Evans prepared for their departure. Nabanggit nito na magta-travel sila by air palabas ng bansa. Hindi niya alam paano nito iyon magagawa but she is not curious anymore. After all, Evans is rich and he could just simply pull off some strings and things will work just like what he wanted.
Hindi pa rin nito tinanggal ang pagkakaposas ng isa niyang kamay pero pinakain siya nito. Gamit ang isa niyang kamay ay pinilit niyang kumain. May dinadala na siya sa sinapupunan niya kaya hindi siya maaari magpadala sa stress niya sa sitwasyon. Wala mang gana ay pinilit niya lunukin ang pagkain na inihanda ni Evans para sa kaniya.
"Mamayang madaling araw ang flight natin that is why we will leave before midnight. Makakatulog ka pa," saad nito sa kaniya.
Hindi siya umimik at pinanood na lang niya ang pag-aayos nito. Evans is transferring some of her clothes to his bag. Limitado lang yata ang madadala nilang baggage kaya hindi pwede ang lahat ng 'yon. Her gaze went to her shoulder bag. Kinuha nito ang cellphone niya kanina at sinira. Nakita kaya nito ang ultrasound picture doon?
Tumayo si Evans at kinuha ang shoulder bag niya Daneliya. Nilabas niya ang lahat ng laman no'n. He was checking if there was any device left. Nang wala itong makita na kakaiba ay binalik nito ang lahat ng laman sa shoulder bag. Pigil ang hininga ni Daneliya sa bawat pagpulot ni Evans at paglagay noon sa bag. Nang mahawakan nito ang ultrasound picture ay nakabaliktad iyon. At mukhang hindi iyon napansin ni Evans. He just put everything in her bag.
"You can bring this," ani Evans saka nginitian siya na tila malaking pampalubag loob na may madadala pa siya sa iba niyang gamit maliban sa damit.
Takot siyang malaman ni Evans na nagdadalang tao siya. Hindi niya alam ang magiging reaksyon nito. He would definitely not react very well kapag malaman nitong nabuntis siya ni Garett. Baka sa sobrang galit nito ay kung ano pa ang magawa nito sa kaniya at sa baby sa sinapupunan niya. Kaya dapat ay maging maingat siya na hindi nito malaman at maging maingat din siya at hindi mapabayaan ang sarili dahil baka mapaano pa ang dinadala niya.
Kahit hindi niya gusto ay nakatulog siya. Mas madali siyang mapagod ngayon at nabanggit iyon ng doctor niya na dala 'yon ng pagdadalang tao niya. Kapag gano'n, kailangan niya lang talaga magpahinga at pagbigyan ang katawan niya.
Nagising siya nang hatinggabi dahil sa paggising sa kaniya ni Evans. Tinanggal nito ang pagkakaposas niya sa kama saka siya sinuotan ng jacket.
"It is cold outside. Just use that." Sinuotan din siya nito ng bonnet. Hindi na siya nagprotesta. Ayaw niya rin na malamigan. Hindi na lang sarili niya ang dapat niyang isipin.
May dalang malaking bag si Evans ay may backpack pa ito sa likod. Sa isang kamay ay hinawakan siya nito. Madilim sa labas ng bahay at tanging headlights lang ng kotse ang liwanag do'n. She looked around and she realized that it seems like they were out of nowhere.
Nilagay ni Evans sa trunk ang mga bag bago sumakay sa loob.
"Sandali lang ang biyahe natin, babe. Makakatulog ka pa ulit," saad nito sa kaniya.
Hindi siya kumibo. Pag upo niya sa kotse ay sinuotan siya nito ng seatbelt bago ito nagmaneho. Mula nang magsimula ang biyahe nila ay gusto niya na agad tumakas. Pero ang hirap no'n gawin lalo na nasa liblib sila na lugar na walang katao tao. Hindi niya alam paano nalaman ni Evans ang ganitong lugar. Gano'n talaga siguro kapag masamang tao at may masamang balak. Sabagay, nabanggit nito na pinagplanuhan talaga nito ang lahat ng nangyayari ngayon. Mabuti na lang at hindi natuloy ang isa sa mga plano nito. That's all that matters for now. Garett is still alive. Makatakas lang siya at makahingi ng tulong sa kasintahan, everything will be fine.
Ang iniisip niya ngayon ay ang nararamdaman ni Garett. He must be really hurt after she said all those words. Kung hindi lang nakasalalay ang ang buhay ni Garett, hindi niya 'yon sasabihin. Even if she got hold of a gunpoint, hindi niya pa rin iyon gagawin kung sariling buhay niya lang ang nakataya. Pero ngayon, hindi rin pwede dahil buntis siya. Ang dami niya ng dapat isaalang-alang.
The drive seemed so long because of the unfamiliar place. Tila ang haba haba at walang katapusan ang tinatahak nilang daan. Imbes tuloy maging alerto siya para kung sakaling makahanap siya ng chance tumakas ay magagawa niya, nakatulog siya dahil sa madilim at tahimik na daan.
When she woke up, the car just stopped. Nagmulat siya at nakita niya ang malawak na runway ng eroplano. Napaupo siya ng tuwid at pinagmasdan ang paligid. It seems like they are at an abandoned airport. Nilingon niya ang tabi niya at wala roon si Evans. Tinanggal niya ang seatbelt at nagmasid pa sa paligid. She could see a possible exit of that wide runway.
Natanaw niya ang eroplano sa malayo. May mga iilang tao malapit do'n. Mukhang illegal na flight talaga 'yon. Hindi niya akalain na may gano'n pala, ngayon niya lang nalaman. Pero hindi maaaring mapasama siya roon. Lalo siyang mahihirapan ng makatakas kapag nasa labas na sila ng bansa. It would be harder to find a way to communicate.
Akmang lilipat siya sa driver's seat nang biglang bumukas ang pinto sa tabi niya at may tumutok na baril sa ulo niya. Nanigas ang katawan niya lalo na nang maramdaman ang malamig na bakal sa dulo no'n. Her body weakened when she realized what is haptpening.
"Get off." Boses iyon ni Priscilla Alejandro na mariin siyang inuutusan.
She swallowed hard. Hinila siya nito sa balikat at pinalabas sa kotse nang halos patulak. Pagtayo niya ay lumipat ito sa tapat niya saka siya tinutukan ng baril.
"Finally found the bîtch that ruined my life," Priscilla said.
Hindi umimik si Daneliya. She should not speak any words that might just trigger Priscilla. She can't die there, definitely not now. Hindi pwede. Gusto pa niyang umuwi kay Garett at makasama ito ulit. Bubuo pa sila ng pamilya nila.
"Nasaan ang tapang mo ngayon?" tanong nito sa mapang insulto na tono.
Muli siyang napalunok. "You don't have to shoot me," Daneliya said with a shaky voice.
Lalong nanginig ang katawan niya dahil sa pinagsamang lamig at takot na nararamdaman niya.
Idiniin nito ang baril sa noo niya. "Why wouldn't I?"
"I am already leaving the country, with Evans. Nagkasundo na kami. I will leave Garett alone. You can have him," she said.
But in her mind, binabawi niya ang bawat salita na binibitawan niya. Because no. Hindi niya kayang ipamigay si Garett. He is hers. Para sila sa isa't isa. And they genuinely love each other.
Tumaas ang sulok ng labi ni Priscilla. "I am not stupid like my son who easily believed you. I know you are a cunning bîtch, Daneliya. You are just saying that to get away. But I know you will try to escape. Kaya bago mo pa magawa 'yon, papatayin na kita," gigil nitong saad.
And Priscilla is right. Tama ang lahat ng sinabi nito but she would never confirm that. Talagang hindi ito mauuto basta, hindi tulad ni Evans na kaya pang paikutin ni Daneliya kahit papaano. Maybe because he still has feelings for her.
"Pinagod niyo pa ako. Akala ko sa Cebu na kita mapapatay. Inunahan pala ako ng pasaway kong anak. But anyway, I am here now. What is your last word, Daneliya Mallory? What is the last word of the gold digger bîtch who tried to snatch my man from him?"
Ang dami niyang gustong sabihin dito. She wants to throw insulting words at the evil woman but she must not. Itinanim niya sa isip niya na kailangan niyang makatakas ngayong gabi. Her temper and patience should be at best.
"Tell me!" ani Priscilla.
Mas idiniin nito ang baril sa noo niya. Daneliya flinched. Napapikit siya. Akala niya au katapusan niya na ngunit wala siyang narinig na putok at wala rin siyang naramdaman sa ulo niya. Pagmulat niya ay nakita niya si Evans na nasa likod ni Priscilla, tinututukan ng baril ang sariling ina.
"Mom, please don't kill my woman. Put that gun down."
Priscilla's eyes are filled with rage when she realizes that her own son is pointing a gun at her. Mabilis nitong hinarap ang anak at tinutukan din ito ng baril.
"Nagawa mo akong tutukan ng baril, Evans Anthony dahil sa babae na 'yan?" Hindi makapaniwalang sigaw nito. "Ano ba ang meron siya bakit baliw na baliw kayo sa kaniya!?" she shouted.
Evans swallowed hard. Halata sa mukha nito na nahihirapan din ito sa ginagawa but he was left with no choice.
Even Daneliya was stunned. Nang sabihin nito kanina na ang baril na 'yon ay para protektahan siya, wala sa isip niya 'yon. Hindi niya 'yon pinansin. But she can't believe it, that he would literally point it to his mother just to protect her.
"The plane is leaving, Mom. Hayaan mo kaming makaalis ni Daneliya. You don't have to kill her because she is going with me. Garett is all yours, we are leaving the country. Hayaan mo na kami. Please!" Halos nagmamakaawa na saad ni Evans sa sarili niyang ina.
"No! I have to kill her to make sure that she won't pester us anymore. Marami ka pang makikilalang iba, anak. Just don't be with that woman. She is nothing but a useless bîtch. Don't settle for her. Niloloko ka lang niya but she still loves Garett. Hindi totoo ang mga sinabi niya sayo!" Gigil na sinabi ni Prisicilla.
Evans stomped his foot on the ground. "I don't care if she loves him, Mom. Ang mahalaga, sasama siya sa akin. She promised me! She even broke his heart because I said so. Sumusunod siya sa akin, Mom so let me be just happy with her."
Habang nagbabatuhan ng salita ang dalawa ay kinuha na 'yon ni Daneliya na oportunidad para makatakas. She was already desperate. Hindi napansin ng mag-ina na nagtutukan ng baril na sumakay na siya sa kotse.
As soon as the engine of the car started, pinaharurot niya 'yon na siyang nagpabigla sa dalawa.
"Babe!" Evans shouted in horror.
Nakarinig siya ng mga putok ng baril na alam niyang patungo sa direksyon niya.
"Mom, don't shoot!"
Daneliya eagerly drove the car. Hindi talaga siya marunong mag-drive. She never tried to drive it. Pero napapanood niya kay Garett kung paano magmaneho. Inalala niya lang 'yon at kahit hindi smooth ay nagawa niyang patakbuhin ang kotse.
Nakalabas siya sa runway. Pagtingin niya sa salamin sa harap niya ay may sumusunod na kotse sa kaniya. And she could see Priscilla's mad face. She swallowed hard. Alam niyang papatayin na siya nito the moment na maabutan siya ng babae.
Tears fell from her eyes when she realized that her chance of survival is not assured. Idagdag pa na hindi naman talaga siya marunong magdrive.
Priscilla's car is catching up. Daneliya gasped for air in fear then stepped on the pedal to accelerate it. Maya-maya ay nakarinig siya ng isang putok na baril. Then she heard a loud screeching sound from the car she was driving. She suddenly lost control of the car at lumiko-liko iyon hanggang sa malakas iyon na tumama sa puno.