Chapter 7

2397 Words
"Evans!" she shouted his name then pushed him away as hard as she could. Napahakbang si Evans paatras saka ginulo ang buhok nito. His eyes look miserable, tila pagod na pagod. Daneliya glared at him saka pinunasan ang labi gamit ang likod ng palad niya. Pain crossed Evans' eyes when he saw that. "May iba ka na talaga, right? That's why you are acting that way!" he accused her with his shaky but angry voice. Daneliya pushed him again when he tried to close the distance between them. "Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ko, Evans? Iniwan mo ako kahapon sa gitna ng daan! I am angry! Galit ako sa ginawa mo. And you can't respect my feelings. Iniisip mo na ang rejection ko sa advances mo ngayon ay dahil may iba na ako. Can't you think mature, even just for now?" pikon niyang sinabi. Kumunot ang noo ni Evans. "But I said sorry, 'di ba, babe? Bakit hindi mo tanggapin 'yon at patawarin ako. Dati naman, you forgive me easily—" "Because what you did is almost unforgivable, Evans. If things went wrong, pwedeng wala na ako sa harap mo ngayon! Iniwan mo ako sa kalsada na walang katao-tao, na walang kasiguraduhan kung sino ang dadaan. Kung masama ba o mabuti ang magiging intensyon sa akin kapag nakita akong mag-isa roon," aniya. Hindi niya alam bakit niya pa kailangan ipaliwanag ito kay Evans. He's intelligent. Engineer pa nga ito ngayon. Pero tila hindi nito nage-gets kung gaano kaseryoso ang ginawa nito kahapon. Evans' face softened as if it was beginning to be clear in his mind, finally. "I'm sorry..." he uttered softly. Dahan-dahan siya nitong nilapitan saka siya niyakap. "Sorry, babe. I'm so sorry. I was so mad, I didn't think straight. Patawarin mo ako." At that moment, Daneliya can hear the sincerity in his voice pero hindi maitatanggi na may sama pa rin siya ng loob sa nangyari kahapon. "J-just, give me space," mahinahon niyang sinabi. Naramdaman niya ang pag-iling ni Evans. "No, baka maisip mo na hiwalayan ako dahil do'n." Lumayo ito sa kaniya at tinitigan siya. His eyes were teary and pleading. "Huwag mo akong iiwan, Daneliya. Babe, magpakasal na tayo agad. Next week, hmm?" he said in a panicking tone. Umiling si Daneliya. "Evans, hindi kita iiwan. But masyado ka naman yatang nagmamadali sa kasal." Evans also shook his head. "Hindi ako nagmamadali. Matagal na tayo, babe. We are also both adults. Magpakasal na tayo. Our relationship will be better kapag kinasal na tayo." Kumunot ang noo niya. Daneliya has always been excited to be married to her first love and first boyfriend, Evans. But definitely not next week. Not anytime soon. 23 pa lang siya, naghihirap pa ang pamilya niya. May kailangan pa siyang gawin para dito. "If you're thinking about your mother and siblings, ako na ang bahala sa kanila. Ako ang susustento—" Agad siyang umiling. "It doesn't work that way, Evans," aniya at lumayo rito. Definitely not, especially when his mom, Priscilla, hates her to the core. "Kaya hindi pwede 'yon..." Kumunot ang noo ng lalake. "Are you rejecting my proposal now, babe?" Umiling si Daneliya. "Evans, we are already engaged. Committed tayo sa isa't isa. But next week is definitely not the right time para magpakasal. We are still young, hindi dapat natin madaliin ang lahat." Mariin na napapikit si Evans, halong sakit at galit. "Why are you always rejecting me and my plans, babe? Mahal mo ba talaga ako?" "I love you Evans, pero magkaiba tayo ng sitwasyon sa buhay. I am not ready yet to settle down anytime soon." Pag kinasal sila, Evans can still continue his usual life, dreams, and hobbies. Pero ang sariling buhay ni Daneliya, hihinto. Mabubuhos bilang housewife nito at bilang daughter-in-law ni Priscilla Alejandro. Hindi pa maari dahil marami pa siyang responsibilad. At higit doon, marami pa siyang pangarap na tiyak hindi niya na matutupad kapag nakasal na siya kay Evans. "I can't understand you, Daneliya," bigo na sinabi nito saka umiling. "It feels like you don't love me that much. Hindi mo ako minamahal at pinagkakatiwalaan nang buo. While I do love and trust you with my everything. Bakit ka ganiyan?" he asked as if he was in pain. Daneliya sighed. Nilapitan niya si Evans at hinawakan ang kamay nito saka tinitigan ito sa mga mata. "I'm sorry babe if you feel that way. It's just that, I still have a lot on my plate right now. Ang mahalaga, engaged tayo sa isa't isa. 'Yon naman ang plano natin 'di ba? When you proposed, it is just a promise and commitment that we will marry each other pero hindi agad-agad," marahan niyang saad. "Hindi natin kailangan magmadali." Tumiim ang bagang ni Evans. "Paanong hindi ako magmamadali? You don't even want to make love to me, Daneliya." She froze for a second. Kaya pala gusto na nito magpakasal agad ngayon dahil lang doon? "Evans?" hindi makapaniwalang saad niya. Evans let out a frustrated sigh. "Hindi mo kasi maintindihan, babe. Kung para sayo wala iyon at makapaghihintay dapat 'yon, for me it's an important part of our relationship. I want to make you feel loved through s*x. Gusto ko ibuhos ang pagmamahal ko sayo ro'n. I want to feel you, I want you to be mine fully. I want to own you and your body. I want to kiss and touch every inch of it but you're not letting me!" She tried to comprehend all his words, to see things from his point of view. She processed everything he said. Evans looked at her with his gentle eyes then he closed the distance between them. He then kissed her again while his palm is slowly warming her up by gently feeling her skin with it. "Babe, please?" he whispered in between his kisses. "Let's make love tonight. Hmm?" malambing ang boses na sinabi nito. His kisses went down on her neck. Pumikit si Daneliya at dinama 'yon. "I promise, I'll be only yours forever after this. You can make me your slave for the rest of my life..." he whispered against her skin. "Evans..." she whispered. "Yes, babe?" Nagmulat si Daneliya saka bahagyang lumayo sa lalake. Kumurap siya at umiwas ng tingin. "Where's the cr?" tanong niya. Mapungay ang mga mata ni Evans. Sa tanong niyang 'yon ay tila may naisip itong ibang bagay. Malamang ay iniisip nito na maghahanda siya para dito. Tinuro nito ang cr at agad naman siyang tumungo ro'n. She locked the door then faced the huge mirror. Tinignan niya ang sariling repleksyon. Tinukod niya ang palad sa sink saka huminga nang malalim. Isusuko ba talaga niya ang sarili? Dumadaan sa isip niya na nasisira ang mahaba na nilang relasyon dahil sa pag-ayaw niya. Ano ba ang mas matimbang sa kaniya? She's keeping her purity not because of any religious reason. Sadyang hindi talaga siya handa isuko 'yon kay Evans. Hindi niya alam kung bakit. And now, again, their relationship is going shaky because of it. Is this worth it? Pinilit niyang kumbinsihin ang sarili. Unti-unti niyang hinahanda ang sarili. She heaved a sigh and was about to go out of the comfort room when suddenly, her phone vibrated. Kinuha niya 'yon at nakita na may mensahe siya galing sa 'di kilalang number. From: Unknown Number 'I want to tell you something about Evans. I am sure that you want to know this, Daneliya. You don't know him.' 'Give me your email address. I'll send proof to you.' Dumagundong ang kaba sa puso niya. Dinama niya ang dibdib habang nag-uunahan ang kung anu-anong bagay sa isip niya. She wants to ignore this but she can feel it in her gut. She should cooperate with the sender of those messages. "Babe?" Narinig niya ang boses ni Evans kasunod ng pagkatok nito sa pinto ng cr. "Are you not coming out yet?" he added. Hindi agad siya nakakibo, tulala pa rin sa messages na natanggap niya. "Babe! Come on." Malalim siyang napalunok at nagtipa ng mensahe bilang reply doon saka itinago ang cellphone at lumabas na sa cr. Agad siyang tinitigan ni Evans at akmang hahawakan ngunit dumiretso siya sa paglalakad palapit sa pinto ng hotel room nito. "I have to go home, babe." "W-what?" Hindi makapaniwalang sinabi ni Evans. "Babe, akala ko—" Umiling siya at pilit itong nginitian saka muling tinalikuran. "Hinahanap na ako nina Daniella. No worries, I'll see you tomorrow, okay?" aniya at binuksan na ang pinto. "But babe—" Hindi niya na hinintay ang sasabihin nito at dire-diretso na siyang lumabas sa hotel room. Sa bawat hakbang niya palabas sa hotel ay kumakabog ang dibdib niya. Habang nasa biyahe pauwi sa kanila ay maya't maya ang check niya sa kaniyang cellphone pati na rin sa inbox ng kaniyang email. She sent her email address to the text that she received earlier. Ayaw niya ng kalabanin ang gut feeling niya. Susundin niya 'yon. At kung kalokohan man lang 'to o paninira kay Evans, walang mawawala sa kaniya. Pero kung totoo man na may something at hindi niya 'yon malaman, she might regret it for the rest of her life. Pag-uwi niya ay siya ang nag-asikaso ng dinner nila ng pamilya niya. While doing it, her mind is full of thoughts. Maya-maya rin siya check sa kaniyang phone. She's silently praying that this is just a prank because she doesn't want anything to happen that might ruin their relationship. "Ate, sahod mo na ba? May celebration kami ng group ko because of our successful presentation. Magsa-samgyup kami sa mall," ani Daniella at tumayo sa tabi niya habang nagluluto siya ng ulam. "Hindi pa," tanging sagot niya. Sumimangot ang kapatid niya. "Ang tagal naman. Baka tinatago mo lang sa amin ang sahod mo dahil nagdadamot ka na!" Malditang sagot nito. Marahas niyang nilingon ang kapatid. "Pwede ba, Daniella? Shut up for once! Pagod ako at maraming iniisip at ngayon aakusahan mo pa ako ng ganiyan when I do nothing but find a way to sustain the needs of this family!" she blurted out because of so much frustration. Daniella glared at her. "Ang sama ng ugali mo, ate Daneliya!" she screamed then walked out from the kitchen. Binitawan ni Daneliya ang panghalo sa niluluto niya saka napahawak sa ulo. She didn't mean to say that to her sister pero talagang nahihirapan siya these past few days mentally at financially tapos ay ganito ang nangyayari pa sa kaniya. Narinig niya ang nagmamadaling hakbang ng mama niya palapit sa kaniya. Alam niya na ang mangyayari. "Hoy! Nagrereklamo ka raw sabi ng kapatid mo?" panimula nito at nameywang sa harap niya. Daneliya sighed. "Ma, hindi sa gano'n. Pagod lang—" "Pwes, huwag mong isumbat 'yan. Wala akong pake kung pagod ka dahil pagod din ako sa pag-aasikaso rito sa bahay. Ano, mainit ulo mo dahil nagluluto ka ngayon ng panglamon natin pagkatapos mo magtrabaho buong araw? Edi umalis ka diyan ngayon. Hayaan mo kaming magutom tutal wala ka naman talagang pakialam sa amin! Ayaw mo naman talaga ng set-up ng pamilya natin dahil wala kaming kwenta para sayo!" Tears clouded her eyes. "Ma, naman!" aniya sa nanginginig na boses. It's never like that. She loves her family so much, over anything and anyone. "Hindi po gano'n—" "Eh bakit binubuntunan mo niyan kapatid mo? Pasalamat ka nga nag-aaral 'yan nang mabuti! Umayos ka nga, Daneliya! Lumalaki 'yang ulo mo habang tumatagal!" Napayuko siya. "Sorry, Ma..." she uttered softly. Inismiran siya nito. "Makarinig pa ako na ginaganiyan mo kapatid mo, malilintikan ka sa aking babae ka!" saad nito bago tuluyang nag-walk out. Agad pinunasan ni Daneliya ang luha nang naglaglagan iyon sa pisngi niya. Ang dami niyang iniisip at problema. She feels like she's never appreciated at home kahit ano pa ang gawin niya. Pagkatapos kumain ay nag-asikaso na siya para magpahinga. Nasa kama na siya at nagpapahinga ngunit hindi naman siya makatulog kaya halos tulala lang siya magdamag. She's thinking how she could improve their life. Kung subukan kaya niya mag-try mag-apply ngayon sa ibang kompanya? She appreciates her work so much pero mahirap dahil kulang ang salary niya para sa kanilang pamilya. She also wants to do more. Gusto nga niya sa office, may kinalaman sa HR, gano'n. Doon konektado ang gusto niya. Pero natatakot siya iwanan ang trabaho niya ngayon na walang kasiguraduhan dahil baka tulad ng dati ay walang tumanggap sa kaniya. What if she accepts Lindy's offer na i-refer siya nito sa kamag-anak na nasa media industry? Magandang part time 'yon. Muli niyang naisip si Evans. Nang inopen niya dati rito ang tungkol sa pagpasok sa modeling at ads, nagalit ito at matinding pag-ayaw ang nangyari. Pero iisipin niya pa ba ito ngayong pamilya niya ang nahihirapan? Kailangan niya magdoble kayod dahil kulang na sa kanila ang sinasahod niya. Nagbukas siya ng account niya sa social media at tinignan kung online pa si Lindy. Nang makita na active pa ito ay nagtipa agad siya ng message. Sasabihan niya na ito ngayon habang buo pa ang desisyon niya dahil baka bukas ay magbago na naman. "Lindy, 'yung about sa offer mo na i-refer mo ako kay Uncle mo? Open pa rin ba 'yon? I've been thinking and I think, I need to grab it na." Agad naman nag-reply sa kaniya si Lindy. "OMG! Sa wakas. Of course girl, let me message him na agad. I'll also send some of your pictures to him tapos ikaw, i-ready mo details mo and maayos na whole body pictures, okay? Send it to me tomorrow. I'm excited for you, girl!" Napatawa siya nang mahina. Ramdam na ramdam niya ang excitement nito kahit hindi sila magkasama. She's lucky to have supportive friends. Kahit papaano ay nagkaroon siya ng pag-asa kaya nabawasan ang ingay ng isip niya. Maya-maya ay dinalaw na siya ng antok nang biglang mag-beep nang sunod-sunod ang cellphone niya. She opened it sleepily. Napaupo siya at nanlamig nang makita ang notifications na may natanggap siyang messages sa email. Pagbukas niya ng isa roon ay agad siyang na-direct sa isang cloud-based storage service. Nag-loading pa ang mga naroon kaya pinindot niya ang isa sa video, walang idea kung ano'ng laman no'n. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ni Daneliya nang makita na naglalaman 'yon ng s*x video. And the guy in the video is no other than her boyfriend s***h fiance, Evans Anthony Alejandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD