Pakiramdam nya ay hindi din sya lasing pero ibang klaseng pagkahilo ang nararamdaman nya ng mga oras na yun. Parang nabibingi din sya sa ingay sa paligid. Tinitignan nya ang mga kasama, doble ang paningin nya sa mga ito. Naisip nya na pumunta sa cr at maghilamos para mahimasmasan. Pagtayo niya sa kinauupuan ay nakaramdam siya ng matinding pagkahilo kaya natumba na lang siya bigla. Hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari matapos nun. Kinabukasan nagising si Leslie sa hindi pamilyar na lugar. Masakit ang ulo nya at umiikot ang paningin nya. Iniisip nya kung nasaang lugar sya. Pinilit nya bumangon at umupo sa kama. Nakita nya ang tv sa harapan. May table sa gilid ng kama at tokador. May cr din na katabi ng pinto. Puro salamin ang nasa palibot ng dingding maging ang kisame. Nawindang

