Chapter 40

1536 Words
Dumiretso siya sa kwarto ni Antonella at naabutan niya itong papungas-pungas na. Bago tuluyang bumangon ay nagharutan muna silang mag ina sa higaan nito. Ganoon palagi ang routine nila. Pagbaba namam nila ay kumain na sila ng breakfast. Binigyan nito ito ng portion ng mga pagkain na magiging sapat para dito at hiniwa hiwa na 'yon para hindi ito mahirapan. "Kapag you want more, just tell me, ha?" aniya. "Yes, Mama!" Binigyan niya rin ito ng gatas bilang inumin nito. Pinanood niya itong kumain habang kumakain din siya. She enjoyed watching her daughter make progress. Sinisigurado niya na alam ng anak niya na proud siya lagi dito. Hindi man niya na 'yon maalala sa paglaki, at least, sigurado siyang magiging masaya ang childhood nito. Napaisip siya. Siya kaya, masaya ba ang childhood? May supportive at mapagmahal din kaya siyang parents? Sabi ni Anthony nang magtanong siya rito, wala na siyang mga magulang. Only child lang din daw si Dahlia sabi nito. Kaya napapaisip siya, naging masaya ba siya no'ng bata siya? Habang lumalaki kaya? Hindi siya sigurado doon. At dahil gano'n nga, sisiguraduhin na lang niya na maayos at masaya ang magiging pagkabata ng anak niyang si Antonella. She knows how important memory is even ironically, she doesn't have any memory. Alam niyang iyon ang magbi- build up sa pagkatao niya. Kaya nga ngayon ay parang wala siyang pagkatao. She is just empty. "Mama, 'di na ako makakaplay sa labas," sabi sa kaniya ni Antonella. Kumunot ang noo niya. "No. You still can. Minsan lang naman at mabilis lang ang time out kaya pwede pa rin 'yon, baby." Lumabi ang bata. "But Daddy will get sad if I go out. Ayokong ma- sad si Daddy, Mama. Kaya kahit I want to play with friends, huwag na lang." Dahlia sighed and cupped her daughter's cute face. Bata pa lang ito ay namamanipula na agad ng tatay, masunod lang ang gusto. "Don't worry, Antonella. Mag uusap kami ni Daddy about do'n and I will make sure na you can still go outside and play even just a few times a week. Got it?" Nagliwanag ang mukha ng anak niya dahil sa excitement. Napangiti siya. Nag thumbs up ang anak niya saka humagikhik. She loves watching her daughter socialize with her friends. Nakikita niya talaga ang personality nito. She is very lively, bubbly, and smart. Talagang nadedevelop ito nang maayos at iyon ang gusto niya. Ayaw niyang matulad sa kaniya ang anak niya na parang walang buhay. Habang naglilinis siya ay naglalaro ang anak niya ng mga interactive at mind games. Mahilig ito room, hindi niya na kailangan pilitin. Mukhang lalaki talagang matalino ang anak niya. Magaling na ito bumuo ng mga pambatang puzzle, magaling na magbilang at kabisado na ang alphabet. After lunch naman ay natutulog si Antonella. Doon sila sa kwarto ng anak niya habang siya ay nagbabasa naman ng libro. Dahil wala naman siyang mga napupuntahan at wala siyang alaala, sa pagbabasa na lang ng libro nalilibang si Dahlia. Karamihan ay non fiction pero no'ng nakaraan ay nakabili siya ng mga fictional at talagang nahilig na siya room. Pakiramdam kasi niya ay nakakapunta siya sa mga lugar na nakasulat do'n. She also feels the emotions and feelings of the character. For a short time while reading, she feels a lot of things. Ngayon ay magsisimula siyang magbasa ng panibagong libro. Katutulog lang ni Antonella. Hinalikan niya ito sa noo bago niya binuklat ang libro at nagsimula sa pagbabasa. Na-amaze pa siya sa intro noon. Maya maya ay nahinto siya nang mabasa ang pangalan ng main character na lalake roon. Tinuro pa niya iyon ng daliri niya at matagal iyon na tinitigan. It's Garett. Napangiti siya. "It is a good name for a man," aniya. "Garett..." She read it out loud. It was the first time she encountered that name and she doesn't know why she was drawn to it. "Garett..." pag uulit niya. It feels so right for her to utter that name. Ngayon lang siya nagkagano'n sa isang pangalan na parang nagustuhan niya ito. Sarili nga niyang pangalan ay hindi niya gusto. Hindi naman niya ayaw ang Dahlia pero hindi niya rin ito gano'n na gusto. Pero ang pangalan na Garett... Something is causing her to enjoy uttering that name. Sa sobrang tuwa niya sa pangalan na 'yon ay halos hindi niya na tigilan ang pagbabasa ng kwentong iyon. Kahit nagmemeryenda sila ng anak niya ay nagbabasa siya. Hindi niya na nga halos napansin ang oras. Medyo late siyang nakapagsimulang mag asikaso ng gabihan nila. "Shît!" she cussed lowly when she realized that it is quarter to 7. Dali dali siyang nagsaing ng kanin sa rice cooker at habang naluluto 'yon ay nagluto na siya ng ulam. Para mabilisan na luto na lang dahil maya maya ay darating na si Anthony, pork adobo na lang ang nilito niya. Eksaktong naluto 'yon ang dumating na ang lalake. Katulad ng palagi ay sinalubong ito ni Antonella ng yakap at halik. Naghanda na siya ng mga gagamitin nila na plato at kubyertos. Nagkatinginan lang sila ni Anthony. For the sake of Antonella, she greeted him first. Ayaw niyang maisip nito nang tuluyan na dahil sa gusto niya maglaro sa labas kaya hindi okay ang parents niya. "Dinner na," nakangiti niyang sinabi. Pinagmasdan lang siya ni Anthony ngunit hindi ito kumibo. Tahimik silang kumain habang si Antonella naman ay maraming tanong at dinadaldal. Hindi naman nagsasawa si Anthony na sagutin ang mga 'yon. "Mama has been reading a book all day!" ani Antonella. Sumulyap sa kaniya si Anthony. "Really? What is it about?" magaan ang boses na tanong nito sa kaniya. Dahlia shook her head. "It is just a fictional story. I just started this afternoon pero parang matatapos ko na agad. I will finish it tonight." Anthony nodded and smiled a bit. "That's good. It means you can really enjoy things while staying indoors," saad nito. Napawi ang ngiti ni Dahlia at napatingin sa anak nila. Mabuti na lang ay focus ito sa pagnguya ng kinakain. After dinner ay pumunta ang anak nila sa sala para iligpit ang mga nakakalat niyang toys. Saktong naroon si Anthony. "You are really insisting na we stay indoors at huwag ng lumabas, 'no?" Dahlia started. Anthony clenched his jaw. "It is for your own good at para na rin kay Antonella. Wala siyang mapapalang maganda sa labas. Kapag magpatuloy kayo sa pagtambay sa labas, sooner or later, magsisimula na siyang magmura at magsalita ng masasama dahil sa mga nakasasalamuha niya." Hinarap niya ang lalake. "That is why I am here. I am going to correct her. At binabantayan ko naman siya nang mabuti, Anthony. Hindi ko siya pinapabayaan. Isang oras lang naman at hindi pa araw-araw." Kumunot ang noo ni Anthony. "Bakit mo ba gustong-gusto na lumalabas ang anak mo?" "Because I want her to have life. I want her to see and discover new things. I want her to be full of life," aniya. "What? Bakit? Wala ba no'n dito sa loob?" iritadong tanong nito. "Walang matututunan sa akin si Antonella, wala rin akong makwento sa kaniya because I don't have any memory prior to giving birth to her. I don't want her to be ignorant to this world. Ni TV nga at gadgets, hindi mo kami hinahayaan na gumamit, pati ba naman pakikisalamuha sa ibang tao, Anthony?" mariin niyang saad. "Palibhasa, you don't know what it feels like to be here all day in our house because you get to work outside. Pero kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, gugustuhin mo rin tumingin-tingin sa labas kahit isang beses sa isang linggo." Hindi nakaimik si Anthony. Tinalikuran niya ito at nagsimula na siyang maghugas ng plato. She heard him sigh before walking away from the kitchen. Napapikit siya at bumuntong-hininga. Kailan ba matatapos ang pagtatalo nila tungkol sa simpleng bagay 'yon? Parang gusto ni Anthony ay ikulong na lang sila at walang maging koneksyon sa labas. At totoong ni kahit TV ay wala sila. Wala ring gadget. Hindi na raw maganda ang mga palabas ngayon lalo na ang mga makikita online. Tinanggap niya iyon pero ngayon na kahit paglabas na natural naman dapat sa isang tao, pinagkakait na rin nito? What does he even want to do with them? Pag-akyat niya sa kwarto ay naroon na si Anthony. Wala na naman silang pansinan at ginawa ang kaniya kaniyang pag-aasikaso. Paghiga niya sa kama ay pinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa ng libro. She heard Anthony sighed several times pero hindi niya na 'yon pinansin hanggang sa makatulog ito. Nang makaramdam ng antok ay isinara na niya ang libro. Tumayo muna siya para umihi. Pagbalik malapit sa kama ay nakita niya ang cellphone ni Anthony. Dinampot niya iyon at binuksan. Madalas ay nakatago ang cellphone nito. Pagbukas ay nakita niya na siya at si Antonella ang wallpaper nito. Napangiti siya. She accidentally pressed on a messaging app. Pagbukas niya ay dumiretso iyon sa chat ni Anthony at sa Mommy nito na si Priscilla. I-exit na sana niya 'yon nang mapansin ang sinend na litrato ng Mommy ni Anthony. She zoomed the photo and it is Priscilla with a young boy, mukhang kaedad lang ni Antonella. Kulay gray ang mga mata ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD