Chapter 32

3877 Words
Ang sinabing iyon ni Priscilla ay masyadong malaman. And Daneliya knows how evil that woman can be. Kaya dapat handa siya sa kung ano man ang gawin nito dahil talagang totohanin nito ang sinabi niya. Those words are like a warning for a really catastrophic war. It could really be harmful. "Miss Mallory?" tawag sa pangalan niya ng barista nang handa na ang order niya. She composed herself and went to the counter to get the drinks she bought pati na rin ang mga pastries. Nagpasalamat siya bago siya umalis na roon. Pagbalik niya sa building ay agad siyang nag elevator patungo sa floor nila. Naabutan pa niyang nagtatawanan habang nagchi-chismisan ang dalawa niyang kaibigan pagbukas no'n. "Tara, meryenda tayo!" aya niya sa dalawa. Doon sila pumwesto sa may mesa malapit pantry. Edith and Lindy immediately examined the drinks and food ordered for them. Tinikman agad nila 'yon at mukhang satisfied naman sila like the usual. "Maganda talaga sa coffee shop na 'yan. Mura tapos masarap pa," ani Lindy. Tumango si Daneliya. "Priscilla was there," aniya. Natigilan ang dalawa at nanlaki ang mga mata napatingin sa kaniya. "Ano'ng ginawa? Inaway ka ba niya?" Tanong ni Edith. Umiling siya. "Hindi naman sa gano'n but she told me to give Garett back to her," aniya. Natawa si Lindy. "Makapagsabi naman ng gano'n akala mo sa kaniya si Sir. May sarili naman utak 'yon. Kung gusto sa kaniya no'n, matagal na sana naghabol sa kaniya. Kaso hindi, grabe nga pumorma rito sa ating dalaga at as in forgotten na agad ang ex niya!" Mahaba nitong lintanya saka natawa pa ulit saka umiling iling. Edith nodded. "Kaya nga! Dapat ang kulitin niya si Sir, hindi itong si Daneliya kasi after all, choice iyon ni Sir Garett. 'Yon pa ba, eh halata naman may paninindigan 'yon kaya talagang may sariling desisyon." "Siguro, kaya ikaw Daneliya ang kinukulit niya kasi walang effect kay Sir mga sinasabi niya at pag-aakit pabalik sa kaniya. Iniisip niya siguro matatakot ka pa rin at dahil desperada na, ganiyan na siya kakulit, nalaman niya lang 'yong totoong standing ni Sir Garett sa wealth. Grabe talaga ang isang Priscilla Alejandro." Sumimsim si Daneliya sa iniinom habang nakikinig sa usapan ng mga kaibigan niya. Ganoon nga siguro talaga. Priscilla is now more desperate. Dati ay may pumipigil pa rito kahit papaano kaya hindi pa ito gano'n kapilit kay Garett. She loves Garett but in her mind, he was going poor. Kaya kahit papaano ay kalmado pa ito sa lagay na 'yon pero ganoon na kalala ang ginawa niya. Dinamay ang Mama niya. Ngayon pa kaya na wala ng makakapipigil rito? Surely, she would be ready to risk it all knowing that Garett is the biggest fish in the sea. Gagawin nito ang lahat, makuha lang ito muli at mapasakaniya. Priscilla Alejandro might do unimaginable things so Daneliya should be really really careful. She should watch her back. Sinundo siya ng driver ni Garett nang uwian niya na at inihatid siya hanggang sa tapat ng condo tower. Nagpasalamat siya bago bumaba at pumasok na roon. Sumakay siya ng elevator at tumungo sa floor kung nasaan ang condo unit ni Garett. Pagdating do'n ay huminto siya sa tapat ng pinto no'n at nilagay ang passcode sa may lock para bumukas ang pinto. Pagpasok ay hinubad niya ang sapatos niya at inilapag sa may shoe rack sa bungad. Natigilan siya nang mapansin na sobrang tahimik ng condo nang makapasok na siya. Naglakad siya at huminto sa may sala saka luminga sa paligid. Dane and Daniella should be home now, kanina pa dapat. At sinabi naman sa kaniya ng driver kanina nang hinatid siya nito pauwi na nakauwi na ang mga ito kanina pang hapon. "Daniella?" she called her and looked around ngunit walang sumagot. Tumungo siya sa kwarto ng mga ito saka binuksan ang pinto. Nang sumilip siya ay naabutan niyang tulog ang dalawa sa kama nito. Si Dane ay nakadapa at tulog na tulog habang si Daniella ay nakatalikod sa direksyon niya at hindi gumagalaw. She must be really asleep. Sinara na lang niya ang pinto at umalis sa tapat noon. Hahayaan na lang niya muna ang dalawa magpahinga. They must be really tired. Marami sigurong ginawa sa school. Siya na lang ang mag-aasikaso para sa kakainin nila sa dinner. Natigilan siya nang may kakaibang maramdaman. Her gut is telling her something. Iginala niya ulit ang mga mata sa loob ng unit at hinahanap kung ano ang mali. Nilapitan niya ang isang display at tinignan 'yon. It seems like it was moved. Pero kaunting kaunti lang naman. Tumaas ang kilay niya at napaisip. Paano niya napansin ang gano'n kasimpleng pagbabago? Inayos niya at inusog iyon nang bahagya pabalik sa original nitong pwesto. Luminga pa ulit siya bago pumasok sa kwarto nila ni Garett. Mag aasikaso lang siya saglit ng sarili at magbibihis bago siya magluluto sa kusina ng dinner nilang tatlo. Pagtapak pa lang niya sa loob ng kwarto, iba agad ang naramdaman niya. Bumagal ang hakbang niya hanggang sa matigilan. Her eyes keenly scanned the area and she saw that there were a lot of things that were moved. She realized that the room is a bit messy. But how? Sinigurado niya na maayos iyon lagi sa tuwing aalis siya. Sa tuwing may gagalawin siya ay sinisigurado niyang maibabalik iyon sa pwesto. Maayos pa rin naman ang kama pero ang mga gamit sa paligid ay nagalaw sa pwesto nila. Alam na alam niya iyon dahil naaalala niya sobra kung paano niya iniiwan ang mga bagay kaya magalaw lang ang mga 'yon nang kahit kaunti, nakikita niya agad ang pagbabago. Her gaze landed on Garett's walk in closet. Nakita niya na naiwan 'yon na bahagyang bukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang may maiisip at mapagtanto. Lalong lumala ang masamang kutob niya. Dali dali niyang nilapitan iyon, malalaki ang hakbang niya. Pagpasok niya, do'n niya talaga napansin ang obvious na mga kalat. Her lips parted when she saw the cabinet which generously displays his accessories have empty slots. At hindi dapat gano'n. Dahan dahan niyang nilapitan iyon. Ang lala ng kaba ng dibdib niya. Nanghihina ang mga tuhod niya. Pinagmasdan niya ang mga naroon. Normal na may nawawalang mga neckties dahil dala iyon ni Garett sa Cebu. Nang mapunta ang tingin niya sa lagayan ng mga relo ay do'n siya tuluyang nanigas. Her heart skipped a beat. Ang daming nawawala sa relo ni Garett. And she was sure that Garett only brought three watches to his business trip para salit salitan iyon na gamitin depende sa pupuntahan nito. Pero habang tinitignan niya ang lagayan ng mga relo, ang daming slot na walang laman na dapat ay tatlo lang ang bakante. 5 watches are stolen. Nanginginig ang kamay niya nang itinakip niya iyon sa bibig. She scanned the closet and noticed na ang daming nagulo roon na tila may naghalughog at naghanap ng kung ano. But other than the watches, wala ng ibang nawawala. Mga relo lang talaga. And Daneliya knows how valuable those are. Those are really expensive. Garett never told her that but she knew. Walang ibang accessories na sinusuot ang lalake kung hindi relo at simple man ito, hindi ito basta-basta magsusuot ng mga mura at peke lang. Natataranta siyang lumabas ng kwarto at tumungo sa kwarto ng mga kapatid. Wala iyon katok katok nang pumasok siya sa loob. Pagbukas niya ng pinto ay nakatayo na si Daniella sa gitna ng kwarto at tutok sa cellphone. Nang nagkatinginan sila ay napakurap ito. "Daniella, pumasok ba kayo ni Dane sa kwarto ni Kuya Garett niyo?" tanong niya. Daniella shook her head saka kumunot ang noo. "Hindi, ate. Never kami pumasok diyan," sagot nito. "May pinapasok ba kayo? O no'ng dumating kayo, may napansin na kayong kakaiba?" Dagdag na tanong niya. Baka may nakapasok sa condo unit at nagnakaw roon. Napakurap si Daniella at bahagyang namutla. "W-wala, ate. Bakit?" kabado nitong tanong. Napahawak sa noo si Daneliya. "I have to report to the management immediately para maimbestigahan ito kung may nakapasok ba," aniya at akmang aalis nang bigla siyang hinawakan ni Daniella. Nilingon niya ito. Mukha itong takhang-takha. "Bakit ate? May nangyari ba?" She nodded then sighed frustratedly. "Nawawala ang mga relo ni Garett. Pagpasok ko, magulo ang kwarto at maraming empty slot sa lagayan niya ng mga relo. And I am sure that it should only be three empty slots. Nakita ko pa 'yon kanina no'ng nagbibihis ako." Tuluyang nawala ang kulay sa mukha ni Daniella na tila na-drain 'yon. Nabitawan siya nito at tila nanghina ang kapatid niya. Daneliya watched her weaken in front of her. She felt it in her chest, there is something to her reaction. "Daniella, bakit?" kabado niyang tanong sa kapatid. Namula ang kapatid niyang babae kasunod ay bumuhos ang mga luha nito. "Ate, I am sorry," she cried. Napalunok nang malalim si Daneliya. "D-Daniella, bakit? Bakit ka nagso-sorry?" Tumitig ito sa kaniya, ang mga mata ay puno ng luha. "May pinapasok po ako ate. Sorry!" Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Daneliya. "W-what? Sino, Daniella?" desperada niyang tanong. Kung may pinapasok ang kapatid niya, hindi malabo na iyon ang kumuha ng mga relo ni Garett! Iyon lang ang naiisip niya na dahilan kung bakit nawawala ang mga relo. Umiyak ito at hindi agad nakasagot. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at bahagyang inalog. She needs the answer right away. "Sino, Daniella? At bakit ka nagpapasok? This is not our place. I know you are very smart and you should know that you must not invite anyone! Sino, Daniella?" Tinignan siya nito, puno ng guilt ang mga mata. "Si Mama, ate. Si Mama ang dinala ko rito." Tila nabingi si Daneliya sa loob ng ilang sandali. Her lips quivered. Kumunot ang noo niya. "Si Mama?" nanghihina niyng sinabi. Tumango si Daniella habang lumuluha. "Inabangan niya ako sa school at sabi niya sasama siya sa amin ni Dane pauwi. Gusto ka rin daw niya makita kaya isinama ko siya. Wala naman sa isip ko ate na gagawin niya 'yon, basta masaya lang ako dahil namiss talaga namin siya. Akala ko okay na rin si Mama. At akala ko gusto niya lang talaga makita ka at makasama tayong tatlo," she explained as she sobs in between her words. Napatakip sa bibig si Daneliya at naramdaman niya ang panghihina. "A-are you sure it was Mama? Daniella, she is under medication. Nasa loob dapat siya ng facility, paanong nakita mo siya at nadala rito?" Umiling si Daniella. "Hindi ko alam, ate. Basta nakita ko siya tapos sumama siya sa akin. Nagmamadali nga siya kaya nag-commute lang kami. Hindi ko naman alam na... magnanakaw siya sa mga gamit ni Kuya Garett, ate." Naglakad patungo sa sala si Daneliya at nanghihinang napaupo sa sofa. Daniella followed her. She covered her face as she cried. Halo-halo ang nararamdaman siya. She is hurt, upset, and really embarrassed. Rinig ang bawat hikbi niya. Umupo sa tabi niya si Daniella at hinawakan siya sa braso. "Ate, sorry talaga, ate. S-si mama kasi 'yon. Hindi ko alam... Sorry." Daneliya cried even harder. Everything feels heavier. Alam niyang hindi 'yon kasalanan ng kapatid niya. Nangungilila lang ito sa mama nila. And of course, Daniella didn't expect that. After everything that happened, they still expect the best from their mother because she is their mom. Ngayon, paano niya ito hahanapin? Paano niya mababalik ang mga kinuha nito? Ang bigat ng nararamdaman niya. She is so upset that her mother did that kind of thing. Babalik ba ito sa bisyo kaya nangnakaw ito? Para mabili ang mga gusto niya lalo na ang dróga? She is hurt. Dahil sa tulong ni Garett ay pilit nilang maibalik sa ayos ang ina nila Daneliya pero tumakas pa rin ito. Mas pinili nitong bumalik sa maling landas. Gano'n ba talaga kahirap iwasan 'yon? And most of all, she is embarrassed. Hiyang-hiya siya kay Garett dahil sa nangyari. Paano niya masasabi rito na ang sarili niyang ina ay ninakawan ang lalakeng minamahal niya matapos nito gawin ang maraming bagay hindi lang para sa kaniya, kung hindi para na rin sa mga kapatid niya at kahit sa Mama niya? He did great things for them and this is what he would get in return? Ang manakawan. Sana nga ibang tao na lang ang nakapasok sa condo unit. Sana hindi na lang Mama niya ang nagnakaw para hindi gano'n kabigat ang guilt na nararamdaman niya. She feels that it is her responsibility. Nagising si Dane at dumiretso sa sala. Kinukusot pa nito ang mga mata nang huminto sa harap nila. "Nasaan si Mama, ate?" Inosenteng tanong nito. Napatakip muli ng mukha si Daneliya at lalong napaiyak. "May problema ba? May nangyari ba kay Mama? Bakit ka umiiyak, ate?" Pinilit ni Daneliya ayusin ang sarili. She doesn't have a heart to tell her younger brother the truth. Na pumunta iyon doon hindi dahil gusto silang makita at makasama. Na pumunta talaga ito sa kanila dahil may hindi magandang pakay. "Umalis na si Mama, Dane. May problema lang ako but no biggies. I just feel... so emotional," pagdadahilan niya saka tumayo at tumungo sa kusina. Daniella immediately got the message. Na hindi nila 'yon sasabihin kay Dane. Nag-asikaso si Daneliya ng makakain nila habang tahimik na lumuluha. Saan ba niya hahanapin ang Mama niya? Siguradong magtatago muna ito. Sana ay hindi nito ibenta agad ang mga kinuhang relo. Lumapit sa kaniya si Daniella. "Hahanapin natin si Mama, ate?" mahinang tanong ni Daniella, nag-iingat na hindi marinig ni Dane. Umiling si Daneliya. "Ako na ang bahala roon, Daniella. Mag-focus ka sa pag-aaral mo," aniya sa mahina rin na boses. Hindi siya nakatulog nang maayos nang gabing 'yon. Nadagdagan ang nararamdaman niya. She is scared, too. Paano kung maibenta agad ng mama niya ang mga kinuha nitong relo? At nag-aalala rin siya sa kaligtasan nito. Those watches are not ordinary. Mga mamahalin 'yon. Ang malala pa, may nakuha rin ang mama niya na vintage na. At hindi niya alam kung may magagawa siya para mabawi 'yon sa oras na maibenta 'yon o sangla ng mama niya. Kinabukasan ay maaga siyang nagising at nag-asikaso para hanapin ang mama niya. She is really stressed. Katatapos lang ng mga overthinking niya tungkol kay Garett no'ng nakaraang gabi at inakala niya na magkakaroon na siya ng peace of mind sa wakas pero ngayon, hindi pala. Would she never get that? Hindi ba niya deserve 'yon. "Ate, mag-iingat ka sa paghahanap kay Mama. Kapag nakita ko siya kung sakaling pumunta siya sa school, sasabihin ko sayo at 'di ko siya paaalisin," ani Daniella sa kaniya. Tinanguan niya ang kapatid na babae. Nilapitan niya si Dane na abala sa pag-check ng bag. Hinawakan niya ito sa balikat. "Dane, baka daanan ka ni Mama. Tawagan mo agad ako. Pupuntahan ko kayo. Huwag mong kalimutan, ha?" aniya saka nginitian ito para hindi makahalata ang bunso nila na may problema. Tumango si Dane. "Okay po, ate!" masigla nitong sagot. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula maghanap. Ang una niyang ginawa ay nag-print ng picture ng Mama niya. At ang naging plano na lang niya ay pumunta sa bawat pawnshop at jewelry/watch buyer na madadaanan niya. Pati na rin 'yong mga malalapit sa tirahan nila. Inabot siya ng ilang oras sa gano'n. She is desperate to find even her mother's trace. Sa dami niyang napuntahan na shop, wala pa naman do'n ang naka-encounter sa Mama niya. Then she realized, baka sa talagang malaking shop ito pumunta. Iyong afford talaga bumili ng mga mamahalin na alahas at relo dahil hindi basta-basta ang mga hawak ng Mama niya. Ordinary shops won't be able to afford it. Stressed at haggard na siya. Isali pa ang hilong nararamdaman niya paggising kaninang umaga. Pinilit niyang kumain ng lunch habang tinatanaw ang kainitan sa tanghaling tapat. Hinilot niya ang ulo at napabuntong-hininga. "Saan ba kita hahanapin, Ma?" bulong niya sa sarili. Matapos kumain ay nagpatuloy siya sa paghahanap. It was almost dark when she went to their neighborhood. Dumaan pa siya sa bahay nila ngunit wala talaga ito roon. "Paki-text o tawagan ako ate Gina kapag nakita mo si Mama, ha?" aniya. "Sige, Daneliya. Sasabihan agad kita kapag makita ko ang mama mo." "Maraming salamat, ate." Sinabihan din niya ang iba pa nilang kapitbahay at pumayag naman ang mga ito. Alam niyang sa bawat oras na lumilipas ay lumiliit din ang chance na nasa mama pa niya ang mga kinuha nitong relo. Kaya pagod na nga siya ay lalo pa siyang pinanghihinaan ng loob. Sana ay hindi pa talaga nito naibenta ang mga 'yon. It would really be more complicated if she already sell it. Naglalakad na siya palabas sa eskinita nila nang may mahagip na pamilyar na pigura. Naglalakad ito palayo. Agad siyang tumakbo at hinablot ito sa braso. Her eyes widened when she realized that it was really her mother. "Ano ba? Bitawan mo nga ako!" sigaw nito sa kaniya at pilit na binabawi ang braso mula sa kaniya. "Mama! Nasaan na ang mga relo?" diretsong tanong niya. Kumunot ang noo nito. "Ano'ng relo ang pinagsasabi mo?" "Alam kong galing ka sa condo ni Garett kahapon. Ang daming nawalang relo, Mama!" Her mother slapped her across her face. "Hayóp lang bata ka! Pinagbibintangan mo ba ako?" gigil nitong tanong. Agad lumuha si Daneliya. Halong frustration at relief ang naramdaman niya dahil nakita niya na ito. Wala na siyang pake sa sasabihin nito. Kailangan niya lang mabawi ang mga relo at maibalik ito sa pinaggalingan para mapagamot ito nang tuluyan. "Mama naman, please! Akin na. Nasaan na? Ibabalik natin ang mga 'yon!" Pilit itong lumayo sa kaniya. "Tigilan mo na ako. Do'n na kayo ng mga kapatid mo sa mayamang lalake na 'yon tutal pinabayaan niyo naman ako at hinayaan sa facility na 'yon! Wala kayong pakialam sa akin!" Agad umiling si Daneliya. "Kailangan mo manatili ro'n Mama para gumaling ka na at makasama mo na ulit sina Daniella at Dane. Alam mo bang miss na miss ka nila palagi? At ano ang ginawa mo kahapon? Imbes manatili sa piling nila, mas pinili mong pumasok sa kwarto ni Garett at kunin ang ibang relo niya." Natigilan ang Mama niya kapagkuwan ay umiling. "Mayaman sobra ang lalakeng 'yon. Wala lang sa kaniya ang mga relong nawala sa kaniya pero sa akin, malaki ang tulong no'n. Bahala ka na kung hihiwalayan ka niya dahil do'n. Ibig sabihin lang, hindi ka niya mahal at hindi siya para sayo," saad nito at hilaw na ngumisi. Lalong bumuhos ang mga luha mula sa mata ni Daneliya. Kumunot ang noo niya habang labis na nasasaktan. "Hindi mo ba ako hahayaan maging masaya, Mama? Please naman po. Nagmamakaawa ako, ibalik na natin 'yon. Nakakahiya kay Garett, Ma. Sobrang nakakahiya. Please, ibalik mo ang lahat ng 'yon. We need to bring it back to his closet and we will act like it never happened in the first place. Isipin mo rin ang kahihiyan ko, lalo na ni Daniella at Dane!" Her mother just stared at her. Akala niya ay natauhan ito sa mga sandaling iyon. Nang nabitawan niya ito ay agad itong tumakbo paalis. Humabol siya rito. Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'yon? "Mama—" Natumba siya at napahawak sa ulo nang muling mahilo. She cried in so much frustration. Ang hirap hirap. Sarili niyang ina ngayon ang dahilan ng paghihirap at sakit na nararamdaman niya. Halos tulala siyang bumalik sa condo. When Daniella saw her blank but tired expression, lumala ang guilt na nararamdaman nito. "Nasaan si Dane?" tanong niya sa kapatid. "Nasa kwarto namin, ate," mahina nitong sagot. Nagluto na ito ng para sa dinner nila. Tumango siya at pilit na nginitian ang kapatid na babae. "Wala kang kasalanan, Daniella. Hindi masama ang masabik at magtiwala sa sariling ina," aniya. Umiling ito at yumuko. Tinapik niya nang marahan ang balikat nito saka nilampasan. Dumiretso siya sa kwarto at naligo agad. Sobrang lagkit ng pakiramdam niya. She thought that the cold shower would help her pero hindi noon nabawasan ang bigat ng nararamdaman niya. It didn't ease the heaviness in her chest. Matapos maligo ay nagsuot lang siya ng roba at umupo sa harap ng vanity mirror. She stared at her reflection. When will she have her peace of mind? Napatingin siya sa cellphone niya. May texts and missed calls mula kay Garett. She swallowed hard and dialled his number. Garett immediately answered her call. "Where have you been? Hindi ka pumunta sa office, my assistant told me." She sighed. "Hindi ako nakapasok, Garett. Pasensya na." "No, you don't have to apologize. I am just worried. Are you okay? Your voice sounds sad, my Mallory," he asked worriedly. Malungkot siyang napangiti. "I am fine. How's your day, Garett?" she asked. Hindi agad nakasagot ito. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga. "I was worried sick all day. Hindi kita makausap. May nangyari ba?" Mukhang walang alam ito na nakatakas ang Mama niya. The management of the facility must be scared to tell him the truth that they failed to keep Daneliya's mother. Pero mukhang kailangan niya na ng tulong ni Garett. Hindi niya kaya na hanapin ito mag-isa lalo na may sakit yata siya. Palagi siyang nahihilo at sa umaga ay talagang hindi maganda ang pakiramdam. Hindi niya muna sasabihin ang tungkol sa mga relo nito. Hiyang-hiya siya kay Garett. At ayaw niya rin sanang tuluyang masira ang imahe ng ina sa paningin ng kasintahan niya kaya hanggat kaya, susubukan niyang maibalik sa closet nito ang mga relo nang 'di malalaman ni Garett na kinuha iyon ng ina niya. "Naglakad-lakad ako for the whole day. Hinanap ko si Mama," she said honestly. "Your mother?" takhang tanong nito. "What do you mean hinanap mo siya? She is getting medication, nagpapagaling siya." Daneliya smiled bitterly. "Nakatakas si Mama. Nakita siya nina Daniella. Kaya, hinahanap ko siya para maibalik siya ro'n. Gusto kong magpatuloy ang gamutan at pagpapabuti niya roon." "Why didn't you tell me sooner? You shouldn't have looked for her alone. Kaya kong ipagawa 'yon sa mga tauhan ko," mariin na sinabi ni Garett. Mukhang upset talaga ito dahil sa pag-aalala sa kaniya. Napakurap si Daneliya at humigpit ang hawak sa cellphone. "I just thought na mahahanap ko siya agad... I was wrong. I am sorry. Gusto ko lang talaga makita na siya, Garett. Baka mapaano pa siya," aniya sa nanghihinang boses. "Don't worry too much, my Mallory. You trust me right? Mahahanap natin siya. Ako na ang bahala ro'n. Do not exhaust yourself, please?" he said gently. "I am sorry if I am not there to be with you. You must be really stressed." Mariin na napapikit si Daneliya at agad uminit ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Suminghap siya at binasa ang labi gamit ang kaniyang dila. "Thank you, Garett. Sana mahanap agad siya. And you don't have to be sorry. Okay lang ako..." Garett sighed on the other line. "Huwag kang mag-alala. Everything is going to be okay. I love you." She let out a small sigh. Masasabi ba niya rito ang totoong ginawang Mama niya dahilan kung kaya ay doble ang stress niya? Isipin pa lang niya ay hindi niya na kaya. She let out a small smile even though he couldn't see it. But he will definitely hear it in her voice. "I love you too, Garett."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD