love language. Kaya lang ay kapag nagpapasalamat na siya rito ay sinasabi namang hindi nito iyon ginawa para sa kanya at sadyang nagkataon lang. "Nasaan si Islaw?" tanong ni Armani nang patapos na siyang kumain. "Nasa batis panigurado. Ganitong oras ay nagbababad na 'yon sa tubig." She gulped. "G--Gusto mo ba siyang makita?" "I would love to. It's already been six months since I saw that big guy." "Ay naku, ipapakatay 'yon ni Lolo bukas kaya huwag na kayong mag-aksaya ng oras sa kalabaw na 'yon," si Tammy. Napakunot ng noo si Teissa. "Hindi pwede, ate. Nabili na kaya 'yon ni kuya Armani." "Eh, 'di tanungin mo kay Lolo?" Umirap ito bago tumayo. Nang naiwan silang tatlo sa hardin ay bumuntonghininga na lamang si Armani bago siya mahinang tinapik sa likod. "Don't mind her. Stressed lang 'yan dahil ayaw payagang mag-transfer sa Manila." "Manila? Saan naman siya titira ro'n kung mag-aaral siya sa Maynila? Masyadong malayo ang Cavite kung kina Tita Mylene pa siya tutuloy," kunot-noong tanong ni Teissa. Armani put his coffee cup down before he licked the stain of coffee on his lower lip. "She said she'd stay in my flat since Argus' unit only has one room." Napakurap si Teissa. "S--Sa condo mo? Parang... roommates kayo ni ate?" Argus sighed and put his fork down before he spoke in a cold tone. "Yeah. Parang gano'n." "Hindi ba ay magkarelasyon lang naman ang nagsasama sa iisang bubong?" tanong niya. Tuluyang tumayo si Argus, tila masama ang loob. "Sila naman, Teissa. Hindi pa ba halata?" Teissa's heart felt like it suddenly forgot how to beat. May relasyon na ba ang mga ito? She lowered her head and drew in a sharp breath. Great. Now she has more reasons to keep her feelings to herself. "Knock it off, Argus," suway ni Armani sa kapatid bago siya binalingan. "Kumain ka na lang, Teissa. Don't listen to this punk." Tumayo siya at nagsalita nang hindi tinitingnan ang nakamasid na si Armani. "Are you done?" he asked but her only response was a slight nod. Tumalikod siya at akmang aalis na nang muli itong nagsalita. "Puntahan natin si Islaw kung tapos ka nang kumain." She sighed. "Ikaw na lang muna." Pilit siyang ngumiti nang muli niya itong nilingon. "May... lakad pa kami ni Dayne, kuya." Teissa's heart almost jumped out of her chest when she saw how his jaw clenched as if he didn't like what he just heard. Armani shifted to his seat as his forehead creased. "Now who the hell is Dayne, hmm?" Napakurap si Teissa. Why did he sound... jealous?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD