"Talagang napakaganda talaga ng lahi mo Dahlia, ano?" ani ng kapitbahay niyang si Aira habang pinapanood nila ang mga bata habang naglalaro.
She smiled. "Baka naman mag tunog mayabang ako kung sabihin kong tama ka," she said then chuckled.
Sumingit pa si Celine. "Okay lang magyabang, totoo naman. Ang ganda ng pinagsamang lahi niyo ni Anthony," komento nito.
Pinanood niya ang anak niya na tuwang-tuwa sa pakikipaglaro sa mga kapwa basta. Lahat ng 'yon ay mga kapitbahay lang din nila.
Kumunot ang noo ni Joy. "Ewan ko kung ako lang, ha? Pero hindi ko makita ang mukha ng asawa mo sa mukha ng anak niyo, Dahlia. Mukhang malakas talaga ang dugo mo at ng side mo. Kay ganda ganda pa ng mata. Talaga naman!" saad nito.
Si Celine naman ang sumagot dito. "Bakit, hindi naman lahat ng magulang kamukha ang anak nila, 'di ba? Meron ngang parang hindi pa nila anak talaga 'yung bata. Buti kahit papaano, tisoy rin naman si Anthony tapos itong si Dahlia, talagang mukhang mestiza. Kaya ganiyan ang hitsura ng anak. Akala mo walang lahing pinoy sa eh."
Napailing na lang si Dahlia at tumayo. "Antonella," pagtawag niya sa anak niya.
Agad napalingon ang anak niya sa kaniya. Inilahad ni Dahlia ang braso at agad naman itong lumapit sa kaniya at yumakap saka siya tiningala at nginitian. She giggled upon seeing the cuteness of her daughter.
Mukha itong manika. Pawis na pawis ang mukha dahil sa kakalaro habang ang pisngi ay pulang-pula. Itinali niya ang mahaba nitong buhok na itim na itim. Her daughter's skin is fair as snow. May nawawala pang ngipin sa harap nito kaya kapag ngumiti ay matatawa ka sa sobrang cute.
Pinunasan niya ang pawis nito sa mukha, sa leeg, mga braso, pati sa likod.
"Maya maya, time out na, ha?" marahan niyang sinabi dito.
Lumabi ang bata. "But Mama, I want to play pa eh," nabubulos na saad nito saka nagmamakaawa siyang tinignan gamit ang dark brown nitong mga mata.
She shook her head. "Nella, may agreement tayo ni Mama, 'di ba? Limited ang time ng paglalaro sa hapon," mahinahon niyang saad dito.
Antonella puckered her lower lip. "Okay, Mama!"
Patakbo na bumalik na ito sa pakikipaglaro.
"Careful, anak!" aniya sa anak.
"Maaga pa naman, Dahlia. One hour lang talaga ang play time ni Nella dito sa labas?" tanong ni Aira.
She nodded and glanced at her neighbors. "Ayaw ni Anthony na nagtatagal kami sa labas. Alam niyo naman ang panahon ngayon."
Napasimangot si Celine. "Dito lang naman sa labas. Ayan lang ang bahay niyo!" Tinuro nito ang bahay nila na nahaharangan ng mataas na gate.
"Kaya lalo kayong pumuputi dahil lagi lang nasa loob, babad pa sa aircon!"
Dahlia just chuckled. Hindi na siya nagrereklamo doon. Sapat na sa kaniya ang isang oras na pananatili nila sa labas. Hindi naman siya mahilig lumabas. Ginagawa niya lang talaga 'yon para bantayan si Antonella. Naniniwala kasi siya na mahalaga na makipaglaro din ito sa mga kapwa bata para talagang ma-develop ito at ang social skill nito. And seeing her daughter, she is growing really well.
Nang time out na dahil tapos na ang oras nila sa labas ay nagpaalam na sa mga kalaro niya si Nella. Nagpaalam na rin si Dahlia sa mga kapitbahay niya na nakakausap niya madalas sa tuwing binabantayan niya ang anak niya sa pakikipaglaro sa labas.
"Take a rest, baby. Ihahanda ko ang meryenda natin," aniya sa anak.
Gumawa lang siya ng mabilisan na grilled cheese para sa kanilang mag ina. Nagtimpla rin siya ng juice para inumin nila. Sa may porch area ng bahay nila sila tumambay para magmeryenda.
"Ayaw ako nina Zijan, Mama. I don't know why!" yamot na saad ng anak niya.
Hinaplos niya ang matabang pisngi ng anak. "It is okay, baby. Not everyone will like you. Kapag ayaw nila sayo, don't push it, okay? Huwag mo na sila kulitin and just play with your friends who really like you," pangaral niya rito.
Tumango agad ang anak niya. "I know, Mama. There are lots of people who like me and I will stay with them instead," saad nito sa nabubulol na paraan.
Dahlia proudly nodded. "Very good. Focus on good things, anak. And remember, I love you very very much. Whatever happens, I like you and I love you!"
Bumungisngis ang anak niya kaya nadisplay na naman ang ngipin nitong may kulang. Dahlia chuckled.
"I like you and I love you too, Mama!"
Nang pagabi na ay naghanda na siya ng dinner. Nagluto siya ng ulam nila at nagsaing na rin ng kanin. Hinayaan niya muna maglaro mag-isa si Antonella.
Matapos niyang magluto ay dinala niya ito sa shower room at nilinisan niya ang katawan nito para talagang presko bago matulog. Warm water ang ginamit niya at mabilisan lang. Talagang sinisigurado niya na malinisan ito, half bath lang, kapag ganitong naglaro ito sa labas para naman komportable at masarap ang tulog nito sa gabi.
After noon ay sinuotan niya na ito ng terno na pajama. Tama tama ay narinig niyang bumagsak ang pinto sa front door. Nagliwanag ang mukha ni Nella nang marinig iyon. Malamang ay si Anthony na iyon, nakauwi na galing sa trabaho.
"Daddy!" masayang sinabi nito.
Napangiti si Dahlia. "Wait lang anak, tapusin lang matin ang paglagay ng powder," aniya saka mabilisan na pinulbuhan ang anak.
Matapos niya lagyan ito ng baby powder ay tumakbo ito palabas ng kwarto.
"Careful!" Paalala niya rito dahil baka madapa ito sa sobrang excitement.
Sumunod na rin siya sa sala. Naabutan niya na karga na ito ni Anthony at hinahalik halikan ang mataba nitong pisngi pati ang kili kili ni Nella.
Tuwang tuwa at panay hagikhik ang anak nila.
"Daddy! Kiliti ako diyan!" nakabungisngis na saway ng anak nila sa asawa niya.
Napatingin sa kaniya si Anthony at nginitian siya. Lumapit si Dahlia at humalik sa pisngi ng asawa. Akmang hahawak ito sa bewang niya ngunit wala sa sarili na lumayo siya rito.
"Maghahanda na ako for dinner," ani Dahlia rito.
Hindi nakakibo si Anthony sa ikinilos niya at pinagmasdan na lang siyang maglakad patungo sa kusina. Maya-maya ay bumalik na ito sa pakikipaglaro sa anak nila.
Inabala ni Dahlia ang sarili sa paghahanda ng mga plato, kutsara at baso. Inilapag niya sa gitna ng mesa ang serving plate ng kanin at ulam. May sariling upuan si Antonella at may sarili din itong mga gamit pero dahil nakapaglinis na ito ng katawan at nakapalit na ng damit pantulog, siya na ang magpapakain dito.
Natututo pa lang ito kumain mag-isa at hinahayaan niya iyon tuwing breakfast, lunch at meryenda. Basta nililiitan niya ang mga pagkain at ginagabayan ito, hahayaan niyang magkalat ito sa sariling mesa. Doon ito matututo humawak nang maayos sa mga gamit niya katulad ng kutsara at tinidor.
Maya-maya ay naroon na rin si Anthony at Antonella. Binuhat niya ang anak at pinaupo ito sa sariling upuan niya. Binigyan niya ito ng inumin na tubig.
Napatingin siya kay Anthony na pinagmamasdan siya habang nakangiti.
"What?" takhang tanong niya.
He chuckled and went closer to her. Hinawakan siya nito sa bewang saka siya hinagkan sa pisngi.
"I just can't believe that my dreams came true. I thought I would never experience this. Me, coming home to you, my wife and we have a child..." masayang masaya ang paraan ng pagsasalita nito.
She just smiled at him. "Sige na, umupo ka na. Kain na tayo," aniya.
She can't relate to that. Dahil wala siyang pangarap. Or to be precise, hindi niya maalala ang mga pangarap niya noon. Basta nagising na lang siya na may asawa na siya at ilang buwan ng buntis.
Nang tuluyan ng maka-recover ay inalis na siya sa hospital pero bumalik din dahil kinailangan siyang i-caesarian para maipanganak si Antonella. Nahihirapan siya mag normal delivery noon dahil na rin siguro matagal siyang naratay sa hospital. And then after she gave birth, she became a housewife. At ganito na ang maging buhay niya simula no'n.
"Let's pray!" ani Antonella at ito na ang nag lead ng prayer.
Dahlia closed her eyes and clasped her hand.
Wala talaga siyang pangarap. Siguro dahil na rin wala nga siyang maalala, wala siya masyadong experiences sa buhay, at talagang paulit-ulit lang ang nangyayari sa buhay niya. She is not that exposed to the outside world. Minsan lang siya makalabas, kapag pupunta sa palengke para bumili ng stocks, kasama pa niya si Anthony.
She had no time for herself. Siguro maco consider niya na ring oras para sa sarili kapag sila lang ni Antonella sa bahay at tulog ito. Pero wala naman siyang magawa. Wala siyang maisip. Ni hindi niya alam kung ano ba talaga ang mga gusto niya. She doesn't even feel like her name is her name. Hindi niya kilala ang sarili.
That is why her life feels like it is all in beige color. There is life but it is not that exciting and appealing.
The only color in her life is Antonella. Ito lang ang nagpapasaya sa kaniya, wala ng iba.
"How's your day, babe?" panimula ni Anthony habang kumakain sila.
Dahlia smiled. "It's fine. Like the usual. I spent it with Antonella so, happy..." Marahan niyang saad.
"Me, Daddy! I am so happy. I got to play outside kanina."
Natigilan si Anthony at mula sa bata ay nag-angat ito ng tingin kay Dahlia. Magkatapat kasi sila ng upuan at nasa bandang gitna nila ang anak nila.
"You went outside?" he asked.
Dahlia nodded as she chewed. When she noticed that he was waiting for an explanation, she swallowed her food.
"Antonella has been staying in the house for the past few days. Gusto ko lang na makalabas siya at makasalamuha ng mga bata." Nginitian niya ang asawa. "It is healthy for her. She needs to engage in conversation and to socialize."
Hindi na makangiti si Anthony. "She can do all of that here in our home. You are here to converse with her. To socialize with her. We are everything she needs."
Dahlia stared at him. "But it is better kung meron siyang mga nakakausap at nakakalaro na ka-edad niya. It will help her to be well-developed."