Para siyang nabingi sa sinabi nito. Her lips parted in shock. Tama ba ang pagkakarinig niya rito? Did he really say that?
"W-what did you say?" hindi makapaniwalang sinabi niya.
"Samahan mo ako ngayong gabi. Kailangan ko ba i-direkta? Tatabihan mo ako sa kama. At baka tanungin mo pa kung ano ang gagawin natin do'n? s*x siyempre," paliwanag nito na tila wala lang ang mga salita na lumalabas sa bibig niya.
Daneliya scoffed then glared at him in disgust. Gustong gusto niya mabawi ang relo pero hindi siya gano'n ka desperada na mabawi ito sa pamamagitan no'n.
"Just wait for me. Hahanap ako ng pera. Babayaran ko ang gusto mong dagdag na halaga sa orihinal na presyo," aniya. "I will never ever give myself to other man."
Natawa ito sa sinabi niya kapagkuwan ay gumalaw sa kinauupuan. "Baka nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa ako nakikita..." saad nito saka may muling pinindot sa mesa nito. Kasunod no'n ay ang pagbukas ng lahat ng ilaw sa kwartong iyon dahilan para makita niya na ang mukha at kabuuan ni Luigi.
Honestly, Daneliya was shocked pero hindi niya 'yon pinahalata. Nanatili ang blangko niyang ekspresyon. Nagulat siya hindi dahil sa pagkamangha sa hitsura nito. Sadyang iba lang talaga ang inaasahan niyang magiging hitsura ng lalake.
Ang na imagine niya kanina ay sobrang tangkad nito na sobrang maskulado tapos ay mahaba ang bigote at puno ng tattoo ang katawan. Nakasuot ng sando at walang ayos. Pero ibang-iba 'yon sa nakikita niya ngayon. He looks decent and handsome. Malinis ito tignan. Nakasuot ng simpleng t-shirt. Buzz ang cut ng buhok, may isang guhit na ahit ang makapal na kilay. Itim na itim ang mapungay na mata, mapilantik ang makapal na pilikmata, matangos ang ilong at may kakapalan ang pulang-pula na labi. Moreno din ito. Halatang may lahing banyaga.
Ngumisi ito sa kaniya. "Papayag ka na ngayon, 'di ba?" Tumayo ito. Matangkad ang lalake at maganda ang postura at katawan. Inilahad nito ang kamay sa kaniya, inaaya siyang lumapit. "Sumama ka na sa akin. Sisiguraduhin kong liligaya ka sa piling ko at babalik balikan mo ako pagkatapos ng gabing 'to."
Mukhang confident na confident ito na papayag na si Daneliya matapos siyang makita pero nagkakamali siya roon.
"Huwag mong ibenta ang relo kahit kanino. Babalikan kita. Just give me time. Babayaran kita nang halagang hinihingi mo," ani Daneliya at tinalikuran ito.
Napawi ang ngisi ni Luigi at malalaki ang hakbang na nilapitan siya. Hinawakan siya nito sa braso. Agad umatras si Daneliya kaya tumama ang likod niya sa may pinto. Ngayon ay nasa gitna na siya ng katawan ng lalaki at ng kahoy na pinto.
"Ano'ng sinabi mo? Talaga bang tinatanggihan mo ako?"
Binawi ni Daneliya ang braso niya at marahan na tinulak palayo si Luigi para maglayo ang katawan nila.
"I am not interested, nakikita man kita o hindi. I will forget that you proposed that kind of condition dahil gusto ko lang talaga mabawi ang relo. And I am politely asking you not to sell it or anything. Bibilhin ko 'yon sayo ulit," marahan niyang sinabi habang nakatitig sa lalake. "Thank you."
Kunot ang noo na pinagmasdan siya ni Luigi. "Wala pang tumanggi sa akin na babae."
Tinalikuran niya ulit ito. "Asahan mo ng marami pang susunod..."
"Napapangitan ka ba sa akin?" tanong nito sa kaniya.
Kumunot ang noo ni Daneliya sa tanong nito sa kaniya pero hindi na niya sinagot ang tanong nito.
"Thank you for your time. Hahanapin kita ulit."
Hinawakan niya ang door knob saka pinihit iyon para buksan. Paglabas niya ay wala roon si Carlito. Luminga siya ngunit hindi niya ito nakita. Umalis na kaya ito o kaya lumabas? Napabuntong hininga siya sa kabiguan niya ngayong gabi. Makahahanap kaya siya ng paraan para mabawi ang relo?
Pagbaba niya ay maraming nagmamasid sa kaniya. Marami ang sumubok na humarang kaya umiling siya.
"Excuse me," saad niya sa bawat humaharang na sumusubok na kausapin siya.
Paglabas niya sa bar na 'yon ay hinanap ng mata niya si Carlito ngunit hindi pa rin niya ito mahanap. Napalunok siya nang mapansin na marami ng tambay sa labas na mga nakainom at kung ano pa ang ginagawa sa may dilim. She felt nervous and scared. Talaga bang mag-isa siyang uuwi ngayon?
Idagdag pa ang katotohanan na may dala siyang malaking halaga ng pera sa bag na bitbit niya. Halos mapamura siya sa isip.
"Nasaan ka na ba Kuya Carlito..." bulong niya sa sarili.
Ang masama pa ay hindi niya alam ang lugar na 'yon.
Maya-maya ay may lumapit na sa kaniya na dalawang lalake. Kung humagod ng tingin ito sa kaniya mula ulo hanggang paa, akala mo ay kakainin siya ng buhay. Pilit pa rin niyang itinago ang kaba. Kapag nakita ng mga ito na kabado siya, lalo siyang pupuntiryahin ng mga ito.
"Pauwi ka na, Miss? Saan ang uwi mo? Sabay ka na sa amin. Naka-motor kami," aya ng isa sa kaniya.
Lalong lumapit ang isa sa kaniya. "Tara na."
She swallowed hard again. "H-hindi na. May sundo ako. Hinihintay ko na lang."
She fished her phone from her pocket. Kitang-kita niya na walang signal ang sim card niya roon. The mentally cussed. Kahit gano'n ay nagkunwari siyang may binabasa.
"Malapit na siya. Thanks for the offer," tangi niyang sinabi.
"Naku, sa amin ka na sumama, Miss. Kami na ang bahala."
Umiling siya. "Hindi talaga."
Hinawakan na siya ng isa at nagsisimula na 'yon magkapwersa. Agad siyang nilukob ng takot pero sinusubukan pa rin niya na hindi magpatalo roon.
"Bitawan mo ako. May sundo nga ako!" aniya. Tumaas na rin ang boses niya sa halong kaba at inis dahil sa pamimilit nito.
"Kami na nga ang bahala sayo! Sumama ka na lang sabi," galit na saad ng isa.
Akmang hahatakin siya nito nang mas malakas ngunit may biglang tumutok na baril sa ulo nito dahilan para matigilan ito.
Nanlaki ang mga mata ni Daneliya habang ang dalawa na nangungulit sa kaniya ay nanigas sa kinatatayuan nila.
"Bibitawan niyo siya o ipuputok ko 'to sa utak mo?" Mariin na tanong ng bagong dating.
It was Evans.
Umigting ang panga ng tinututukan ng baril kapagkuwan ay binitawan nito si Daneliya. Ang isa nitong kasama ay binitawan na rin siya saka hinila paalis ang kasama nito.
"Tara," nagmamadali nitong sinabi at umalis do'n, nawala sa dilim.
Nagkatinginan sila ni Evans. Daneliya knows that she would be in a real danger kung hindi dumating si Evans. Napalinga siya sa paligid, wala man lang sumubok na tulungan siya at wala ring pumigil kay Evans nang maglabas ito ng baril. Tila walang pakialaman dito.
"Let's go. Magtatawag ng kasama 'yon," ani Evans at hinila siya palabas ng eskinita.
Wala na siyang nagawa. Hindi na siya nagprotesta. Gaano man niya kaayaw na makasama at makita si Evans, mas pipiliin niya na lang na gano'n mangyari kaysa mapahamak siya sa lugar na 'yon. Pagsakay nila ng kotse ay agad pinaandar ni Evans ang sasakyan.
"What the hell were you doing there, Daneliya? Alam mo ba ang lugar na 'yon? Hideout ng mga criminal at masasamang tao 'yon!" mariin nitong saad.
"Ikaw, ano'ng ginagawa mo ro'n?" tanong niya, hindi ito nilingon.
"Ikaw ang hindi ko inaasahan na makikita ro'n. You're a woman, alone in that place. Kung hindi ako dumating, baka kung saan ka na nila dinala. Just what the heck were you thinking!"
Sinulyapan niya si Evans at ang tagiliran nito na may baril.
"Bakit ka nandon? Bakit may baril ka?" tanong niya.
Napasulyap ito sa kaniya kapagkuwan ay umiwas ng tingin. Kapwa sila hindi sumagot sa tanong ng isa't isa. Pareho sila tumahimik nang mapagtanto na pareho sila walang balak na sumagot sa mga tanong na ibinato sa kanila.
Nang nasa may kalsada na talaga sila ay binasag ni Daneliya ang katahimikan.
"Dito na lang," aniya saka humawak sa handle ng pinto.
"What? Ihahatid na kita."
Mariin na umiling si Daneliya. "Dito na lang. May pupuntahan pa ako. I'd rather commute than sit with you here," she coldly said.
"Hindi mo na ba talaga kakausapin nang maayos?" Evans asked in a helpless tone.
"Tapos na ang lahat sa atin. Wala ng dahilan. Thank you sa pagligtas mo sa akin but let us not pet our path cross again. Bababa na ako."
Evans clenched his jaw then sighed afterwards. Ramdam siguro nito ang pagiging seryoso niya. Iginilid nito ang kotse at inunlock ang pinto. Agad naman siyang bumaba sa kotse naghintay roon ng jeep.
Hindi umalis si Evans hanggang hindi siya nakasakay ng jeep.
Dumaan muna siya sa bahay nila at muling iniwan doon ang pera bago siya lumabas do'n. She locked the door and left their house. Muli siyang nag-commute pabalik sa condo unit.
Medyo nasayang ang oras niya ngayong gabi pero mabuti na rin dahil at least, napakiusapan niya si Luigi na itabi ang relo. Hihilingin na lang niya na sana ay pagbigyan nito ang hiling niya na huwag ibenta ang relo. Babalikan niya 'yon. Pero bago 'yon, kailangan muna niya makahanap ng kailangan na pera, ang hinihinging dagdag ni Luigi.
Pagdating niya sa kwarto ay naglinis muna siya ng sarili at nagbihis. She checked her phone at nakita na may message do'n si Carlito na nanghingi ng pasensya dahil sa biglaang pag-alis dahil may emergency raw ito. Kinamusta siya nito. Nagtipa lang siya ng reply dito bago nag-check pa ng ibang mensahe. May messages si Garett sa kaniya 1 hr ago matapos ng iilang missed calls.
From: Garett
Are you already asleep?
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya masasabi rito ang detalye ng gabi niya dahil hindi nga niya kaya pa sabihin na nanakaw ang relo nito at ngayon ay sinusubukan niyang bawiin dahil binebenta iyon. Iniisip pa lang niya ay talagang nahihiya siya. It's embarrassing to tell him the truth that her mother stole things from him.
To: Garett
Good night, Garett. I fell asleep early. Nagising lang ako. Matutulog na ulit ako ngayon.
Napapikit siya pagkatapos i send ang kasinungalingan na 'yon. Inilapag niya sa dibdib ang cellphone at naghihintay ng reply ng lalake. Ngunit nakatulog na lang siya ay wala itong sagot sa naging chat niya.
Nagising siya sa pakiramdam na nasusuka. Halos yakapin niya ang sink sa cr habang sumusuka ngunit wala namang lumalabas kung hindi laway. Hinang hina na naman siya matapos noon. Sinapo niya ang noo saka napaupo sa sulok. Nagtatakha na rin siya bakit palagi na lang hindi maganda ang pakiramdam niya?
Tuwing umaga iyon madalas tapos lilipas naman ang mga oras at maghapon, magiging ayos na naman. Kapag gising niya, gano'n ulit.
"Sabi ko naman sayo, ate, magpa-check up ka na kasi," inis na sinabi ni Daniella nang makita siya nito na parang lantang gulay na naman sa kusina.
Uminom siya ng maligamgam na tubig.
"Magpapacheck up ako. Sa susunod na araw," aniya at hinilot ang sentido.
"Dapat ngayon na," mariin nitong sinabi.
Umiling siya. "Papasok ako ngayon. Absent ako kahapon..."
Bumuntong-hininga si Daniella at napaira. "Hay naku! Ang tigas ng ulo. Pagsabihan mo nga 'yan, Dane!"
Napakamot ang bunso nila. "Siguraduhin mo ate na magpapa check up ka na bukas, ha?" saad nito.
Tumango si Daneliya sa kapatid at si Daniella naman ay muling umirap dahil nagkasundo na naman ang panganay at bunso. Akala niya ay pipilitin na rin nito ang ate nila, kunsintidor lang din pala sa katigasan ng ulo niya.
Habang nasa biyahe siya patungo sa trabaho ay nag check siya ng phone. Her heart dropped when she realized that she didn't receive any messages or calls from Garett this morning.
"Maybe he is super busy today," she whispered to herself, more like convincing herself to ease her disappointment.
Pagdating sa office ay wala roon si Lindy at Edith. Day off ng dalawa, sabay iyon. Wala na rin naman kasi talagang gagawin ang mga ito dahil nga wala si Garett.
Si Daneliya rin ay hindi required pumasok, gusto niya lang. Para kahit papaano ay may pagkakaabalahan siya habang nag-iisip kung paano makahahanap ng extra na pera.
She computed her coming salary from Garett's company. Darating na rin ang unang payment sa kaniya ng agency para sa first project niya. But she thinks that would still not be enough.
Nagtipa siya ng mensahe para kay Carlito.
To: Kuya Carlito
Kuya, may paraan ba para makausap ko si Luigi sa mas maayos na lugar at better kung umaga?
Takot siyang mag-risk ulit na pumunta sa gano'ng klaseng lugar. Masyadong delikado. Hindi siya komportable dahil parang kahit anong sandali ay may mangyayari sa kaniyang masama.
Sana ay makausap niya muli si Luigi. Baka sakaling pumayag ito na hulugan niya na lang ang pinapadagdag nitong halaga.
Or what if she just tells the truth to Garett?
Nakakatakot isipin. Nahihiya agad siya sobra once na malaman nito ang totoo. Nakakahiya talaga ang ginawa ng Mama niya. Pero ayaw niya ng isisi pa 'yon sa ina niya. Masaya siya ngayon na nasa maayos na ang kalagayan nito. Now her task is to finish everything by fixing this problem.
Kapag sinabi niya ang totoo kay Garett, either babawiin nito ang relo at ito ang magbabayad ng hinihinging dagdag halaga ni Luigi o hahayaan na nito iyon. Alin man sa dalawa, sadyang kahiya-hiya.
She caressed the side of her forehead and sighed. Stress na stress na siya.
Lunch time nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Si Garett iyon kaya gano'n na lang ang tuwa niya at agad 'yon na sinagot.
"Garett! You called," masaya niyang sinabi. "How are you?" tanong niya.
Tahimik ang kabilang linya. Akala niya tuloy ay may problema sa signal. Maya-maya ay nagsalita ito.
"Where were you last night?" tanong nito. "You didn't answer my text and call."
Natigilan siya. She blinked profusely then clenched her fist to ease the tension.
"N-nakatulog ako nang maaga. I'm sorry..." she uttered in a low voice.
"Okay." Malamig ang boses nito nang sinagot siya nito. "Take care for today."
He immediately ended the call. Natulala si Daneliya. She instantly knew that something was wrong.
"Shît..."
Napasapo siya sa noo. Maghapon niya 'yon inisip. Garett never treated her like that since they became together. Ngayon lang ulit. Parang bumalik sila sa dati, five years ago.
Hindi siya mapalagay no'n. Sumagi sa isip niya, paano kung alam na nito ang totoo. That's probably it!
Mariin siyang napapikit. He asked her where she was just to know if she was going to lie or not. And she did lie. Hindi man niya intensyon na magsinungaling talaga dito pero dahil sa kahihiyan niya, napilitan siyang itago ang totoo.
Napagdesisyunan niya na pag-uwi ay tatawagan niya ito para sabihin na ang totoo. Wala na siyang choice ngayon. Mas mabuting maintindihan ni Garett kahit papaano ang dahilan kung bakit siya nagsinungaling kaysa tumatak na lang talaga sa isip nito na nagsinungaling siya.
It also means one thing, sasabihin niya na ang tungkol sa relo.
Nag-asikaso siya pag-uwi saka tumawag kay Garett pero hindi iyon sinasagot ng lalake. Hindi na siya mapalagay. Ayaw niya ng patagalin iyon. Ayaw niyang magkaroon sila ng problema ni Garett. She wants to fix this immediately.
Nagtipa siya ng mensahe rito.
To: Garett
Please answer my call, Garett. I will tell the truth about last night.
Naghintay lang siya ng ilang minuto bago muling tinawagan ang number nito. After two rings, Garett answered the call.
"Hello... Garett," she called him.
"I know the truth. But you lied to me," bungad nito sa kaniya.
Mariin siyang napapikit. Tama nga siya. Alam nito ang totoo.
"I'm sorry. I was just scared of your reaction kaya nagsinungaling ako. Baka... baka magalit ka," aniya. "Nahihiya rin ako sayo," malungkot niyang sinabi.
"I am not mad, Mallory. I am hurt."
Natigilan siya. He is hurt.
"Garet..."
"Kailan pa, Mallory? Kaya hindi ka makasunod dito ay dahil do'n, 'di ba?" mariin nitong sinabi.
Napayuko si Daneliya. "A-almost one week na," she uttered. "I am so sorry."
She heard him scoffed. "So all the 'I love you' that you told me were lies? All that sweetness and care were fake? For 1 week?" He sounded so hurt.
Kumunot ang noo no Daneliya. Huh? Ano ang kinalaman ng mga sinabi niyang I love you at mga pag-aalala at paglalambing niya rito.
"Ano'ng kinalaman no'n?"
"You are really asking me that. Don't tell me that you mean those things dahil imposibleng masasabi mo 'yon sa akin nang bukas sa puso habang sinasabi mo rin 'yon kay Evans," mariin nitong sinabi.
Her eyes widened. "What? Ano'ng kinalaman ni Evans dito? Hindi ko sinabi 'yon sa kaniya. Garett, matagal na kaming wala."
"You just confirmed to me that it's been 1 week since it started. Alam kong magkasama kayo last night."
Natulala si Daneliya at unti-unting nag-sink in sa kaniya ang mga sinasabi nito.
"Y-you mean, may nakaabot sayo na information na magkasama kami last night?" tanong niya.
"Yes. A picture of you in his car, captured by an anonymous person."
Daneliya sighed. Hindi lang pala sila nagkaintindihan. Magkaiba ang mga nasa isip nila. "Oo but it was just for few minutes. Wala pang 10 minutes. And that happened because he saved me from danger. Hindi ko naman akalain na nando'n siya. Tapos no'ng nasa safe na akong lugar, bumaba agad ako sa kotse niya, Garett. Hindi kami nagkabalikan o ano. Ni hindi kami halos nag-usap nang maayos," paliwanag niya.
"What? What do you mean he saved you from danger? Saan ka ba talaga pumunta? What are you doing in such a place?" he sounds so worried and alert.
Nakagat ni Daneliya ang labi. "I—I was trying to retrieve something. Hindi ko alam na pugad pala ng mga thugs and criminals ang lugar na 'yon. And when someone was trying to take me, dumating si Evans at may baril siya kaya umalis ang mga gustong magsama sa akin. I had no choice but to go with him, because it was definitely safer to go with him than to stay in that place. I am sorry, I didn't tell you the real story. I was just really scared and too embarrassed to tell you the truth."
Hindi agad nagsalita si Garett kapagkuwan ay binasag nito ang sariling katahimikan. "Bakit ka napunta sa sitwasyon na 'yon? Tell me the whole story, Mallory," he demanded firmly.
Wala na siyang nagawa kung hindi sabihin ang totoo. Sinabi niya ang buong kwento, mula sa pagpapasok ni Daniella sa Mama nila at sa mga sumunod na nangyari. Wala siyang iniwan na detalye. Pati na rin sa mga naging kondisyon ni Luigi at sa kung ano ang sunod na plano ni Daneliya sana, mabawi lang ang relo na 'yon.
"Hiyang hiya ako sayo, hindi ko masabi sayo ang totoo. You helped me and my family in a lot of ways and my mother did that. Kaya sinubukan kong lutasin ang problema nang mag-isa pero hirap na hirap ako. But I felt that you're so cold kanina and I realized, alam mo siguro ang totoo tapos nagsinungaling ako. Kaya I decided na sabihin at aminin na talaga sayo. Ayokong magkaroon tayo ng problema, Garett. I am so sorry for lying to you and hiding the truth from you. I didn't mean anything bad. I was wrong, I know..."
Garett went silent. Hinayaan niya muna ang katahimikan nito. He must be processing everything. After all, ang daming nangyari. And he learned all of that in one sitting. Maya maya ay nagsalita na 'to.
"Don't you trust me, Mallory?" he asked her in a gentle voice.
Mariin na napapikit si Daneliya. "I—I trust you."
"But hearing your story, it seems like you didn't trust me. You think everything will change just because your mother stole something from me? Daneliya, I am willing to lose everything for you and you think I will be affected if I lose such a small thing?" he asked.
Nakagat niya ang labi. "But that is not a small thing, Garett. Relo 'yon. Mahalaga 'yon. And it is really embarrasing for me that my mother did that."
"I understand your side but please, know that I will feel better if you tell me whatever it is than have you trying to solve everything, risking your life, Mallory."
Lumuha si Daneliya. She can feel his love for her and once again, she thought of him in the wrong way. Mali na naman ang inasahan niya rito. Siguro nga ay tama ito. She didn't trust him enough. She always expects the worst from situations kaya sinusubukan niya lagi i resolve iyon mag isa kaya minsan ay nauuwi sa panganib o 'di kaya, sa hindi pagkakaintindihan.
"Hayaan mo na ang relong 'yon. Hindi ka na babalik sa lugar na 'yon, Mallory," mariin nitong sinabi sa kaniya mula sa kabilang linya.
"B-but, Garett... My mother stole that from you. Gusto kong ibalik sayo 'yon without costing you anything."
"Then I will let one of my men retrieve it just for your peace of mind, baby. Don't worry about it. Sa susunod na araw, mababalik 'yon sa closet ko."
Napalabi siya saka tumango. "Okay. 'Yung binayad no'ng Luigi, nasa bahay namin. Ipakuha mo na lang sa tao mo..." marahan niyang sinabi.
"Don't utter that bastard's name ever again. I will never forget what he told you about his other condition," mariin na sinabi ni Garett.
"Okay, Garett."
True to his word, sa sumunod na araw ay may kumatok sa condo unit na napakilalang tao ni Garett. Dala nito ang relo. Daneliya's eyes widened as she accepted the watch.
"Thank you..." pasalamat niya sa naghatid. "Nagdagdag ba kayo ng bayad?"
Umiling ang lalake sa kaniya. "No, Ma'am. Nagpalitan lang talaga niyang relo at ng bag na naglalaman no'ng pera na binayad ng buyer."
Dali-dali siyang pumunta sa kwarto ni Garett at ibinalik ang relo sa lagayan nito. Now, his collections are complete. Tatlo na lang ang empty slot. Napangiti siya ngunit napailing.
Gano'n lang kadali ang lahat nang si Garett na ang kumilos. Muntik pa siyang mapahamak dahil do'n. Pero ang mahalaga ngayon, kompleto na 'yon at kahit papaano ay hindi na nagkaroon ng malaking kapalit ang maling nagawa ng Mama niya.
Daneliya realized it. She really needs to trust Garett next time when there is a problem. Because he would solve it right away without any sweat. With him, hindi niya na kailangan solohin ang mga bagay. She can be honest with him and he will do anything for her.
Finally, bukas na ang flight niya patungo sa Cebu. Magkikita na ulit sila ni Garett at matutuloy na ang pagsunod niya rito.
Nagluluto siya ng pagkain para sa lunch ng makatanggap siya ng tawag. Sinagot niya 'yon.
"Good noon, Miss Echavez. This is Anna. Remind ko lang po kayo for your check up appointment this afternoon, 2 pm."
"Thank you, Anna. I will be there."
"Great. See you later, Miss."
"See you later," aniya at pinatay na ang tawag.
Napangiti siya. Siyempre, magpapa-check up din muna siya bago umalis bukas para malaman na kung bakit palagi siyang nahihilo at nasusuka tuwing umaga.