Chapter 33

3874 Words
Daneliya thought that the stress was already eating her up. Nagising siya dahil sa pagbaliktad ng sikmura niya. Tumakbo siya sa cr at pinilit sumuka ngunit laway lamang ang nailalabas niya kaya lalo siyang nanghina sa sakit no'n. Pagkatapos no'n ay naghilamos siya at nag mumog. She watched her own reflection on the mirror and sighed exasperatedly. Lumabas siya sa kwarto niya kapagkuwan. Dumiretso siya sa kusina at uminom ng maligamgam na tubig para pakalmahin ang tiyan niya. Siguro kailangan niya na nga magpa-check up talaga. She will definitely do that as soon as she fixes the problem that her mother is causing. Mahirap na, baka may sakit na siya lalo na at sunod-sunod na ang stress na nararamdaman niya for the past few months. It is better to discover it early to immediately cure or avoid it than to be late. Hindi niya na kinailangan maghanda ng breakfast para sa mga kapatid niya dahil si Daniella na ang nagluto. She noticed that her cooking was improving. Mukhang nagiging responsable na ito, lalo na rin ngayon bilang pambawi sa kaniya dahil labis ang guilt na nararamdaman nito sa nangyari. Daniella felt responsible for what happened because she was the one to bring their mother to the condo unit. Nakatulog din siya kaya nakapagnakaw ang ina nila at agad umalis. Wala naman problema kung pinapunta nito ang Mama nila roon. She is their mother after all. Ang problema talaga ay nasa mama nila. Although she is already sober from the power of drugs, hinahanap hanap siguro nito iyon kaya nagnakaw para makabili. At masyadong mamahalin pa ang ninakaw. "Kain na, ate," aya sa kaniya ni Daniella. She smiled at her sister and nodded. Pagkatapos nila kumain ay siya na ang nagligpit noon. Pinaalis niya na ang mga kapatid para hindi ma-late ang mga ito sa klase nila. Napagpasyahan niya na hahanapin niya ulit ang Mama niya ngayon. Garett told her not to look for her anymore dahil tao niya na ang maghahanap nito pero hindi niya iyon susundin. She needs help pero kung kaya na maunahan niya ang mga ito na mahanap ang Mama niya, gagawin niya. Baka sakaling hindi na kakailanganin malaman ni Garett ang ginawa nitong pagnanakaw. O kahit huwag nito malaman agad. Garett is very kind and generous to her pero hindi niya alam ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong ninakawan siya ng Mama nila Daneliya. She also knows that Garett is mad at her mother for what she did to Daneliya. Baka lalo pa 'yon lumala. Parehong mahalagang tao sa kaniya si Garett at ang mama niya. It means the world to her to make them feel okay with each other. Mas gusto niya na maging magkasundo ang mga ito. Nakapag-ayos na siya. She was just wearing a simple t-shirt paired with jeans and a white sneakers. May bitbit din siyang shoulder bag. Kakalabas niya lang ng condo tower nang mag-ring ang cellphone niya. She thought it was Garett calling her but it was an unknown number. Naisip niya agad na baka kapitbahay nila 'yon at nakita ang Mama nila. "Hello?" masiglang bungad niya. "Puntahan mo ang nanay mo rito. Ipapakulong ko 'to!" Her eyes widened. It was an unfamiliar voice. "S-sige po, papunta na ako. Saan po 'yan?" Dali dali siyang pumara ng taxi nang malaman kung saan iyon. Sinabi niya 'yon sa driver. Sa buong biyahe ay hindi siya mapalagay. Kinagat-kagat niya ang daliri sa antisipasyon at kaba. Buti na lang, kabisado ng Mama niya ang kaniyang number kaya natawagan siya. Hindi pa tuluyang tumitigil ang taxi ay nag-abot na siya ng bayad at binuksan na ang pinto. Lakad takbo ang ginawa niya para makarating agad sa hindi kalakihang grocery store kung saan iyon ang sinabing address ng tumawag sa kaniya kanina. Nang malaman ng guard na siya ang anak, dinala siya sa may pinto sa sulok ng grocery. At pagpasok, maraming staff doon ngunit agaw pansin ang babaeng dinuduro at sinisigaw-sigawan ang Mama niya na nakaupo at nakayuko. "Magtrabaho ka! Hindi 'yung magnanakaw ka! Ikaw pa ang matapang kanina." Napag-alaman niyang sumubok magnakaw ang Mama niya sa mga nakaplastic na pera na dapat ay dadalhin sa bahay ng may-ari ng grocery. Nasa mesa ang mga muntik nitong maitakbo na pera. Makapal iyon na pile ng tig-isang libo at limangdaan. "Pasensya na po. Pasensya na," marahan na ani Daneliya at lumapit sa kaniyang ina. Nameywang ang may-ari at tinignan mula ulo hanggang paa si Daneliya. "Ikaw ang anak nito? Mukha ka namang mayaman pero nagnanakaw itong nanay mo! Ang laking perwisyo. Ipapakulong ko 'yan. Alam niyo ba na kung nasa ibang bansa tayo, wala na 'yang kamay o 'di kaya ulo!" sigaw nito sa kaniya. Napayuko si Daneliya. "Patawarin niyo po si Mama. Pasensya na po sa nagawa niya." Umiling ang babae. "Hindi! Hindi ako papayag. Uulit pa 'yan. Dapat mabulok 'yan sa kulungan. Hindi niyo kilala kung sino ang binabangga niyo. Kaya ko 'yan ipakulong hanggang sa mamatay siya!" saad nito. "Edi ipakulong mo!" Biglang sagot ng mama niya. Daneliya's eyes widened. Imbes magpakumbaba ay lalo pang ginatungan nito ang galit ng may-ari. Tila lalong nagngalit ang babae sa sagot ng Mama niya. "Talaga! Mabubulok ka do'ng hayop ka! Domeng!" Tawag nito sa isa sa naroon. "Tumawag na kayo ng pulis, ipaaresto niyo 'to. Ihanda niyo ang CCTV footage! Imbes papayag ako na magpa-areglo na lang, ganiyan pa siya! Mabubulok ka!" Daneliya stepped forward. "Ma'am, please po. Huwag niyo po ipakulong ang Mama ko. Hindi niya naman po tuluyang nakuha ang pera. Magbabayad din po ako sa damage—" Mariin itong umiling. "Ipapakulong ko 'yan. Tignan natin kung kakayanin niyan mabuhay nang matagal sa kulungan. Mabubugbog ka ro'n!" Those scenarios flashed in Daneliya's mind. Hindi malabong makawawa ang mama niya roon. And she never imagined na mapupunta ito sa kulungan. Hindi niya 'yon kakayanin. Desperada na dahil sa mga narinig ay wala sa sariling lumuhod siya sa harap ng may-ari. Kitang-kita iyon ng mga staff at iba pa na naroon. She swallowed her pride and dignity, looked at the owner's eyes and begged. Lahat ng naroon ay natahimik at natigilan. Nanlaki ang mga mata ng Mama niya. "Ma'am, please. Huwag niyo pong ipakulong ang Mama ko. Magbabayad po ako sa damage at inconvenience na naging resulta ng mali niyang aksyo—" "Daneliya Mallory, tumayo ka di—" Hindi natuloy ang sasabihin ng Mama niya dahil nilingon niya ito habang lumuluha siya. "Mama, please. Humingi ka ng tawad," nanghihina niyang sinabi habang tuloy-tuloy ang pagkawala ng luha sa mga mata niya. Her mother's eyes turned bloodshot. Nilingon muli ni Daneliya ang may-ari at tiningala ito. "Sorry po sa nagawa ng Mama ko. Please, ayusin po natin 'to at huwag ng tumawag ng pulis. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit ito. Patawad po." Napakurap ang may-ari saka napahakbang paatras. "A-ano ba ang ginagawa mo? Huwag kang lumuhod, hija..." saad nito sa mas kalmadong boses. "Ang mama mo dapat ang nanghihingi ng tawad." Tumayo ang mama ni Daneliya at sinubukan siyang patayuin ngunit hindi siya nagpatinag. Hindi siya nagpadala sa paghila nito sa kaniya. She eyed her mother and shook her head. "Hindi ako tatayo, Ma, hanggat hindi ka humihingi ng tawad," mahina niyang saad, sapat para marinig nito iyon. Her mother clenched her jaw. Napayuko ito at binitawan siya. Matagal itong natahimik. "Patawarin mo ako, Ma'am sa nagawa ko. Pasensya na. Hindi ko na uulitin," saad nito sa wakas. Kahit papaano ay kalmado na ang may-ari. Mukhang nagulat talaga ito na ang tulad ni Daneliya na talaga namang hindi mukhang ordinaryo ay desperadang lumuhod sa harap niya. Tila natunaw ang puso ng babae at nawala ang galit dahil nakita niya ang sinseridad sa dalaga. Kung hindi dahil kay Daneliya ay hindi na talaga makatatakas ang mama niya. She paid for the inconvenience that caused them. Banned na rin ang Mama niya roon, may poster pa na ikakabit sa may labas. Maliit na kabayaran sa ginawa nitong kasalanan. Paglayo nila sa grocery store ay bigla siyang hinampas ng Mama niya sa braso. "Bakit ka lumuhod sa harap ng ibang tao, Daneliya!?" galit na saad nito sa kaniya. "Bakit mo ginawa 'yon? Bakit mo binaba ang sarili mo?" She was so mad at her. Pagod niyang nilingon ang Mama niya. "Bakit ka ba kasi nagnanakaw, Mama?" malungkot niyang tanong. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Mas maayos na ang trabaho ko, may isa pa akong trabaho maliban sa office. Mas malaki na ang mabibigay ko sayo na pera. Hindi mo kailangan gawin 'yon," puno ng sakit na sinabi niya. Kumurap ang Mama niya. Namuo ang luha sa mga mata nito saka umiwas ng tingin. "Sinasabi mo bang pabigat ako sayo?" pagalit nitong saad. "Hindi ka pabigat, Ma. Kahit kailan hindi ko naisip 'yan. Pero kung magpapatuloy ka sa ginagawa mo, palagi kitang isasalba roon. At doon magsisimula na magiging pabigat ka sa akin," mahinahon niyang paliwanag at tinuyo ang mga luha. "Kailanman hindi ka naging malambing sa akin, Mama. Ramdam ko na hindi mo ako gusto minsan. Pero napalaki mo ako nang maayos. Tinatak mo sa isip namin na masama ang magnakaw. Mataas ang tingin namin sayo. Kaya tigilan mo na 'to, Ma. Please... Magpagaling ka na sa facility na pinagdalhan sayo. Once you get better, makakapagsama-sama na ulit tayo. Nakikiusap ako sayo." Her mother stared at her first daughter, Daneliya. Sa kalooban niya ay nasasaktan siya. She always felt useless because Daneliya is the one who worked hard for them. Mas nagmistula pa itong magulang kaysa sa kaniya. Pero imbes na magsikap siya at mahalin ang anak, mas pinangunahan siya ng pride niya at inferiority complex niya. Naging defense mechanism niya ang sungitan ito at pahirapan. But for the first time, she realized all her wrongdoings when she saw her daughter kneeling desperately in front of strangers just to save her. Gano'n kalala ang pagmamahal nito sa kaniya na wala na itong pakialam sa pride at dignidad, mailigtas lang siya. Ang sakit-sakit ng dibdib niya at hindi niya na makakalimutan ang imahe na 'yon hanggang sa huling hininga niya. Tinalikuran siya bigla ng Mama niya at hindi umimik. Daneliya sighed. "Ma..." "Nasa bahay natin ang mga relo. Pero naibenta ko ang isa kahapon. Ang mga pera, nasa bahay rin pero nabawasan dahil pinambayad ko sa third man. Nagbago ang isip ko at gustong bawiin ang relo kaya naghanap ako ng paraan para makahanap ng pera pero sa maling paraan din," ani ng kaniyang Mama. Nakahinga nang maluwag si Daneliya. Kaya niya naman siguro bayaran ang nabawas ng pera. Kaya pala sumubok na naman itong magnakaw kanina sa grocery store dahil doon. "Salamat, Mama. Halika na, gusto kang makita nina Dane—" Hinarap siya nito, seryoso ang mukha at may bahid ng luha ang mga mata. "Huwag na. Saka na ako magpapakita sa kanilang dalawa kapag magaling na ako. Babalik ako ngayon sa tinakasan ko. Si Carlito ang third man. 20k ang nabawas do'n. Siya rin nakakaalam kung saan ko 'yon nabenta." Napakurap si Daneliya. "Ako na po ang bahala do'n. Kumain ka na po ba? Kumain muna tayo." Umiling ito at nagtawag na ng taxi. "Ipahatid mo ako pabalik do'n," utos nito sa kaniya. Wala na siyang nagawa kung hindi sundin ang utos ng Mama nila. Pagdating ng taxi ay siya na ang nagsabi sa driver kung saan dadalhin ang Mama niya at binayaran niya na rin agad ang fare. Pinanood niya ang pag-alis ng taxi. She let out a sigh of relief. Kahit papaano ay masaya siya na mapupunta na sa ayos ang Mama niya. Ang kailangan niya na lang gawin ngayon ay hanapin ang third man na si Carlito, pamilyar siya rito dahil doon ito nakatira malapit sa kanila. Susubukan niya rin bawiin ang relo. And she wishes that she could have it back. Pumunta siya sa bahay nila. Gamit ang spare key na nakatago sa ilalim ng paso ay nakapasok siya. Dumiretso siya sa kwarto ng Mama niya. Sa ibabaw ng kama ay may bag. Pagbukas niya no'n ay ang daming pera sa loob at sa ibabaw ay naroon ang mga nawawala na relo. Isa lang ang kulang do'n. Napangiti siya. Nalulutas na kahit papaano ang ibang bagay sa malaking problema niya. Hinanap muna niya si Carlito sa kanila. Maya-maya ay lumabas ito sa maliit nitong bahay at mukhang hindi inaasahan na makita siya. "Oh, Daneliya, napadaan ka?" Tanong nito. "Kuya, saan niyo ibenenta ni Mama ang relo. Ikaw raw ang third man, ikaw ang nakahanap ng buyer." Hindi agad ito nakasagot kapagkuwan ay napakamot. "Bakit? Ano'ng kailangan mo sa buyer?" "Ibabalik ko ang pera at babawiin ang relo, Kuya. Kailangan ko po iyon." Kumunot ang noo nito at lalong napakamot. "Gano'n ba? Naku, mukhang mahihirapan tayo diyan, Daneliya. Mahirap hagilapin iyon si Boss Luigi. At sa malamang, baka naibenta niya na rin 'yon o nadagdag sa koleksyon niya." "Hanapin natin, kuya at kausapin. Babayaran kita kapag nahanap natin siya at naibalik sa akin ang relo. Mahalaga ang relong 'yon. Nagkamali si Mama at naibente." Napailing ito kapagkuwan ay bumuntong hininga. "O siya, babalitaan kita kapag alam ko na kung saan natin makikita. Pahingi ako ng number mo." Nagsulat siya sa maliit na papel ng cellphone number niya at inabot iyon sa lalake. Bumalik siya sa bahay nila at itinago ang pera habang ang mga relo ay ibinalot niya sa tela at inilagay sa bag niya. Ibabalik niya na 'yon sa closet ni Garett para kahit papaano ay mabawasan ang isipin niya. Sana ay mahanap agad ni Carlito ang buyer. At sana hindi maging mahirap ang pagbawi nila roon. Umuwi siyang malaki ang pag-asa. Pagbalik sa condo unit ni Garett ay dumiretso siya sa kwarto at ibinalik ang mga relo sa lagayan nito. Hindi niya alam kung tama ang pagkakasunod-sunod no'n. Kaya dapat mabawi niya talaga ang isang naibenta para mailagay niya na rin 'yon dito. Para kung sakali man na malaman na ni Garett ang totoo, at least wala ng problema dahil naibalik naman niya ang mga relo. Her phone suddenly rang. Una niya pang inasahan ay baka si Carlito na 'yon but when she picked her phone, she saw that it was Garett. Agad niya 'yon sinagot. "Garett," magaan ang boses na bungad niya rito. Mas magaan na talaga ang pakiramdam niya dahil nabawasan na ang iniisip at problema niya. "Mallory, I have a good news. Naroon na ulit ang Mama mo. She went back by herself." Napangiti siya. "Really?" she uttered. "That's good. Mabuti naman." "I realized, maybe she got bored. That is why I instructed them to give something to her that can help her boredom. I also made sure na hindi na siya ulit makakatakas." Daneliya nodded but she realized that Garett can't see that. "Thank you so much, Garett. I appreciate it..." She waited for Carlito's message or call. Pero lumipas ang dalawang araw ay wala pa rin siyang natanggap mula rito. Nang puntahan niya sa kanila, sabi nito ay inaalam pa rin nito kung saan makikita ang sinasabi nitong Boss Luigi. Palipat lipat daw kasi ito ng lugar, kung saan saan tumatambay. Dahil do'n, she had to tell a bad news to Garett. "Bakit hindi ka makasusunod dito?" marahan na tanong ni Garett. Humigpit ang hawak ni Daneliya sa cellphone niya. "Makakasunod ako, pero made-delay lang. Dane needs me here. As soon as everything is already fine, susunod na ako diyan." She had to lie. Kailangan muna niya mabawi ang relo at pagkatapos no'n, pupunta na siya sa Cebu. She heard him sigh. "I understand, baby. I just really miss you so much. Natuloy rin kasi talaga ang extension ng stay ko rito. And it is killing me every day because of the fact that I can't be with you." Naging malungkot ang ekspresyon ni Daneliya. "Namimiss na rin kita, Garett. I can't wait to be with you," she said that almost came out as a whisper. Sa tuwing marami siyang iniisip, lalo siyang nangungulila sa mga yakap at halik ni Garett. She knows that it would really help her. His mere presence could ease all her burden and overthinking. Luckily that night, she received a text from Carlito. Alam daw nito kung saan ang punta ng sinasabi nitong Boss Luigi ngayong gabi. "Saan ka pupunta, ate?" tanong ni Dane nang makita na nakaayos siya nang lumabas siya sa kwarto nila ni Garett. Napatingin din sa kaniya si Daniella. She smiled at them. "May pupuntahan lang. Makikipagkita ako sa friends ko, sina Edith at Lindy." "Dito ka ba matutulog, ate?" Natigilan siya saglit kapagkuwan ay tumango. "Oo naman," aniya. Makakauwi naman agad siya. Kakausapin niya lang talaga ang buyer at babawiin iyon. Humalik siya sa pisngi ng dalawang kapatid bago umalis. Sumakay lang siya ng taxi patungo sa bahay nila. Bitbit ang bag na naglalaman ng pera na naging kapalit ng relo, tumungo siya sa may bahay nila Carlito. "Sa bar sila ngayong gabi," ani Carlito habang minamaneho nito ang luma niya ng kotse. Tumango siya. "Madali ba siyang kausap, Kuya?" Hindi agad nakasagot ang lalake kapagkuwan ay napailing. "Yan ang hindi sigurado, Daneliya. Madalas, depende sa mood niya. Ipagdasal na lang natin ngayong gabi na good mood siya at papayag agad. Ang hirap ng gagawin mo. Kung maramdaman niyang mas kailangan mo siya, talagang kukunin niya ang oportunidad na 'yon para kumita." Natahimik si Daneliya. Paano kung padagdagan nito ang ibabalik niyang pera? Kahit papaano ay malaki na ang kinikita niya ngayon dahil sa dalawang trabaho pero hindi pa sapat ang mga naipon niya kung sakaling magpatong ito ng malaking halaga. Tila isang tagong bar ang pinuntahan nila. Nasa looban 'yon ng napakadilim na eskinita. Humigpit ang hawak ni Daneliya sa bag niya habang papasok sila sa loob. Seeing the customers of the bar inside, she realized that it was not a normal bar. Ang daming napatingin sa kaniya pagpasok nila. Nakaramdam siya ng kaba pero hindi niya 'yon pinansin. Hindi niya mawari kung mga gangster ba ang karamihan ng nasa loob o ano. Basta, hindi sila mga mukhang ordinaryong tao. "Dito ka muna. Puntahan ko lang si Boss Luigi para sabihin na kakausapin mo siya," ani Carlito at iniwan siya sa isang sulok. She looked around. She noticed a lot of people there who looked like a thug and delinquent. Ayaw niyang manghusga base sa mga pananamit, kilos, at tayo ng mga ito pero 'yon talaga ang vibe ng karamihan do'n. "Bago ka rito, Miss, ah?" saad ng isa sa tatlo na sabay sabay na lumapit sa kaniya. She glanced at them and they looked like they would not do any good. Hindi niya pinahalata na kabado siya. She just nodded. Kung hindi niya pansinin ang mga ito, baka magalit. Pero kung maging friendly naman siya, baka makaisip sila ng maling impression kaya naging neutral na lang ang reaksyon niya. "Tara, sama ka sa amin. Kami na ang bahala sa drinks mo," aya ng isa pa at akma siyang hahawakan. Agad siyang umiling. "Ah, hindi. May hinahanap lang akong tao kaya nandito ako. Lalabas na siya maya maya," aniya. Tumaas ang kilay ng isa. "Sino?" Napakurap siya. "Si Luigi," aniya. "Tinatawag siyang boss Luigi. Kilala niyo?" Nang marinig ng tatlo iyon ay napaatras ang mga ito saka tinignan siya ulit mula ulo hanggang paa. "Bata ka pala ni Boss Luigi. Sorry, Miss. Dito na kami," saad agad ng isa. Ramdam niya na tila natakot ang mga ito. Napatuwid siya ng tayo. His name did that. Sino ba 'yon? Nang may lumapit ulit sa kaniya ay sinubukan niya ulit banggitin ang pangalan ng tinatawag na Boss Luigi at katulad ng kanina, umatras din agad ito. Dahil sa mga reaksyon ng naroon ay kinabahan tuloy siya. Na imagine niya ang posibleng ugali at hitsura ng Luigi nito. Probably a really tall man with a big body, scary face covered with beard and arms covered with tattoos. Iyon agad ang assumption nila. Parang 'yung mga boss ng gangsters sa palabas na napapanood niya. Ayaw niyang manghusga pero hindi niya mapigilan dahil sa reaction ng mga tao ro'n sa pangalan pa lang nito. There must be a reason why they looked scared hearing his name! Maya-maya ay bumalik na si Carlito. Sinenyasan siya nito na sumunod sa kaniya. Ang daming napapatingin sa kaniya habang naglalakad sila lalo na nang dumiretso sila sa second floor. Sa second floor ay marami pa ring tables kung saan may mga nag iinuman. Sa sulok ay may pinto. Doon dumiretso si Carlito at binuksan ang pinto. Akala niya ay papasok ito ngunit hindi. "Kuya?" "Ikaw lang papasok sa loob," saad nito sa kaniya. Napalunok siya saka tumango. Para siyang nag-aalangan. After imagining kung ano ang posibleng hitsura ng Boss Luigi na 'yon, nakakatakot isipin na silang dalawa lang sa kwarto. Pero kailangan niya gawin ito. Humigpit ang hawak niya sa bag saka humakbang papasok. Sinara ni Carlito ang pinto sa likod niya. Nilibot niya ang tingin sa loob ng kwartong iyon. The light was dim and orangey which doesn't help her to see clearly. Sa harap niya ay may mesa at may nakaupo sa harap no'n. "Ano'ng pangalan mo?" tanong ng malagong na boses nito. Napakurap siya. "Daneliya. Ako 'yung anak ng nagbenta sayo ng relo no'ng nakaraan..." "Alam ko, sinabi sa akin ni Carlito." Sa lagong ng boses nito ay lalo niyang naisip na gano'n talaga ang hitsura nito. She can't see him well because of the darkness on the part of the table. "Dala ko ang pera na ibinayad mo kay Mama, buo ito. I just really need that watch." "Alam mo bang lumalaki ang halaga ng relong iyon habang tumatagal at nararapat lang na sa bawat pagbenta no'n, mas lalaki ang halaga." Napailing si Daneliya. "Pero hindi ko 'yon binibili sayo. Binabawi ko ang relo, ibabalik ko naman ang pera mo," mahinanon niyang sinabi. The man chuckled. "Wala kang alam sa business at value," saad nito kapagkuwan. "Binenta 'yon sa akin ng Mama mo. Ibig sabihin, ako na ang bagong may ari. Ngayon, gusto mong mapasayo muli ang relo, bibilhin mo 'yon sa akin." Kumunot ang noo ni Daneliya. May point ito pero nakaka-frustate pa rin. "Ibalik mo sa akin ang binayad ko sa Mama mo at may patong na 35%. Mababa na 'yon." She calculated it in her mind. Sobrang laki no'n! Hindi niya kaya. "Pero Sir, that's unfair. Ilang araw pa lang 'yon sayo. Bakit gano'n agad kataas?" She expected this already pero hindi gano'n kataas! "Wala kang gano'ng pera? Kanino ba ang relo na 'yon? Ninakaw lang na 'yon ng Mama mo?" Natatawa nitong saad. "It is none of your business, just give me back the watch and I will give back your money." Pinulot nito ang sigarlyo na nasa ashtray. Tanging baga lang ng sigarilyong iyon ang kita sa madilim na banda nito. "Wala ka ngang pera. Huwag kang mag-alala, baka may option pa akong maibigay sayo. Kailangan lang kita makita nang maayos." May pinindot ito sa may mesa niya, kasunod ay ang pagbukas ng ilaw na nakatapat kay Daneliya kaya malinaw na nakikita ang kabuuan niya. Natahimik ang lalake. Humithit ulit ito sa sigarilyo niya bago nagsalita. "Sige, ibabalik ko ang relo at ibalik mo sa akin ang pera ko. Walang patong, basta akin ka ngayong gabi. Ano sa tingin mo, Daneliya?" saad nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD