Kabanata 2

1394 Words
"Kaibigan ko si Dayne." Teissa watched Armani's brow twitch. "Kaibigan? Hindi mo siya nakikwento noon." She licked her lower lip and tried to flash a soft smile. "Kasi bago lang siya sa school namin. He's from Manila pero dahil dito nadestino ang Papa niyang pulis, dito na rin siya nag-aaral." Humugot ito ng hininga. Halatang may nais pa sana itong sabihin ngunit tinawag na ng tiyo Melchor ni Teissa. Armani stood up. "I'll see you later. Susunod ako sa pwesto ni Islaw." Tanging tango na lamang ang naging tugon ni Teissa. Sinundan pa niya ito ng tingin. Her uncle whispered something to him. Maya-maya ay nilingon siya ni Armani nang may kunot sa noo. "She's too young for that," she heard Armani say to her uncle. Hindi tuloy niya naiwasan ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Tungkol saan kaya iyon? Teissa sighed and just finished her food. Nagtungo siya sa manggahan at hinaplos ang ulo ni Islaw bago siya naupo sa tipak ng bato. Lumusong naman si Islaw sa sapa habang binubuklat ni Teissa ang sketch book niya. "Islaw, mukhang magiging masaya na naman ang fiesta," kausap niya sa alagang hayop na naglulublob na ngayon sa tubig. Ang balita niya ay mayroong inimbitang banda ang mayor ng bayan. Dahil dating respetadong opisyal sa gobyerno ang kanyang Lolo Lino ay imbitado rin ang buong pamilya Mercado. Teissa's head lifted when she heard the roaring sound of a couple of dirt bikes. Patungo sa kanyang direksyon ang pinsang si Clode at ang matalik nitong kaibigang si Alta Guevarra. The two have always been inseparable. Probably because Clode was an only child and the two gets along pretty well in almost everything. Alta flashed a flirty smirk while looking at her. Siniko ito ni Clode at inirapan bago naupo sa kanyang tabi. "Anong oras kayo dumating?" she asked, trying to keep herself from glancing at Alta who was obviously looking at her. "Kaninang madaling araw. Naglibot kami ni Alta sa hacienda." Clode ran his fingers onto his jet-black hair while moistening his lower lip. "Sabi ni ate Clara gusto mong pumunta ng plaza. Huwag ka nang sumama." Napasimangot siya. "Bakit naman? Ngayon lang ako makakasali. Isa pa, pupunta ang mga kaibigan ko. pinayagan na rin ako ni Lolo at Tito Melchor. Magkikita kami nina Dayne mamaya kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta." "Kilala ko 'yong si Dayne. Tarantado tatay no'n. Nangingikil ng mga driver sa Manila. Kaya 'yon napatapon dito dahil mayabang sa syudad." Kumunot ang kanyang noo. "Mabait naman si Dayne. Baka naman ayaw ninyo lang talaga akong isama? Hindi ko naman kayo aabalahin kasi sina Mang Ekong naman ang kasama ko. Hindi mo ako poproblemahin, Clode." "Ako na lang ang magbabantay sa kanya," prisinta ni Alta. Sinamaan ito ng tingin ni Clode. "Ikaw na bantay-salakay, hmm? No thanks." Tumingin sa kanya si Clode habang itinuturo si Alta. "Kapag manligaw sayo 'to, say no immediately." Alta scoffed. "Wow. Such a f*****g supportive friend." Bumuntong hininga si Teissa. "Wala naman sa isip ko 'yang ganyan. Gusto kong mag-aral, Clode." "Mabuti. Huwag kang gagaya kay Tammy. Palagi na lang akong umuuwi rito para lang mambugbog ng kung sino." Tumayo si Clode at pinagpag ang bandang puwetan. "Iikot lang kami sa bayan at dadaan sa sementeryo. Mag-ingat ka rito baka may maligaw na ahas." Tumango na lamang si Teissa. She watched the two get on their dirt bikes again and raced like they have nine lives. Malulutong pa ang tawanan kaya napailing si Teissa. "Kapag kayo nabangga, ewan ko lang talaga. Maaga ang meet n greet ninyo kay Lola at kina mommy," she murmured while doing a few strokes on her recent sketch. Dahil naaliw na nang husto sa ginagawa ay hindi na napansin ni Teissa ang oras. Ni hindi niya rin kaagad naramdaman ang paglapit ng pamilyar na bulto sa kanyang pwesto. Nagulat na lamang siya nang naglaro na sa kanyang ilong ang pamilyar na pabango. "You just keep getting better and better," Armani said in a gentle voice as he kept his gaze on Teissa's sketch book. She blinked and tried her best to hide how his presence affected her system. Wala pa siyang sapat na salita para ipaliwanag ang nagiging epekto ni Armani sa kanya tuwing ganito ito kalapit, o kaya ay kapag may mga simpleng bagay itong ginagawa para sa kanya. Basta ang alam niya ay bumibilis ang t***k ng kanyang puso at umiinit ang kanyang pisngi sa tuwing nasa malapit ito. "Thank you," nahihiya niyang tugon. Armani flashed a half smile as he met her gaze. "Nagtatalo na naman ate mo at si Argus." "Bakit? Ano ba ang sinabi ni ate?" Armani rested his back against the tree. "Dapat daw na-marinate sa holy water ang baboy na ileletson para kapag umakyat daw sa langit 'yong usok, mainggit daw si San Pedro." Teissa shook her head. "Si ate talaga. Hindi na nagbago." Armani smirked before he peeked at her sketch again. "Do you make portraits now, hmm?" he asked before he tried to see the other pages of her sketch book. Nataranta si Teissa kaya mabilis niyang pinigilan ang kamay nito. Baka makita nito ang drawings niya ng mukha nito. Nakakahiya! "Sorry," Armani apologized. "I just wanna see your other drawings." "S-Saka na lang. A-Ano, panget kasi 'yong iba dito." Lumunok siya sandali. "D-Doon sa tanong mo a-ano si... si Lolo pa lang at si Maia ang naguhit ko. Nagpa-practice pa ako." "So you haven't drawn Dayne yet, huh?" he asked in a low voice. Bahagya ring umangat ang isang kilay. "Uhm, h-hindi pa." Sinuklay nito ang buhok patungo sa likod saka siya pinakatitigan sa mga mata. "Can I be your next model? Ipapa-frame ko at iuuwi sa Manila." Uminit ang kanyang pisngi. "Uhm... kaso hindi pa ako magaling." "It's okay. I just want a little souvenir since it might take a while before we see each other again." Lumunok si Teissa. Umaasang sasapat iyon para matahimik ang makukulit na paru-parong nagwawala sa loob ng tiyan niya. "Baka... magalit ang ate ko? Magselos." Armani's brows furrowed, yet despite the evident lines between his thick eyebrows, Teissa still finds him the most handsome man she had ever laid eyes on. "Why would she? We're just friends. Ayaw mo ba akong iguhit?" tanong nito. She pursed her lips. Of course, she would love to draw him right in front of him. Minsan kasi ay umaasa lamang siya sa kanyang memorya kaya nahihirapan siya. Kaya lang ay baka malaman naman ng ate Tammy niya. "P--Pwede naman pero... huwag mo akong tatawanan kasi nagpa-practice pa lang ako." Umaliwalas ang mukha ni Armani. "Of course I won't do that, Teissa." Tumango-tango na lamang siya bago umayos ng upo nang masimulan na ang pagguhit kay Armani. Her hands feel sweaty because of Armani's effect on her. Nadi-distract din siya dahil hindi niya ito magawang titigan nang matagal sa mga mata. She chewed her bottom lip and tried her best to draw him but it was harder than relying on her memories of her. Armani isn't just good-looking. His eyes were wild yet enticing. His lips; thin, rosy. Inviting... A chill traveled down her spine as she stared into Armani's lips. Para siyang nawala sa sarili ng ilang segundo at nagbalik lamang sa reyalidad nang marinig ang boses ng kanyang kapatid. "Armani!" Her sister's voice sounded furious. Ang mga mata ay naniningkit habang nakatingin sa kanila ni Armani. Teissa watched Armani get on his feet. "Itulong na lang natin sa susunod," bilin nito. Pinagpag nito ang pantalon bago lumakad palapit kay Tammy. Nakita pa ni Teissa ang pag-irap ng kapatid sa kanya bago nito dinuro si Armani. "Tangina mo, Armani. Nag-usap na tayo," asik ni Tammy. "It's not what you think--" "f**k you," Tammy hissed before she turned her back on Armani and walked away. Armani seemed torn about whether to go back to his spot earlier or chase Tammy. Walang nagawa si Teissa kun'di ang panoorin kung paanong bumagsak ang mga balikat ni Armani bago nito pilit na sinundan ang kapatid niya. The two got into a huge fight while walking away from Teissa's spot. Nakita pa niya ang pilit na pag-alo ni Armani sa kapatid niya kaya bago pa man tuluyang manikip ang dibdib niya ay ibinalik na niya sa sketch book ang kanyang tingin. Teissa sighed before she ripped and crumpled her unfinished drawing. "So much for being friends..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD