Kumunot ang noo ni Anthony. "Is that really it? Or are you using that as a reason so you can get out of our house? I have already told you, stop listening to our neighbors. Kung anu ano ang ituturo ng mga 'yan sayo hanggang sa magkamali ka na lang at makagawa ng kalokohan," mariin nitong sinabi.
Umiling siya. "No, nabasa ko 'yon sa libro. I don't take that much of advice from other people," she said to defend herself.
Halatang nawala sa mood si Anthony pero hindi natinag doon si Dahlia. Isang oras na nga lang 'yon dahil pinagtalunan na rin nila iyon dati. Sinusunod niya na lang para bawas gulo na. Sa tingin naman niya ay sapat na ang isang oras sa labas minsan para sa kanila ni Antonella. And now, it seems like Anthony still has a problem with that. Talagang ayaw nitong lumalabas sila. As if he wants to keep her from the outside world.
"You are being hardheaded, Dahlia," makahulugan na sinabi nito sa kaniya.
Kunot ang noo na pinagmasdan sila ni Antonella. "Are you fighting, Mama? Daddy?" nag-aalalang tanong ng bata.
Umiling si Dahlia ngunit si Anthony ay nilingon ang bata.
"Daddy just doesn't like it when you go outside. Nag-aalala ako sa inyo ni Mama..." marahan nitong saad.
Nakita niyang nalungkot ang anak nila. Dahlia's gripped on the spoon and fork tightened. She knows what he is doing. Anthony is telling that to their daughter so he can manipulate her not to go outside anymore.
Gusto niyang sawayin ito pero alam niyang hindi magpapatalo si Anthony at gagamitin pa nito ang anak nila. Hindi na siya umimik ngunit talagang nawala siya sa mood at mas lalong lumala ang paglayo niya sa lalake.
Habang nag-aayos siya sa kusina ay si Anthony ang nagpatulog kay Antonella sa sarili nitong kwarto. May sarili na itong kwarto. May kama roon na malaki na tila nagiging crib para siguraduhin na hindi ito mahulog lag tulog dahil napakalikot ng anak niya matulog.
Pagkatapos mag asikaso sa kusina ay nag asikaso naman siya ng sarili. She took a quick cold shower. May dala na siyang damit sa loob para paglabas niya ng shower area ay nakabihis na siya.
Saktong paglabas niya ay naroon na si Anthony at naghahanda na para maligo. Hindi niya na ito pinansin at duniretso sa kama. She covered herself with the comforter and closed her eyes. Nang pumasok na si Anthony sa loob para maligo ay nagmulat siya.
She might be unfair to Anthony but she really doesn't feel anything for him. Sa kwento nito ay mahal nila ang isa't isa. They started as highschool sweetheart at hanggang makapagtapos sila pareho. And then now, they have a three year old daughter.
Siguro nga kasabay ng pagkawala ng alaala niya ay nadamay doon ang nararamdaman niya para sa lalake. Pilitin man niya ang sarili dito, but she feels nothing, only indifference towards him. Malayo talaga ang loob niya rito at lalong lumalayo sa sobrang higpit at controlling nito.
Pero sa pagiging tatay naman nito sa anak nilang si Antonella, she can definitely say that he is really a good father. He loves their daughter so much. Binibigay nito ang lahat ng gusto ng anak. He makes sure she has the best things in the world. Ang hindi lang nito talaga mapagbigyan na gustong gusto ng anak nila ay ang pakikipaglaro nito sa labas.
Gustong intindihin iyon ni Dahlia. Kaya nga nakipag compromise siya rito. Pumayag siya na 1 hour lang ang maximum na itatagal nila sa labas at literal na sa tapat lang ng gate nila. But tonight, he made like it was an issue.
Parang katagalan ay sasabihin na nito na huwag na silang lumabas.
When she heard the bathroom door opened, she immediately closed her eyes. Pinakiramdaman niya lang ang mga galaw nito sa kwarto. Kapagkuwan ay lumalim na ang kama sa tabi niya, ibig sabihin ay nakahiga na 'to.
"Babe..." he whispered then hugged her from behind. "I know you are upset with me. But I don't mean any harm about that. Nag aalala lang talaga ako," marahan nitong saad sa kaniya.
Hindi siya kumibo at pinanindigan ang pagkukunwari na tulog siya. But then, he kissed her nape. Humalik-halik ito sa leeg niya at ang kamay ay humaplos sa bewang niya
Agad na tumihaya si Dahlia para matigilan ito sa ginagawa.
"I want to sleep. Please don't disturb me, Anthony," aniya.
Hindi agad ito nagsalita. Katahimikan ang pumainlang kapagkuwan ay malalim itong bumuntong-hininga. "Hanggang kailan mo ba ako tatanggihan? Dahlia, mag asawa tayo. For 3 years that we are together in this house, you never let us consummate our marriage. Never ka pumayag na mag-s*x tayo. It is already getting into my nerves!" tila pikon na pikon na saad nito.
Hindi siya kumibo. Sometimes, she feels guilty. She never let him touch her even though they are married. Halos gabi-gabi yata ito sumubok simula nang magtabi sila pero palagi niya itong tinatanggihan. No'ng unang taon nila rito ay madali pa dahil palagi niyang tinatabihan si Antonella. It was also easier back then dahil nagrerecover pa siya mula sa head injury niya dahil sa aksidente tapos kakagaling niya lang din sa opera nang ma-CS siya para ipanganak si Antonella.
On the middle of their second year together, doon sila nagsimulang magtabi. Doon din siya nagsimulang magdahilan ng kung anu ano. Ngayon na nasa ikatlong taon na sila, nauubusan na siya ng dahilan pero kailanman ay wala sa isip niya ang bumigay.
Kung tutuusin, pwede niya na lang hayaan ito at payagan na magsiping sila. But when she accepts that idea, her body is not letting her. Talagang hindi niya magustuhan ang hawak nito sa kaniya. Ni tiisin ay hindi niya kaya. Kaya wala talagang nangyari sa kanilang mag-asawa. Palaging halik lang. Kahit halik pa nga ay napipilitan siya.
"It is my right, babe. It should be part of our marriage!" he frustratedly said..
Nagmulat siya. "I'm sorry, Anthony. I don't feel like doing it..." she honestly said.
Narinig niya ang pagmumura nito at napaupo na sa sobrang pikon.
"What do you want me to do? Fvck other woman?" iritadong tanong nito.
She thought of that. And honestly, it didn't hurt her. Kung iyon ang magpapasaya kay Anthony, she will let him.
Nilingon niya ito.
"Kung hindi mo na kaya, go. I won't stop you. I understand that you really need it. You are free to sleep around, Anthony," saad niya.
He looked at her in disbelief. "Are you seriously agreeing to that? I was just mad, babe! But I won't do that! Hinding hindi ko gagawin 'yon sayo."
Napaupo si Dahlia. "No, seriously, Anthony. It is okay. Hindi ko 'yon nabibigay sayo kaya hindi kita pipigilan na hanapin 'yon sa iba. " She smiled at him. "You have my permission."
Kinuha niya ang dalawang unan niya saka tumayo.
Anthony scoffed and he looked so hurt. Halata sa mukha nito na labis itong nasasaktan sa sinabi niya.
"You are really letting me feel that you don't want me."
Hindi na niya 'yon sinagot. "Sasamahan ko muna si Antonella. Do'n na ako matutulog. I don't want to disturb you," aniya at tinalikuran ito.
Lumabas siya ng kwarto nila at tumungo sa kwarto ng anak nila. Ibinaba niya ang bakod sa kabilang side ng kama nito at doon dumaan para makahiga sa tabi ng anak niya. Agad na napuno ng saya ang puso niya habang pinagmamasdan si Antonella.
"I love you, baby," she whispered and caressed her cheek. Tulog na tulog ito.
Kumunot ang noo nito at kahit malalim ang tulog ay tila naramdaman ng bata ang presensya niya. Awtomatiko itong yumakap sa kaniya at sumiksik sa dibdib niya.
"Mama..." she whispered.
Napangiti lalo si Dahlia at hinalikan muli ang noo ng anak.
"Papa..." sunod nitong binulong.
Natigilan siya. Daddy ang tawag nito kay Anthony kaya nabigla siya na tumawag ito ng Papa ngayon. She sighed and caressed her baby's hair. Sabagay, malamang ay naririnig nito iyon sa mga kalaro dahil karamihan sa mga kapitbahay nila ay Papa ang tawag sa ama nila.
Hindi nga niya namalayan na hindi pares ang tawag ni Antonella sa kanilang mga magulang niya. Sa kaniya ay Mama, at kay Anthony ay Daddy. Hindi naging Mommy at Daddy o 'di kaya Mama o Papa. Siguro gusto ni Anthony na matawag siyang Daddy. Pero si Dahlia kasi, mas sinasabi ng motherly instinct niya ang tawagin na Mama ng anak nila.
Maaga siyang nagising kinabukasan para maghanda ng breakfast nila lalo na maaga rin ang trabaho ni Anthony.
Nagluto siya ng fried rice, tortang talong na may giniling, at hotdog. Pinagtimpla na rin niya ng kape si Anthony dahil alam niyang bababa na 'yon maya-maya.
Hindi man niya maibigay ang gusto nito sa kama pero hindi naman siya nagkulang sa pag-aasikaso rito. Talagang alagang-alaga ito. Laging maayos ang pagkain, ang mga damit ay sinisigurado niyang presentable, at iba pa na pangangailangan nito. Sadyang ang s****l needs nito ang hindi niya mapagbigyan.
Narinig niya ang pagbaba nito sa hagdan. Siguradong dinaanan na nito si Antonella sa kwarto bago bumaba. Pagtingin niya ay dumiretso ito sa sala. Sinundan niya si Anthony roon at naabutan na nagsasapatos na ito.
"Breakfast is ready..." aniya.
Hindi ito kumibo. Naintindihan na agad 'yon ni Dahlia. Hindi ito kakain do'n dahil sa nangyari kagabi. Malamang ay galit ito sa kaniya ngayon.
She smiled. "Good luck to your work. Mag-iingat ka," aniya na lagi niyang sinasabi bago ito umalis.
Tumayo na ito at dinaanan siya ng tingin. He fixed the collar of his polo.
"Kayang kaya mo ako ipamigay ng gano'n na lang. Ano bang klase kang asawa?" malamig nitong tanong sa kaniya bago ito tuluyang umalis.
Naiwan siya roon na nakatayo kapagkuwan ay bumuntong hininga. Hindi nga talaga siya normal na asawa. Pero kahit ano ang pilit niya, wala talaga.
Dahlia feels like she is just an empty vessel waiting to be filled. Pero hindi 'yon nangyayari dahil wala na nga siyang mga alaala at pagkakakilanlan sa sarili, wala pa siyang magandang bagong mga alaala. Tanging si Antonella lang ang bumubuhay sa kaniya.
Kaya ano ba ang maibibigay niya kay Anthony kung wala nga siya mismong laman?
Ngunit kay Antonella, mabilis siyang makaramdam para dito. She can easily be happy because of her. She can pour her with her love and care. Siguro dahil na rin sa kaniya nanggaling si Antonella kaya talagang malalim ang koneksyon nila. At habang natututo siya sa mundo ay kasabay niya ang anak niya dahil halos pareho silang bagong silang kung isip lang ang pag-uusapan. Parehong gumagawa pa lang ng mga alaala, ideya, opinyon, at mga gusto.
Unlike Anthony who was completely wiped out from her memory.