Chapter 35

3725 Words
Chapter 35 Ang inakala niyang simpleng check up ay napunta sa hindi niya inaasahan. When she told the doctor her symptoms and she confirmed that she was sexually active, binigyan siya nito ng pregnancy test. Tulala niya 'yon na tinanggap at tumungo siya sa cr. While waiting for the result, ang dami niyang naiisip. She became honest with her doctor. Sinabi niya na withdrawal ang method nila. When she mentioned that she took a plan B or emergency pill when Garett accidentally released it inside her, pinaliwanag sa kaniya ng doctor na malamang ay buntis na siya ng mga panahon na 'yon. May nabuo na sa sinapupunan niya. Because plan B doesn't affect it anymore once nakabuo na. Matapos ang ilang minuto ay nakita niya na ang resulta. And it is positive. She covered her mouth with her fingers in shock. Napahaplos siya sa impis pa niyang tiyan. All those days that she was stressed, may dinadala na pala siya. Agad siyang ni-refer ng doctor sa OBGYN. Mabuti na lang ay available ito sa mga oras na 'yon dahil hindi siya mapapalagay kung hindi pa mache-check ang sinapupunan niya ngayon knowing she was super stressed and tired for the past week. She wants to make sure that the baby is going to be okay. She never imagined it. Akala niya pa ay may mada-diagnose sa kaniyang sakit dahil sa palagi siyang nahihilo, naduduwal, at masama ang pakiramdam niya. Ngayon, heto siya at nakahiga, inu-ultrasound. "This is your baby..." masayang sinabi ng kaniyang doctor. Awtomatiko siyang napangiti. It was not planned but she is definitely happy. Maraming sinabi sa kaniya ang doktora niya. And although she felt like she was in the air, she took all her advice with her heart. Aalalahanin niya iyon lahat. Binigyan din siya nito ng maliit na booklet at niresetahan ng mga vitamins pati na rin ng gatas na iinumin niya. Pinagsabihan siya nito ng mga best food na kainin niya at mga pagkain at inumin na dapat niya iwasan dahil magiging masama ang epekto sa baby. Inakala niya na uuwi siya na ang dala lang ay gamot para gumaling siya sa sakit niya pero iba pala ang mauuwi niya. Booklet and advices for a pregnant woman. She discovered that she is going to be a mother, months from now. She was so happy. Makakasama na nga niya si Garett bukas, may dala pa siyang panibagong surprise dito. Daneliya is not sure if Garett is going to be happy about it. Paano kung hindi pa ito handa para do'n? Kahit naman nasa marrying age na ito, posible na hindi pa rin ito handa maging tatay. But then, she stops herself from overthinking. She has to trust him. Mas papahirapan niya ang sarili kung hahayaan niyang ma stress siya sa bagay na hindi pa nangyayari. And she is done thinking of the worst scenario everytime something happens. Kailangan niyang magtiwala na magiging maayos ang lahat, lalo na kapag may kinalaman kay Garett. Just like what happened about those watches. Sa sobrang pag overthink niya, nahirapan pa siya nang sobra at grabeng exhausted ng utak niya, only for it to be solved easily by Garett. Hindi man lang ito naging issue sa lalake. And stress is also too bad for the baby. She can't let herself and their baby suffer just because she has no trust. From now on, she is going to trust him. Mabuting tao si Garett. Magiging mabuting ama rin ito sa magiging anak nila. Sigurado siya ro'n. And she has to be positive. "Parang ang saya-saya ng ate ko!" puna ni Daniella habang pinagmamasdan siya. Simula kasi pag uwi niya sa condo mula sa hospital ay talagang maaliwalas ang mukha niya at lagi pa siyang nakangiti. She smiled even more. "Siyempre," aniya. Tinitigan niya ang kapatid. "Nasabi ko naman sa inyo na aalis ako bukas papuntang Cebu, 'di ba?" Umirap ito. "Tuwang-tuwa ka na makakasama mo na si Kuya Garett. Naku! Inlove masyado! She nodded. Gusto niya ring sabihin sa kapatid na magiging Tita na ito pero pag-uwi na nila ni Garett mula sa Cebu. Una niya itong sasabihin sa boyfriend niya. Tapos mag-iisip siya kung paano masu-surprise si Daniella at Dane tungkol sa baby niya. "Pero legit ate, mukhang mas masaya ka talaga kay Kuya Garett. Mukhang mahal na mahal ka rin niya. He's the best person who gave you the best love," ani Daniella saka nagkibit balikat. "Sana lang hindi matulad kay Kuya Evans na manloloko pala." Daneliya shook her head with a smile. "I am confident that he is never going to cheat on me. Iba si Garett, Daniella. He is really a good man and I am sure of that." Lumabi ang kapatid niya. "Sana nga. At deserve mo ng matinong lalake. Pero soon talaga, magkakaroon ako ng boyfriend, better pa kay Kuya Garett. Mas bongga at mas gwapo tapos mas mayaman pa!" She chuckled hearing her younger sister's ambition. If there is really a better man than Garett, sana nga ay iyon ang makakatuluyan ni Daniella sa hinaharap. Ayaw niyang makaranas ng kahit anong sakit ang kapatid niya kahit parang impossible na hindi iyon mangyari. Dahil darating talaga ang panahon na masasaktan ito, maraming beses pa. But at least, she will have a really good man like Garett. Na kahit ano'ng problema ay lulutasin agad niya para sa babaeng minamahal niya. "Basta mag-aral ka nang mabuti, Daniella. That is all I want. Lagi ka naming susuportahan." Tinaasan siya nito ng kilay. "Of course. I want to graduate with flying honor pa like you. Mas higit pa sayo!" saad nito. Natawa siya nang bahagya saka nagpakita ng thumbs up. Never naman siyang na offend kapag sinasabi iyon ni Daniella. Sa tuwing sasabihin nito na gusto siya nito malampasan. Sa kagandahan, sa boyfriend, at sa ibang bagay. She genuinely wants that for her sister. Daniella deserves the best. Masaya siyang naging maayos na rin ang relasyon nilang dalawa. No'ng nasa bahay pa sila, talagang hindi siya gusto ni Daniella. Tila galit o inis ito lagi sa kaniya. Hindi rin siya nito tinatrato nang maayos. Maybe, that is the silver lining of all those hard events. Ang dami niyang pinagdaanan, pero heto, masayang-masaya siya dahil sa lalaking minamahal niya, maayos na rin sila ni Daniella at sama sama pa silang tatlong magkakapatid. And soon, she is going to have their very own baby. Kinabukasan ay maaga siyang nag asikaso para sa pag-alis niya. Habang naghahanda siya ay puro paalala siya sa dalawang kapatid na maiiwan sa condo unit. "Alam ba ni Kuya Garett na flight mo ngayon, ate?" tanong ni Dane habang hila nito ang maleta. Ihahatid siya ng mga ito hanggang sa may labas lang ng condo tower. Umiling siya. "Isu-surprise ko siya. Akala niya, at the end of this week pa ang punta ko ro'n," she excitedly said. Malaki ang ngiti niya sa labi kapagkuwan ay hinaplos niya ang ulo ni Dane. "Magtulungan kayo ni Ate Daniella mo, ha? Tell me kapag pasaway ang ate mo." Ngumuso si Daniella. "Ako pa talaga ang isusumbong niyan? Mas bata at mas pasaway sa akin 'yan!" Daneliya chuckled and faced her sister. "Alagaan mo si Dane. At sabihin mo rin sa akin kung pasaway siya... na malabo naman mangyari," pabiro niyang saad. Umirap ang kapatid niyang babae. "Wow, akala ko fair na. Parang pasaway tuloy talaga ako niyan." Niyakap niya ang dalawa. Agad na yumakap ang mga ito pabalik. "Mag-iingat kayo. Love love kayo ni, Ate," bulong niya sa mga ito. "Love love din kita, ate!" malambing na sinabi ni Dane. Pabiro siyang tinulak ni Daniella palayo. "Ang OA niyo naman. Akala mo naman ate sa abroad ka pupunta at ilang years magtatagal do'n! Parang hindi magkikita ulit after few weeks, eh. Sige na. Ma-late ka pa sa flight mo." Natawa siya. Muli siyang humalik sa pisngi ng mga kapatid saka tinalikuran ang mga ito at naglakad palayo. Nagpara siya ng taxi, malayo-layo sa may condo tower. Ayaw niyang makita ang mga kapatid niya sa pag-alis niya. Hindi niya alam pero parang nalulungkot siya at alam niyang mamimiss niya talaga ang mga ito. For the past weeks kasi ay talagang nakasama niya nang madikit ang mga ito. Nagkasundo na rin sila ni Daniella. Kaya siguro nahihirapan siya umalis ngayon. But anyway, ilang linggo lang naman. Pinakamahaba na ang dalawang linggo. Tinulungan siya ng driver ilagay ang maleta sa trunk ng taxi bago siya sumakay sa loob. She checked her shoulder bag. Nando'n ang ultrasound photo na nakuha niya kahapon. She smiled upon seeing that. Isu surprise niya si Garett gamit iyon. Sinabi niya sa driver kung saan ang destinasyon niya at tumango lang ito. May suot itong cap at shades na madalas naman suot talaga lalo na ngayon na mainit. Tumutok na si Daneliya sa panood sa mga dinadaanan nila. Ilang minuto pa lang sa biyahe ay nakaramdam bigla nang malalang antok si Daneliya. Bumigat ang mga mata niya. Sinubukan niya pa labanan ang antok. Sobrang biglaan niya lang 'yon naramdaman. Pero sa lala noon ay hindi niya kinaya pa. She fell asleep at the backseat. Sa sobrang bigat ng katawan niya ay napahiga pa talaga siya roon sa backseat at tuluyan ng nawalan ng malay. The taxi sped up driving and it was driven in the opposite direction of the supposed destination. Daneliya woke up with a severe headache. Nagising siya na nasa isang kama. Nalukot ang mukha niya sa sama ng nararamdaman niya. She tried to sit. Nang umupo siya ay doon niya napagtanto na ang isa niyang kamay ay nakaposas sa mismong kama. Sinubukan niyang makawala roon ngunit nag-ingay lang ito dahil sa pagtama sa bakal. Sumakit lang din ang palapulsuhan niya. "Nasaan ako?" she whispered and looked around. Nasa isang kwarto siya na hindi pamilyar sa kaniya. The last thing she remembers is she rode a taxi. It should bring her to the airport but she suddenly felt really sleepy. Pagkatapos no'n ay wala na siyang maalala. Iyon na ang kasunod na naaalala niya, nagising na siya sa isang unfamiliar room. "Tulong..." she tried to shout but that came out as a whisper. Nanunuyo ang lalamunan niya dahilan para mahiparan siya magsalita dahil sa napapaos na boses. "Tulong!" Paglingon niya sa bedside table ay may bottled water. It was still sealed. Gamit ang malayang kamay ay kinuha niya iyon at inipit sa pagitan ng mga tuhod niya. She then twisted the cap to open it saka iyon ininom. Bawat lagok ay may ginhawa na datinf iyon sa lalamunan niya. Once her thirst was satiated and her throat felt better, sinubukan niya ulit sumigaw nang sobrang lakas hanggat kaya niya. "Tulong! May tao ba diyan? Tulong!" she shouted as loud as she could. Ilang beses niya 'yon ginawa, paulit-ulit nang sinasabi, nagbabaka sakali na may makarinig sa pagsigaw niya. Maya maya ay may narinig siyang kalabog. Tunog iyon ng bumukas na pinto. Napatingin siya sa pinto ng kwarto na kinalalagyan niya nang gumalaw ang door knob no'n. Kasunod ay ang tuluyan na pagbukas ng pinto. Pumasok ang isang matangkad na lalake. Nakajacket ito na malaki, naka sunglasses at may suot pa na sumbrero. Her eyes widened. Ito 'yung driver kanina ng nasakyan niyang taxi. Ito ang dumukot sa kaniya? "Hayóp ka! Sino ka? Saan mo ako dinala? Pakawalan mo ako. Pakawalan mo ako rito!" aniya at sumipa sipa lalo na nang naglakad ito palapit sa kaniya. "Calm down, Daneliya." She stiffened when she heard his very familiar voice. "E-Evans?" she uttered in the tone of disbelief. Tinanggal nito ang suot na sunglasses at sumbrero, kasunod ay ang malaking jacket na suot ito. It is really Evans. Ito ang driver ng nasakyan niyang taxi. He really intended to kidnap her. Daneliya glared at him. "What have you done? You kidnapped me! Pakawalan mo ako, Evans! Ano ang binabalak mo?" Umiling ito at umupo sa tabi niya. Gamit ang malaya niyang kamay ay pinaghahampas niya ito. Sinalag iyon ni Evans at hinuli ang kamay niya kaya hindi niya na 'yon magalaw nang hindi nito iyon binitawan. "Hindi na kita pakakawalan, babe." Daneliya shook her head. "Nababaliw ka na! Bakit mo 'ko kinuha?" Nanginginig sa galit ang boses niya. He stared at her intently. "Kung nababaliw na ako, mas nababaliw na si Mommy, babe. She is going to kill you once your plane landed at Cebu that is why I kidnapped you." Napakurap si Daneliya at umawang ang labi niya dahil sa narinig. "W-what?" "She is desperate to have Garett again. And she is seeing you as a pest, interfering for them to get back together. Kaya ka niyang patayin, makuha lang ulit si Garett at mapasakaniya ulit. That is why I got you, to save you. I saved your life once again, babe..." he gently said and caressed her cheek while staring at her lovingly. Umiling si Daneliya. "No. You kidnapped me for yourself. For your own benefit because you are selfish. You could have warned me, pero kinuha mo ako!" She tried to hit him but he caught her hand again. "Makikinig ka ba sa akin kapag sinabi ko 'yon sayo?" mariin nitong tanong. Daneliya just glared at him. Tama ito, hindi siya basta maniniwala but it would make her cautious because knowing Priscilla, hindi malabo na papatay talaga ito para kay Garett. "It's done. Hindi ako natuloy sa pag-alis dahil sa pag-kidnap mo. You can let me go now, Evans," aniya sa boses na pilit niyang pinapakalma. Evans shook his head. "My mom will hunt you down, Daneliya. Unlike me, she's already crazy. Ako, kaya pang magbago ang isip ko sa plano ko. Pero siya, hindi na kaya kailangan, hawak na kita para masiguro na hindi ka niya sasaktan. Kung hahayaan kita, magpapaunahan lang kami sa pagpatay ng tao." Her brows furrowed. "W-what are you talking about?" she asked breathly. Pagpatay ng tao? Evans stood then he clenched his jaw. "While my mom is planning to kill you so he can get back with Garett, I've been planning to kill him to have you again," Evans confessed. Nanigas si Daneliya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Si Evans ba talaga ang kausap niya? "Y-you're sick in the head, Evans. Nababaliw na kayo ng Mama mo..." nandidiri niyang saad. Inilingan siya ng lalake. "Sa inyo, kabaliwan. But for us, this is love. This is obsession. Kaya naming pumatay para sa pag-ibig." She chuckled sarcastically. "Bullshit." "And I'm planning to kill Garett tonight. Kaya mas mabuting nandito ka para siguradong ligtas ka." Nanlaki ang mga mata niya. Evans was really serious. "Kaya ba nandon ka sa lugar na 'yon nang gabi na 'yon? Kaya rin may baril ka? Pinaplano mo talagang pumatay, Evans?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. Evans just stared at her. Then he caressed her face. "Once I successfully killed Garett, mapapasa akin ka na ulit. Babalikan mo na ako. Then my mom would not kill for her love. She will be hurt but at least she will not be in prison." Kumurap si Daneliya. "At sa tingin mo, hindi ka makukulong?" Tumaas ang sulok ng labi ng lalake. "I prepared for this, Daneliya. Sa tingin mo hahayaan kong makulong ako when my goal is to get rid of that bastard so I can have you for myself again?" he asked. "That gun is not for him. I will use that to protect you if things get complicated. Si Garett, mamatay siya sa ibang paraan. Plano 'yon. And the plan will be executed tonight. My men are already there, making sure that fvcking jerk will die tonight. They are just waiting for my go signal." Dahan-dahan siyang umiling at natulala. "You will not do that, Evans." "Oh, I will, Daneliya. And technically, it wouldn't be me who killed him directly. I am just the mastermind. The planner. But it's not my hands that will get tainted." Tears fell from her eyes. No, that would not happen. Hindi mamamatay si Garett! Tinuyo ni Evans ang mga luha niya habang titig na titig sa kaniya. "Don't cry, babe. Everything will be fine. Magiging mag-asawa rin tayo, matutuloy ang kasal natin ngayong taon. We will be happy. Everything will be peaceful. Things just have to happen tonight." Umiling si Daneliya. "Evans, don't kill, please. Pag-isipan mo 'to. Tatatak sayo ang gagawin mo ngayong gabi. You will be punished for it. And you know the saying na ang karma mo ay mapupunta sa taong pinakamamahal mo? Ako ang sasalo ng lahat ng 'yon, Evans. O 'di kaya, ang magiging mga anak mo. Will you like it?" she asked while tears were falling from her eyes. Natigilan si Garett. Titig na titig ito sa kaniya. "Kaya kitang protektahan mula sa karma. I will do everything so you won't be hurt," mariin nitong saad. Tila ba sure na sure ito sa sinasabi. She shook her head. "Kaya mo ba? It is a strong force, Evans. Baka magsisi ka lang sa huli pero sa panahon na 'yon, hindi mo na mababawi ang lahat." Evans clenched his jaw. Umiwas ito ng tingin. Alam ni Daneliya na kahit papaano ay naaapektuhan ito sa sinasabi niya. "Please..." "This is the only way so I can have you again, Daneliya. I'm left with no choice," he said firmly. She swallowed hard. "I—I can be with you again without you doing this, just by my choice. A-ayokong mabahiran ng dugo ang kamay mo. Ayoko rin mamatay si Garett, that is the truth. So to make sure that those things would not happen, sige, babalik ako sayo. And from then, hindi na rin ako papatayin ng Mom mo 'di ba? Because I will not be a hindrance to her anymore." Umiling-iling si Daneliya. Si Evans ay titig na titig sa kaniya, pinagmamasdan siya habang nakikinig sa lahat ng sinasabi niya. "I will always choose peace over anything, Evans. Kaya kitang patawarin sa lahat, basta masiguro ko lang ma walang mangyayari sa mga 'yon. Just also make sure na hindi na rin ako papakialaman ng Mommy mo lalo na ang pamilya ko. We will start over. How's that sound?" she gently said. She hopes that she sounds really convincing. Sana ay mamanipula niya si Evans sa mga salita niya. Pinagmamasdan siya nito. Lumuluha pa rin siya ngunit nginitian niya ito. She wants to show him that she is encouraging and assuring him. Just to make him believe her. "Do you promise that you will really start over with me?" Evans asked calmly. She immediately nodded. "I promise. And you know, I never break a promise," sagot niya. Ngayon lang. She needs to do this to save herself and Garett. Tila nabuhayan si Evans sa narinig. Tumango ito at niyakap siya. Kumpara sa Mama nito, mukhang mas madali itong mamanipula. After all, Evans just really wants to be with her. "I want you to call Garett and tell him you're running away with me," ani Evans saka tumayo. Nagkaroon ng pag-asa si Daneliya. Baka kayanin niyang masabihan ito nang mabilisan. She will literally have only a few seconds to say all of that. Kinuha ni Evans ang cellphone ni Daneliya mula sa cabinet sa malayo. Bago nito iabot iyon sa kaniya, pinakita ni Evans ang sariling cellphone. Tuluyang nanghina at sinakop ng takot ang katawan niya nang makita na live video iyon kung saan may sniper na naghihintay na lang ng command ni Evans. Mula sa malayo ay may kuha rin kung saan kitang-kita si Garett sa office nito na gawa sa salamin ang pader. At mula do'n, pinakita ang kabilang building kung nasaan ang sniper. "One wrong move, babe. Sasabog ang utak ni Garett. That is a really efficient sniper. So I hope tutuparin mo ang napag-usapan natin. After all, you don't want him to get killed and you don't want me to kill, right?" saad nito sa kaniya. Tumulo ang luha ni Daneliya at tumango. Evans kissed her forehead. "Tell him that you're coming with me. Na ako lang ang mahal mo at ginamit mo lang siya. Say that you hate him and don't want to see him, ever again, okay?" he said. Her heart was breaking so bad. Sasabihin niya ang lahat ng 'yon? She dialled his number. Nanatili sa harap niya ang cellphone kung nasaan ang live video. She will literally see Garett get killed once she makes a wrong move. His phone only rang once at agad nito iyon sinagot. Nakita niya pa ang mabilis na pagdampot ni Garett do'n. "Mallory? Why are you unresponsive? I missed you. Were you busy?" sunod-sunod nitong tanong. "Garett..." she uttered weakly. Evans waved his cellphone in front of her face to remind her what will happen if she doesn't go with what he wanted. "Yes, baby?" "I got back with Evans. I realized that I still love him. I realized that it is only him that I have ever loved. I only used you and now, we are back together. Please... I don't want to see you ever again because I hate you, Garett. Forget about me. Bye," she said then ended the call. Muli siyang lumuha. Sa bawat salita na binitawan niya ay dinudurog ang puso niya. Malinaw iyon na narinig lahat ni Garett. Mariin siyang napapikit at lalong bumuhos ang luha. Inagaw sa kaniya ni Evans ang cellphone niya saka iyon sinira. Then he called someone using his phone. "Retreat. Hindi na tuloy ang plano. You don't have to kill him anymore," saad nito sa kausap sa kabilang linya. Pinakita pa sa kaniya ni Evans ang live video kung saan umalis na ang sniper. Sunod ay ang video na kita si Garett. Tulala ito sa office nito at hawak ang cellphone. Naputol na rin ang video na 'yon dahil umalis na rin ang may hawak no'n. "Tutupad ka rin sa napag-usapan, 'di ba?" she asked. Tumango si Evans. "Of course, babe." Ngayon ay kailangan na lang niyang makatakas at makauwi. As soon as she escaped, ang una niyang gagawin ay tawagan si Garett para sabihin niya agad na walang katotohanan ang lahat ng sinabi niya. That she only told all of that because she wants to make sure that he won't get killed. Pero paano siya makakatakas? "Aalis tayo ng bansa para makasiguro na magiging maayos ang lahat. We will start over, Daneliya. We will be married and we will start our own family," masayang sinabi sa kaniya ni Evans at hinalikan siya sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD